1

17.8K 252 26
                                    

GAIA'S POV


Tanghali na ng magising ako. Naligo muna ako bago bumaba. Malapit palang ako sa hagdan ngunit rinig ko na ang mga halakhak na nanggagaling sa sala.


"Wow! Daddy ang ganda po oh! Bagay po ba?" Rinig kong ani ni Ella. Agad naman umoo ang step father ko at pinuri si Ella sa kagandahan nitong taglay.


May tatlo akong kapatid puro lalaki at ako ang dating bunso na ngayon ay si Ella na. Mas matanda kasi ako ng ilang buwan. Si Ella ay ampon ni mommy at stepdad ko. Adopted sya ngunit mas itinuturing pa nilang anak kesa sa akin. Kesyo lumaki daw kasi ito ng walang magulang at nagmamahal sa kanya kaya pinagtutuunan daw nila ito ng pansin. Dati rin daw kasing suicidal person si Ella.


Tumungo ako ng kusina ngunit as expected walang ni katiting na pagkain ang itinira sa akin. Dumaan ulit ako sa sala upang tumungo sa taas para makapag palit dahil may pasok pa ako sa trabaho. Nagulat at agad akong napahinto ng bigla akong tawagin ni kuya Gani. Ang pangalawa sa nakakatanda.


"Gaia, gising kana pala. Tambak ang lababo ng hugasin tagal mo kasing gumising eh. Paki gawa na ah." Tangina. Ni hindi man lang ako tinanong kung kumain na ako. Tumango nalang ako at bumalik sa kusina. Sa bahay na ito nakikita at napapansin lang ako pag may iuutos sa akin at pag may nagawa akong hindi nila gusto.


Habang naghuhugas ay nakita ko sa peripheral vision ko na pumasok si kuya Gael ang pangatlo saming magkakapatid. Sya ang pinaka hindi ko kaclose. Hindi ko alam pero napaka laki ng galit nya sa akin. "Oh, pakidamay" ani nya sabay lapag ng baso. Kinuha ko ito ngunit agad ko rin itong nabitawan ng sadyaing banggain ako ni kuya Gael. Nahulog at nabasag ang baso sa paa ko. Lumikha ito ng ingay at rinig ko ang mga nagmamadaling yapak ng pamilya ko.



"Gael! Ayos ka lang ba?" Tarantang tanong ni mommy at tinignan ang buo nitong katawan kung may galos ba.
Lahat sila ay nag aalalang nakatingin kay kuya Gael.



Nang makumpirma nilang wala itong galos ay galit nila akong tinignan. "Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo!" Ang sigaw ni mommy ang bumalot sa kusina. Galit na galit ito.


"Mi nagalit po ata sya sa akin nung nagdagdag ako ng hugasin pina sabay ko lang naman po" pagpapanggap nito. Bumalot ang kaba sa sistema ko. "M-mommy hindi po yun totoo. Binang-" Napahinto ako ng lumagapak ang kamay ni mommy sa pisngi ko.


"Magsisinungaling ka pa! Bakit?! Nagrereklamo ka sa gawain mo? Ha!" Marahas nyang hinila ang buhok ko at isinubsob ako sa lababong puno ng tubig na pinagbabanlawan ko. Naiiyak na ako. Ipinikit ko na lang ang mata dahil sa takot na baka matusok ang mata ko ng mga kobyertos at iba pang hinugasan ko na nandodoon. Nakaramdam ako ng hapdi sa parteng baba ng mata ko bago ako hilahin ni mommy pataas.


"Wala kang karapat mag dabog at sirain ang gamit ko! Naiintindihan mo!?" Hawak nito ang panga ko na sa tingin ko ay mayroon ding sugat dahil sa hapdi.


Tinignan ko sila kuya. Mga kapatid ko na walang emosyong nakatingin sa akin. Tinatakpan at nasa likod pa nila si Ella. Tila takot na masaksihan at matakot sya sa ginagawa sa akin. Tangina. Nagawa nyong protektahan yung hindi nyo kadugo habang ako pinapanood nyo lang ako saktan tila na nonood kayo ng isang palabas.


Pinag mumura at kung ano pa ang sinabi ni mommy sa akin habang sabunot ang buhok ko. Wala akong magawa kundi umiyak nalang at mag makaawa. Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa lapag ng bitawan ako ni mommy ng walang pag aalinlangan.


Masakit. Masakit ang mga sugat ko at buong katawan ko. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Hindi ko magawang tumayo dahil sa panghihina ng katawan dahil ilang araw na akong walang ayos na tulog at dahil sa sugat na natamo ko.


Dahil hindi ko magawang tumayo ay gumapang ako. Nadaanan ko ang sala ng walang tao kaya malaya akong nakagapang. Kahit sa hagdan ay gumapang lang rin ako. Kahit alam kong mag kakapasa ako ay hinayaan ko na lang.


Nakaabot naman ako sa kwarto. Dahil sa pagod at panghihina ay napasandal nalang ako sa likod ng pintuan ko. May narinig akong yapak ngunit hindi ko magawang mabuksan ang mga mata ko.


"Gaia! What happened to you?" Boses ni kuya Gelo ang nag salita. Boses ng kakampi ko. "K-kuya" hinang hina na talaga ako. Agad ako nitong binuhat at inihiga sa kama. Naaaninag ko itong natatarantang bumaba. Pag kabalik nito ay hawak nito ang med kit.


"Sorry, Gai. I'm really sorry, nalate si kuya ng dating" sobra ang pag-aalala sa boses nito na ikinatawa ko ng mahina. Sya ang kakampi ko sa bahay na ito.


"It's not your fault kuya. Kasalanan ko rin naman eh." Tinignan lang ako ni kuya tila awang awa. I hate that stare. I feel stupid. "Kuya, don't look at me like that nga" gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito si kuya. He accompanied me.


Umalis na si kuya dahil hahanapin na naman ito ni mommy. Nagpapahinga lang ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Si Raden tumatawag.


"Good afternoon, Gaia." Bungad nito pag kasagot ko ng tawag. Agad gumuhit sa labi ko ang ngiti. He's my best friend, Raden Sandoval. Since elementary mag best friend na kami. He's always there for me, that's why i like him for how many years now.


"Good afternoon. Napatawag ka?"


"Wala na ngangamusta lang sa pinaka cute kong best friend." Napatawa ako sa sinabi nito. Jusko, alam nya talaga kung paano ako pangitiin.


"Psh! Nambola pa. Ano nga?"


"Hehehe favor lang"


"Sabi na eh may kailangan ka. Ano ba yon?"


"Pa kiss. Joke! Umm, advice lang. You know the girl ba kwinekwento ko sayo na matagal ko ng gusto right?"


Napaayos ako ng upo. Matagal na syang may kwinekwento sa akin about daw doon sa babaeng nagugustuhan nya. He gave clue but he never told me kung sino ito. Well, hindi naman masamang umasa but i know it's me. The way he describe this girl. Sobrang ako. I felt excited kasi finally aamin na sya. Iniintay ko lang talagang umamin sya so u can confess too. I really do like him.


"Ehem! Oh tapos?"


"Patulong naman oh. Balak ko na kasing umamin. Gusto ko sana yung romantic."


"Hmm. What about dalhin mo sya sa lugar na maganda. Like tabing dagat or yung kita yung mga city lights. Tapos doon kayo mag didinner then you'll confess while both of you are mesmerizing the scenery."


I like beach and city lights that's why i recommend it. I imagined how he will confess to me. And while thinking about it i feel like there's a butterfly in my stomach.


"Ang galing mo talaga Ia ko! Balak kong next week may confess para mapag handaan ko lahat."


Napatawa ako at mas lumaki ang ngiti sa labi ko.


"Geh sabi mo eh"


"Tara, labas tayo. Libre ko as a thank you gift na rin. And miss na rin kita eh"


This guy talaga alam na alam kung paano ako kunin! Kahit alam kong hindi ako papayagan umalis ay pumayag ako. Ayokong sayangin yung mga oras na niyayaya nya ako. Wala eh. Mahal ko na.


Agad akong naligo at nag bihis. Tinakpan ko ng make up ang mga sugat ko at nag suot na lang ng rubber shoes para hindi makita ni Raden ang mga sugat ko. I know he's my best friend but i can't tell him what's happening to me inside this house. Ayokong makadagdag sa mga problema nya.


Iniintay ko na lang siguro na maging kami at sa puder nya na ako tumira.


A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon