GAIA'S POV
Dumaan ang ilang araw na lagi akong sinasaktan at lagi kaming mag kausap ni beach guy, a.k.a ni Terenz at bukas na daw mag coconfess si Raden. Super excited na ako. Inimbitahan nya ako na pumunta sa isang resto bukas kaya ngayon sure na akong ako ang gusto nya.
Nagpabili pa ako ng magandang dress kay ate Akaya, girl friend ni kuya Gelo.
At ngayon tinitignan ko ito kung babagay ba sa akin. Hindi talaga pumapalya si ate Akaya pag dating sa ganito! Ganda!
Nagulat ako at agad itinago ang dress ng marinig ko ang sigaw ni kuya Gani.
"Gaia! Lumabas ka dyan!"
Ramdam ko ang galit nito kaya agad akong lumabas. Ano na naman ba ang kasalanan ko?
"Po?"
Kahit nanginginig sa takot ay hinarap ko ito. Malutong na sampal ang iginawad nito sa akin. Dahil sa lalaki sya ay doble ang sakit. Muntikan pa akong mapaupo kung hindi ko lang nabalanse ang katawan.
"K-kuya-"
"Wag mo akong matawag tawag na kuya! Pumasok ka sa kwarto ko dba?!"
"O-opo, kanina po para maglini-"
"Ano na namang katangahan ang ginawa mo at basa lahat ng papeles ko doon?! Tangina naman! Gumaganti ka ba? Alam mong para sa kumpanya lahat ng papeles doon!"
Hinila nito ang buhok ko at kinaladkad ako papuntang kwarto nya. Kita kong isa isang nag sisilabasan sila mommy ngunit parang wala naman silang pake dahil pinapanood lang nila kami.
"Kuya, hindi po ako ang gumawa!"
"Putangina! Wag ka ng mag sinungaling pa!"
Naiyak ako ng isinubsob ako ni kuya ng madiin sa lamesa nya. Ginawa nyang basahan ang mukha ko at ipinunas sa lamesa. Wala akong magawa kundi mag makaawa at umiyak.
Ngayon lang nagalit ng ganito si kuya Gani. Most of the time wala lang syang pake.
"Wala kang kwenta!" Binitawan ako ni kuya at dabog na nag martya palabas. Malakas na isinarado nya pa ang pinto.
Pagkabalik nya ay may dala syang kadena. Muli ay kinaladkad nya ako at pabalyang ibinato sa lapag ng kwarto ko.
"Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas, Gaia. Masyado ka na. Kailangan mo ng ikulong para mag tanda!"
Isinarado nya ang pinto at rinig kong kinakandado nya ang labas ng kwarto. Putangina. Kahit isang beses lang naman pakinggan nyo ako oh.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Nagising na lang ako ng anong oras na ng gabi. Agad akong tumayo at tinignan ang cellphone ko. Maraming miss call ni Raden. Shit! Yung date nga pala!
Kahit na nananakit ang katawan ko pumunta parin ako. Tinalon ko ang bintana dahil hindi naman ito naka lock. Tinakpan ko lahat ng mga sugat ko para hindi makita. Gabi na rin naman kasi.
Hindi ako gumamit ng sasakyan dahil alam kong makakahalata sila kuya.
Dumating ako sa isang resto na kita ang mga city lights. Pumunta ako sa vip place kung saan sya nag pa reserve.
Nakangiting pumunta ako ngunit biglang nawala ang mga ngiti ko dahil sa nakita at narinig.
"I like you Ella. I've been hiding this feeling for 5 years already. The first time i saw you, you already stole my heart."
"R-raden kasi.."
"Can i court you....Ella?"
"Raden...I do like you...But-"
Hindi natapos ni Ella ang sinasabi nya ng sunggaban sya ng halik ni Raden. Unti unting tumulo ang luha ko.
Bakit ba laging sya na lang? Bakit hindi na lang ako?Itinulak ni Ella si Raden at sinampal ito na ikinagulat ni Raden. Maski si Ella ay nagulat sa ginawa.
"I-i'm sorry. We can't be together, Raden. Ate Gaia likes you!" Sabi nito at sabay takbo. Napatulala si Raden at hindi na magawang habulin si Ella. Dumapo ang malalambot na tingin ni Raden sa akin.
"Gaia"
"So she's the one you're talking about?"
Napatawa ako kahit umiiyak. Wala eh ang sakit. Unti unti akong lumapit dito habang naka tingin ng diretyo sa mga mata nya.
"I like you Raden."
"But i like Ella, Gaia. I like your sister."
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Tangina. Hindi ko ba deserve mahalin?
"Raden. Raden bakit? Sa dinami dami pa bakit sya pa?! Bakit sya na lang lagi! B-bakit. Bakit hindi na lang ako?"
Mas lumakas ang iyak ko at halos mag makaawa dito. Heto na naman ako. I'm begging again to be loved. Ultimo si Raden ay naiiyak rin.
"I-i'm sorry. I'm really sorry, Gaia. I only see you as a sister."
"B-bakit? Bakit?!"
Napaluhod ako habang umiiyak. Ang durog kong puso ay mas lalong nadudurog. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib dahil sa kawalan ng hangin dahil sa pag iyak. Pilit akong itinatayo ni Raden ngunit hindi ko magawa. Niyakap ako nito at paulit ulit sinasabi ang salitang sorry.
"Ako na lang Raden. Ako na lang, please"
"I'm sorry"
Huling sabi nito bago tumakbo papaalis. Siguradong susundan nya si Ella. Iniwan nya ako. He put her first before me. I chuckled. Of course sya ang uunahin eh. Sya yung mahal eh. Kaibigan at kapatid lang pala turing sa akin. Sya na naman ang nanalo. Sya na naman ang minahal.
It hurts. But what hurts the most is i have no reason to blame him or even her. They're not the one who hurt me. My own expectation hurts me. Sino ba namang nag sabing ako ang gusto? Sino ba ang umasa? Syempre si tangang ako. Nakakatawa. I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen. Hindi ako yung gusto eh.
Iniyak ko lang ng iniyak yung sakit na nararamdaman ko hanggang sa luha ko na mismo ang mapagod. Hindi ko kayang dumaretyo pauwi kaya pumunta ako sa beach. Please be there. I need you right now.
A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW! HAPPY READINGS!
BINABASA MO ANG
The Girl Who Lost Everything (Completed)
Short StoryGaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's always begging everyone around her to love her. That's her only wish. To be loved. She have a compl...