17

21.9K 248 31
                                    

GAIA'S POV



Pinauwi ako ni Raden at sya ang umasikaso kay Terenz. Ayoko man na bitawan sya ngunit ayoko rin makita kong paano sya ipasok sa morgue.



Kanina pa ako naihatid ni Raden ngunit nanatili akong nakatayo sa harap ng bahay kahit malakas na ang ulan.



Hindi ko maramdaman ang sariling mga paa. Para akong patay na nakatayo. Wala akong maramdaman na iba kung hindi sakit.



Napag desisyunan kong pumasok na sa loob. Pagbukas ko palang ng pinto ay sampal na agad ang bumungad sa akin. Pero hindi ako umimik o tinignan man lang sila.



"Putangina, Gaia! Pinahiya mo ako! Akala ko ba napaliwanag ko na sayo ng maayos na papakasalan mo si Ezekiel! Ganyan ba ang igaganti mo sa akin matapos kitang dalhin ng siyam na buwan, pakainin, at buhayin!"



Tangina. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Tinignan ko sya sa mata. All i feel is anger....hurt...and pain.



"I told you in the first place, I don't want to marry someone i don't know. Pero pinilit mo ko. Kahit alam mong may boyfriend ako, ipinilit mo parin. Bakit ang unfair mo, ma? Dahilan mo kaya hindi si Ella ang pinakasal mo kasi boyfriend nya si Raden. Pero bakit nung ako ipinilit mo parin?"



Ramdam ko ang pagbilis at pagbigat ng dibdib ko. Ang mga luhang akala ko ay ubos na ay muling nag bagsakan.



"Dinala mo ako ng siyam na buwan sa tiyan mo, binihisan, at pinakain. Pero ilang taon mo rin akong sinaktan, physically, mentally, at emotionally, ma."



Walang umiimik sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin.



"Alam ko namang galit kayo sa akin, na kinamumuhian nyo ako. Gusto kong marinig mula sa inyo kung bakit!"



"Don't act like you don't know. Tigilan mo na ang pagdradrama dyan, Gaia." Madiin na ani ni kuya Gael. I chuckled. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.



"Drama? Yan lang ang tingin nyo sa akin tuwing nasasaktan ako? Nagdadrama. Galit kayo sa akin kasi ako yung sinisisi nyo kung bakit namatay si daddy hindi ba? Galit kayo sa akin kasi bunga ako ng rape? Ano pa?! Ilabas nyo, sabihin nyo sa akin lahat ng galit nyo!"



Huminga muna ako ng malalim. Ramdam kong mas lalong sumisikip ang dibdib ko.



"Putangina! Nawalan rin naman ako. Nawalan rin naman ako ng tatay. Ngunit hindi ko inaasahang mawawalan rin ako ng mga kapatid at nanay."



"When dad died i respect all of you and gave you spaces! Lagi akong nasa tabi nyo! Akala ko magiging okay na nung nakilala nyo yang bago nyong asawa! Pero hindi parin pala! Kasi inampon nyo yang si Ella!"



"Gaia!"



"Ang daya nyo kasi binigay nyo sa kanya yung pagmamahal at atensyon na hinihingi ko sa inyo. When she came in the picture all of you threw me out of your worlds!"



"Nakalimutan nyong may anak at kapatid pa kayo. Kinalimutan nyo ako."



Iniharap ko si Ella. Umiiyak sya. Umiiyak sila. Putangina wala kayong karapatang umiyak! Ako lang ang nasaktan! Ako ang sinaktan nyo!



"Alam mo bang inggit na inggit ako sayo. Kasi dati ako yung tinuturing nilang prinsesa. Dati sa akin nila binibigay yung atensyon at pagmamahal na ibinibigay nila sayo. You took everything, Ella. Even Raden. Ano? Masaya ba? Anong feeling na minamahal ka ng lahat?"



The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon