GAIA'S POV
Ilang linggo akong nasa ospital. Halos mabaliw ako. Walang oras na hindi ko na aalala yung nangyari sa akin at kay ate Akaya. Ang mas masakit pa ay ni isa sa pamilya ko walang nag alaga sa akin. Pinabayaan ulit nila akong mag isa. Kumuha ako ng sarili kong psychologist dahil minsan ay bigla nalang akong iiyak at mag wawala tuwing naaalala ko yung ginawa ng mga demonyo na yun.
Bukas ay pwede na akong ma discharge at sa pagkakaalam ko bukas na rin daw ang libing ni ate Akaya. Gusto kong pumunta. Si Raden lang ang dumadalaw sa akin dito para iupdate ako at icheck. Bukod sa kanya ay wala na.
Nakausap ko na rin si Terenz pero through chat. I didn't tell him what happened to me. I'm scared. Sinabi ko na lang na busy ako sa work.
Kinahapunan ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa park sa likod ng hospital. Marami ring mga naglilibang na patients dito ngunit ako lang ata ang walang kasama. Lahat ng patients dito ay kung hindi kaibigan o partner ang kasama, pamilya.
Buti pa sila meron silang masasandalan. Sa buong buhay ko pakiramdam ko sarili ko lang ang meron ako. Pakiramdam ko nagiisa lang ako.
Pinagmasdan ko lang kung paano mag tawanan ang mga pamilya na magkakasama. Kelan ko kaya mararanasan yan? Kelan kaya ako makikipang bonding sa kanila? Kelan kaya kami makakapag celebrate ng birthday ko?
Kinuha ko ang dala kong sketch pad at mga lapis. Inimagine ko na yung pamilyang nagtatawanan di kalayuan sa pwesto ko ay kami. I draw their position pero mukha naming pamilya ang nilagay ko. Ang ganda. Ganito pala ang magiging itsura namin kung masaya kami. Wala eh. Hindi ako kasali sa 'perfect family' nila.
Kinabukasan ay nag ayos ako ng gamit dahil pwede na daw akong umuwi. Wala akong dalang kotse kaya nag comute lang ako. Wala namang sumundo sa akin eh.
Pagdating ko sa bahay ay walang tao. Paniguradong nasa sementeryo na sila. At kesa mag pahinga muna agad akong nag bihis ng white na dress at bumyahe patungo sa sementeryo kung saan ililibing si ate Akaya. Buti na lang at natanong ko si Raden nung isang araw.
Pagdating ko ay madami ng tao. Rinig ko ang iyak ni tita kela, mommy ni ate Akaya.
Kay Raden ako lumapit at tumabi. "Ayos ka na?" Hindi ko sya nilingon at tumango na lang. Unti unting tumulo ang luha ko. Naramdaman kong inakbayan ako ni Raden at hinagod ang braso ko. "Shh, it's alright. Iiyak mo lang" gaya ng sabi nya ay umiyak lang ako ng umiyak. Pagkatapos ng libing ay umuwi na kami.
Kinakabahan ako kasi hindi ako pinapansin o tinitignan man lang ni kuya Gelo. Pero i understand. I know na masakit sa part nya. I'll give him a space. Pumasok ako ng kwarto at naligo.
Simula ng mangyari yun ay walang ligo na hindi ko kinukuskos ng sobra ang buo kong katawan. Halos tatlong beses akong naliligo nung nasa hospital ako at limang beses nag totoothbrush. Pakiramdam ko hanggang ngayon madumi parin ang katawan ko.
Pagkatapos kong maligo ay sinubukan kong matulog. Ngunit pakiramdam ko may taong gagasahasain ulit ako. Binuksan ko ang ilaw at nag latag sa sahig. Doon ay nakatulog ako.
Lumipas ang tatlong linggo na ni isa sa kanila ay walang pumapansin sa akin. Pakiramdam ko tuluyan na akong naging invisible. Si terenz ang lagi kong kasama dahil lagi akong umaalis sa bahay. Yung dating bahay na maingay dahil sa tawanan nila ngayon ay tahimik na. Lalo na si kuya Gelo.
Magkasama kami ni Terenz ngayon kumain sa karenderya ni aling paeng. Naging favorite ko na ito dahil sa kanya.
"Balita sa pamilya mo? Hindi ka parin pinapansin?"
Sinabi ko sa kanya yung tungkol kay ate Akaya at sa family ko na hindi ako pinapansin pero hindi ko parin nasasabi yung tungkol sa nangyari. Natatakot parin ako. At hanggang ngayon binabangungot parin ako. Hindi narin ako natutulog sa kama at laging sa lapag na lang.
"Hindi pa rin eh. Sanay naman na ako dahil ganoon na sila sakin dati pa man, kaso si kuya Gelo hindi na ganun kasigla gaya ng dati"
"Pabayaan mo muna iyon. Mahirap mawalan ng minamahal." Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos namin kumain niyaya ako ni Terenz mag lakad lakad sa beach.
"Ijo, baka gusto mong bumili ng rosas para sa gelprend mo." Ani ng isang lolo na nagtitinda ng mga rosas. Ramdam ko ang pag init ng pisngi dahil sa hiya.
"Ilan na lang po ba iyan? Bilhin ko na po lahat. Para sa girlfriend ko" diin ni Terenz sa huli nyang sinabi at tinignan pa ako ng may ngisi. Jusko itong lalaking toh! Sa ilang buwan na kaming magkakilala ni Terenz, ramdam ko na nahuhulog na ako sa kanya. Sino ba namang hindi? He's always there for me everytime i need him. He always makes me happy. Lagi nya akong ginagala dito sa mga hindi ko pa napupuntahan. Binibigyan nya ako ng 'just a flower' tatlong beses sa isang linggo. At never nya pinaramdam sa akin na mag isa ako.
"Nako! Kay sweet mo naman, ijo! Naaalala ko pa ganyan rin ako dati sa misis ko at ganyan rin ako kagwapo!" Natawa ako ng nag pogi sign pa si lolo at sumabay naman si Terenz sa trip ni lolo.
Pagkaalis ni lolo ay humarap sa akin si Terenz ng may malaking ngiti. Pafall! Lumuhod pa ito tyaka inabot sa akin ang bulaklak. I chuckled.
"Dami mong alam!" Kinuha ko ang roses at inamoy ito. Infernes ang bango!
Nagulat at mas lalong umapoy ang pisngi ko ng hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako.
Nakaupo kami ngayon at nasaharapan namin ang medyo may kalakihan na box. Balak naming gawin yung napagplanuhan namin.
Nagsulat kami ng letter para sa isa't isa pero hindi namin hinayaang mabasa namin. Gusto ko babasahin namin ito after 5 years. Nilagay ko doon ang mini teddy bear na nagsasalita ng 'i love you' kapag pinindot mo ang tiyan nito, my favorite necklace na binigay sa akin ni daddy before, yung paper flower na ginawa nya sa akin, at iba pa.
Sya naman ay may nilagay na camera, a box na ayaw nyang ipakita sa akin ang laman, at marami pa.
Ibinaon namin iyon sa tago at mabatog bahagi ng dalampasigan. See you in 5 years.
We spend our whole day together. We made a sand castle. We dance. We talk while watching sunsets together. And more. Those simple things always makes me happy. He makes me happy.
A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READING!
BINABASA MO ANG
The Girl Who Lost Everything (Completed)
Short StoryGaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's always begging everyone around her to love her. That's her only wish. To be loved. She have a compl...