12

11.9K 164 13
                                    

GAIA'S POV



Kinaumagahan ay maaga akong gumising. Nadatnan ko si Nanay Ena na nagiinit ng tubig habang si Tatay Ron ay nagbabasa ng diaryo. Pinakilala sila sa akin ni Terenz kagabi. Sila ang nagbabantay at nagaalaga nitong bahay nung umalis si Terenz. Mababait sila Nanay. Pakiramdam ko para akong may mga magulang.



"Oh anak, gising kana pala. Maayos ba ang tulog mo?"



Masiglang bati sa akin ni Nanay Ena. Ang sarap pala sa pakiramdam matawag na anak. Nagmano ako kay Nanay at Tatay bago sagutin si ang tanong ni Nanay Ena.



"Opo! Salamat pala po sa binigay nyong gamot kahapon. Naging maayos po ang tulog ko." Ani ko at binigyan sya ng matamis na ngiti. Kahapon kasi ay bigla akong nilagnat. Sya at si Tatay ang nag alaga sa akin. Hindi nila ako iniwan at pinabayaan hanggang sa bumaba ang lagnat ko. Nilutuan pa ako ng lugaw ni nanay kagabi kahit anong oras na.



"Sige na gisingin mo na si Terenz doon para sabay-sabay na tayong kumain." Agad akong tumungo sa taas para gisingin si Terenz. Hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok. Kaso isang malaking pagkakamali pala iyon. Kita ko ang hubad nyang pangitaas. Agad nanginit ang mukha ko at napatili pa.



Agad akong tumalikod ng lumingon sya sa akin. Jusko naman, Gaia! Bakit kasi hindi ka muna kumatok! Eh sa akala kong tulog pa sya eh! Kahit na! Ay ano ba naman yan pati utak ko nagtatalo. Kasi naman eh! Narinig ko pa ang mahinang tawa ng Terenz. Tangina! Ang sexy ng boses nya sa umaga! Ibang iba sa maloko at sweet na boses nya.



Naramdaman kong yumakap ito sa likod ko na mas ikina init ng pisngi ko. Oh, tukso! Layuan mo ako!



"Good morning, Gaia."



Marahang sabi nya na mas nagpasexy ng boses nya. Putcha! Ramdam ko ang init ng pisngi.



"G-good morning"



Sinubukan kong hindi mautal kaso no epek! Muling tumawa sya ng mahina na nagpakiliti sa akin dahil nakatapat sya sa tenga. Lumingon ako sa kanya ngunit nasa lapag ang tingin ko. Bahagya ko syang tinulak upang lumayo sa akin. Ngunit agad rin akong napabitaw ng maramdaman kong wala parin pala syang damit pangitaas!



"A-ano ba mag damit ka nga!"



Iniwas ko ang tingin ng hawakan nya ang baba ko para iangat.



"Gaia..why aren't you looking at me?"



Pilit ko paring iniiwas ang tingin sa kanya. Mas lalo lang nag iinit ang pisngi ko dahil sa ginagawa nya! Ramdam ko rin ang paglambot ng aking tuhod. Nakakapanghina ka, Terenz!



"Gaia? Baby, please look at me"



Hinawakan nya ang dalawa kong pisngi at iniharap sa kanya! Hindi ko na kaya! Baby?! Putcha! Feeling ko lalagnatin ako!



He smiled at me and kissed my forehead. Umabot ito ng halos isang minuto na ganoon ang posisyon namin. He looked at me and plastered his sweet smile.



"Ang ganda ganda mo"



Mahinang sabi nya habang ginagala ang tingin sa mukha ko. Pakiramdam ko may lumilipad na paro-paro sa tiyan ko. Tama na, Terenz!



"M-magbihis kana at kakain na daw"



Sa wakas ay nasabi ko na ang ipinunta ko. Nginitian lang ako nito at nagbihis. Hindi ko alam pero hindi ako lumabas o gumalaw sa pwesto ko. Pagkatapos nya ay kinuha nya ang kamay ko at pinag saklob ang aming mga kamay. Hindi nawawala ang pag init ng aking pisngi kung hindi lalo lang itong dumadagdag.



