15

14.3K 140 8
                                    

GAIA'S POV



Nasa byahe kami ngayon pauwi. Pinalipas lang talaga muna namin ang birthday ni Terenz bago umuwi. Si nanay paeng ang nag aasikaso sa lamay ng mommy ni Terenz kaya ayos lang kahit ngayon lang kami umuwi.



Hindi ako natulog buong byahe dahil gusto kong samahan sa pag dadrive si Terenz. Alam kong mabigat ang dibdib nito, at ayokong maramdaman nyang nag iisa sya.



Sila nanay at tatay ay naiwan sa Baguio at hindi na sumama pa. Sasaglit lang naman kami doon ni Terenz at uuwi rin sa Baguio pag nailibing na si tita.



Wala rin akong balak umuwi sa bahay. Alam kong pinapahanap na nila ako dahil ilang beses nila akong kinontak pero nagpalit ako ng sim para hindi nila malaman kung nasaan ako.



Sa mismong tapat bahay nila Terenz kami huminto. Agad kaming bumaba. Sinalubong naman kami ni nanay paeng na halatang pagod. Agad niyakap ni Terenz si nanay.



Pumasok ako at iniwan muna sila upang asikasuhin ang mga tao. Hindi ko na nagawang mag bihis pa. Nagluto ako ng sopas habang inaasikaso ang iba, medyo madami kasi ang tao.



Agad akong lumabas ng kusina ng marinig ko ang hagulgol ni Terenz. He's calling his mom. Wishing for her to be alive again. He's also cursing his father na wala dito ngayon. Tumakas daw ito sabi nila.



Inalalayan ko sya habang hinahagod ang likod para kumalma. Ramdam na ramdam namin ang sakit base sa pag iyak nya. Nasasaktan akong makita syang ganito. Kung pwede lang ay akuin ko ang sakit na nararamdaman nya. Kung pwede lang ako na lang yung masaktan wag ko lang sya makitang umiiyak.



Alas nueve na ng gabi at nakatulog si Terenz dahil siguro sa pagod sa byahe at pag iyak. Lumabas ako para pumunta sa malapit na palengke para bumili ng bagong ilulutong pagkain.



Bago ako dumaretyo sa palengke ay nadaanan ko pa ang dalampasigan kaya naman huminto muna ako dito para panoodin ang buwan. Ang ganda ganda talaga.



Habang nagmumuni ay nagulat ako ng may biglang humatak sa akin.



"Sumama ka sa amin!"



Tatlo silang lalaki. I know them. Isa sila sa mga tauhan ni mommy. Tangina. Sinubukan kong pumalag at tumakbo ngunit nanghina ako ng sikmuraan nila ako. Hindi ako natatakot sa kung anong mangyari sa akin. Natatakot ako na baka hanapin ako ni Terenz. Kailangan nya ako. T-terenz...



Nagising ako sa isang kwarto. Kwarto ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumaba ako at nakita sila mommy kasama ang mga kapatid ko. Nandoon rin ang ibang taong hindi ko kilala. Napatingin sila sa akin ng marinig nila ang yapak ko.



"W-what am i doing here?"



May diin kong tanong ng salubungin ako ni mommy. Binigyan nya lang ako ng matalim na tingin at ngumiti sa mga taong hindi ko kilala.



"Eto nga pala si Gaia. Ang ganda nya noh?"



Nalilito ako sa inaakto ni mama. Pasalit salit ang tingin ko sa mga taong nasa harap namin at kay mama. Ano bang nangyayari?



"Gaia, meet Ezekiel. You're future husband."



Malaking ngiti na ani ni mommy na ikinagulat ko.



"W-what?! What are you talking about mommy?"



No. Hindi pwede. I have my Terenz. He's the only guy i want to marry. Sya lang at wala ng iba. Kung hindi sya ang papakasalan ko mas maganda na lang na tumanda akong dalaga.



"Shut up, Gaia"



Bulong ni mommy habang nakangiti parin. Tangina. Anong gagawin ko? Ramdam ko ang higpit ng hawak ni mommy sa akin. Gusto kong dumaing pero may mga tao sa harap ko.



Nagusap pa sila about sa marriage kuno habang hindi parin napoproseso ng utak ko nangyayari.



Hindi ako gumawa ng eksena sa harap nila at hinayaang makaalis muna ang bisita ni mama. Pag kaalis na pagkaalis nila ay agad akong tumayo at tinangkang lumabas pero may mga lalaking pumigil agad sa akin.



"Hindi ka aalis, Gaia. You will stay here. I will not question you anymore where the hell have you been this past few months but you will marry Ezekiel."



"No, ma! I will not marry him! Ano ba na naman ang ginagawa nyo! Bakit ako? Nandyan naman si Ella, ah!"



Sigaw ko at hinarap sya. Kahit ang mga kapatid ko ay nagulat sa inakto ko. Ramdam sa boses ko ang galit.



"She can't. Raden is her boyfriend. Come on, Gaia. You want me to love you, right? You need yo marry Ezekiel or else babagsak tayo. It's for the best."



"For the best?! Tangina! Tinanong nyo ba ako kung gusto kong magpakasal?! Ni hindi ko nga kilala yung lalaking yun eh!"



Naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ng sampalin nya ako.



"Don't you dare curse me and talk to me like that! Hindi mo ako pinapalamon para pag salitaan mo ako ng ganyan!"



Malakas na sigaw nito. Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ay hindi ko na sya kinibo at padabog na umakyat patungo sa kwarto ko.



Buong araw ay nagkulong lang ako. Sinubukan kong tumakas pero puno ng mga nagbabantay ang bahay.



How am i going to escape? Terenz, please help me.



A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon