GAIA'S POV
Nagising ako ng maramdaman kong may tumapik sa akin. Si ate akaya.
"Ate!" Agad ko syang niyakap at umiyak. Ang baboy nila ate. Binaboy nila tayo! Naalala ko na naman kung paano nila kami gahasain. Diring diri ako.
"Shhh. Let's go. We need to get out of here. Mag suot ka muna." Kahit naiiyak kami pareho ay agad kaming kumilos. Ramdam ko ang sakit ng ibaba ko habang mag susuot. May mga pasa at galos rin akong natamo. Lumabas kami ng silid na kinakalagyan namin. Dahan dahan kaming bumaba sa simentong hagdan. Napaka ingat ng galaw namin para lang hindi kami mahuli.
Nagulat kami ng maapakan ni ate Akaya ang isang lata ng beer. Nataranta kami at agad nag hanap ng pag tataguan. Tumakbo kami ni ate Akaya dahil rinig na namin ang paparating na mga kalalakihan. Umabot kami sa labas kaso puro puno. Tumungo kami sa kakahuyan kahit nanginginig na kami sa takot. Rinig ko ang mga sigaw ng lalaki at mga paputok nila ng baril.
"Ate nandyan na sila!"
Nakahanap kami ng maliit na bangin na kasing lalim lang ng tangkad ko kaso pang isang tao lang. Hinila ako ni ate patungo doon at pinapasok. Kumuha sya ng mga dahon at ipinangtakip sa akin.
"Magtago ka, Gaia. Kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas." Iyak na sabi ni ate. Kahit ako ay napaiyak narin.
"Please tell your kuya i love him" She kisses my forehead. Please, no. Humahagulgol na ako at nahihirapan narin huminga.
"Ate..ate kung ano mang balak mo please wag mo akong iwan. Wag ka namang mag salita ng ganyan oh." Iyak ko. Hinalikan nya lang ulit ako sa noo at lumayo na. Gusto ko pa sana syang tawagin ngunit natanaw ko na ang mga kalalakihan.
Hindi pa nakakalayo si ate Akaya ng barilin ng isa si ate. Agad na napaluhod si ate at hindi na nakatakbo.
"Asaan ang isang babae?!" Sigaw ng lalaki habang hawak ang buhok ni ate akaya.
"Tingin mo sakin tanga?" Sabi ni ate akaya ng nakangisi ngunit lumuluha.
Tinakpan ko ang bibig para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Pinagdarasal ko na sana may tumulong sa amin. Kitang kita ko kung paano nila pag hahampasin si ate Akaya ng hawak nilang baril para lang mag salita ito. Ate ko..
Kitang kita ko rin kung paano nila ito pinagbabaril sa katawan. Walang awa nila itong pinatay. Gusto kong sumigaw ngunit tila wala akong boses. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tumakbo patungo sa ibang direksyon ang mga lalaki.
Nang masigurado kong nakalayo na sila agad kong nilapitan si ate Akaya ko.
"A-ate.."
Niyakap ko ito kahit puno ito ng dugo.
"ATE KO! AHHHHHHH!! B-bakit? Bakit hinayaan mong mangyari sa amin ito!? Hindi pa ba sapat ang paghihirap na ibinigay mo sa akin?!" Iyak ko habang nakatingin sa taas. Bumuhos ang malakas na ulan ngunit nanatili akong nakayakap sa malamig na bangkay ni ate Akaya. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata nya bago sya buhatin. K-kailangan naming makaalis dito. Kailangan nyang mailigtas. Tulong!, Parang awa nyo na!
Sa ilang oras ng paglalakad sa kagubatan ay nakita ko na ang daan palabas. Natatanaw ko na ang kalsada na halos hindi dinadaanan ng mga sasakyan. Ibinaba ko si ate Akaya at nag hintay ng tulong. Nang maaninag ko ang isang kotse ay agad akong lumuhod sa gitna ng kalsada.
"Parang awa nyo na tulungan nyo po kami!" Iyak ko habang nagmamakaawa. Agad lumabas ang tao sa loob ng sasakyan. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
Nagising ako ng nakahilata sa hospital. Ang daming mga kung ano ang nakakabit sa akin. Agad akong tumayo na ikinalingon ng isang nurse. May pinindot sya at sinabi na gising na ako.
"S-si ate Akaya? Si ate ko?"
Tanong ko sa nurse. Napasabunot ako sa buhok habang nanginginig. Yung mga baboy na yun! Mga demonyo sila. Nag sunod-sunod ang pag tulo ng luha ko.
Narinig kong may pumasok at pagkakita ko ay sila mommy.
"S-si ate Akaya? Nasaan si ate Akaya!" Sigaw ko sa kanila ng nanatili silang tahimik. Si Ella ay humihikbi habang inaalo sya ni Raden.
"W-wala na si Akaya. Patay na sya" naiiyak na sambit ni mommy. H-hindi. Hindi pwede! Humagulgol ako habang sinasabunutan ang buhok at pinaghahampas ang ulo. May dumating na mga nurse at doctor na agad akong tinurukan ng kung ano. Agad akong nahilo at nawalan ng malay.
A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!
BINABASA MO ANG
The Girl Who Lost Everything (Completed)
Short StoryGaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's always begging everyone around her to love her. That's her only wish. To be loved. She have a compl...