Bumaba kami ng magkahawak kamay. Malaki ang ngiti nya habang hiyang hiya naman ako. Bumungad ang mapanuksong tingin nila nanay kaya naman itinago ko ang pulang pula na mukha sa likod ni Terenz.



Nagdasal muna kami bago kumain. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapagkainan na ngayon ko lang naranasan. Ngayon ko lang naramdaman na may pamilya. Ngayon ko lang naranasang paghandaan ng pagkain. Ngayon ko lang naranasang may kasabay kumain. Ang saya. And you know what more makes me happy? Is i didn't beg them to treat me like their own daughter. Instead they willingly do it. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalin ng hindi mo kailangang mag makaawa.



Pagkatapos namin kumain ay inako ko ang paghuhugas. Nung una ay tutol pa si nanay dahil baka daw binatin ako kaso nagpumilit ako dahil ayoko naman silang mapagod. Habang naghuhugas ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang pinggan. Binalot ang sistema ko ng kaba. Agad bumuhos ang luha ko dahil sa kaba at takot. Rinig ko ang mga yapak nila na papunta dito.



"I-i'm sorry! I....i didn't mean it! B-bigla ko nalang syang nabitawan. I-i'm sorry! Please forgiv-"



Napapikit ako at napaiwas ng lumapit sa akin si Terenz at itinaas ang kamay. Akala ko ay sasaktan nya ako ngunit hindi. He hugged me. He's brushing my hair to calm me. Iyak lang ako ng iyak.



"Shhh, it's okay, Gaia. Calm down"



"Terenz, ikaw na ang magpatuloy ng hugasin. Ako na ang bahala kay, Gaia"



Ramdam ko na hinila ako ni nanay papunta sa kwarto. Pinaupo nya ako sa kama habang sya ay nakatayo sa harapan ko. Niready ko na ang sarili ko. Ang tanga mo naman kasi, Gaia!



Hinawakan ni Nanay Ena ang balikat ko at tinignan ako sa mata. Puno ng awa at sakit ang mga mata nya.



"I-i'm sorry, Nay"



Humihikbing saad ko. She hugged me tightly and brushed my hair.



"Anak, ayos lang iyon. Hindi mo kasalanan. Hindi mo naman sinasadya eh. Pinggan lang iyon, mapapalitan natin iyon. Hindi mo kailangan mag alala. Hindi naman kami galit eh. Nag aalala kami, Gaia anak. Nasaktan kaba, anak ko? Sabihin mo kay Nanay kung may nararamdaman kang sakit, ah? Gagamutin ni nanay iyan. Alam kong hindi maganda ang dinanas mo dahil sa inakto mo. Anak, kung may problema ka papakinggan ka ni Nanay. Hindi kita pinipilit sabihin ang problema at dinidibdib mo. Gusto kong maramdaman mo na nandidito kami nila Tatay mo at ni Terenz. Makikinig kami. Hindi ka nag-iisa, anak. Nandito kami para sayo"



Mas hinigpitan ko ang yakap kay nanay Ena. Hindi nga pala sila. Hindi sila katulad ng pamilya ko na sasaktan ako. Hindi sila katulad ng pamilya ko na pinapabayaan lang ako. I cried harder. I thought i will never feel how to be loved by a parents anymore. But i was wrong. Because nanay Ena and tatay Ron existed. They're willing to hear me.



I am happy but at the same time hurt. Bakit kaya ng ibang taong hindi ko naman kadugo na mahalin ako at alagaan pero mismong pamilya at mga kadugo ko hindi man lang ako magawang tanungin kung ayos lang ba ako.



Kung sino pang hindi ko kadugo sila pa yung nandyaan para damayan at alagaan ako. Habang yung mga kadugo ko iba ang dinadamayan at inaalagaan.



A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon