14

13.2K 168 6
                                    

GAIA'S POV



Lumipas ang ilang linggong nililigawan ako ni Terenz. Walang araw na hindi nya pinaparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal.



Hindi na ako nagulat ng niyakap ako ni Terenz sa likod habang nagluluto ako ng pananghalian namin. Pigil ang pagngiti ko.



"Hi ganda! Flowers for you"



Inilahad nya sa harapan ko ang mga rosas. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napangiti. Jusko! Araw-araw ata akong nakakatanggap ng bulaklak.



"Bakit nagpapagod ang prinsesa ko?"



Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tinulak ako hanggang sala at pinaupo sa sofa. Binuksan nya ang tv at bumalik sa kusina. Ako naman ay sinusundan lang sya ng tingin.



Pagbalik nya ay may dala syang tray na may juice at popcorn. Inilapag nya yun sa harapan ko at hinalikan ang pisngi ko.



"Pahinga ka na lang muna, ako na ang bahala!"



Ani nito na ikinatawa ko ng mag superhero pose pa sya. Nginitian nya lang ako at bumalik na sa kusina para magluto. Ako naman ay parang tangang nakangiti habang kumakain.



Ni hindi ko nga maintindihan ang pinapanood dahil ang naririnig ko ay ang malakas na tibok ng puso ko. Tila may paro-parong lumilipad rin sa tiyan ko.



Nang matapos si Terenz ay sabay-sabay kaming kumain. Nagdasal muna kami bago magchibugan.



"Chibugan na!"



Malakas naming sigaw na ikinatawa namin. Muli ay nauwi ang hapagkainan ng tawanan.



Lumipas ang dalawang buwan. Halos tatlong buwan narin pala akong nakatira dito. Birthday ni Terenz ngayon kaya todo handa kami. Gusto kasi namin syang bigyan ng maganda ngunit simpleng birthday.



Nagbabake ako ng cake sa bahay ni Anne as a gift sa kanya. Gusto ko kasi sariling gawa ko yung ibibigay ko sa kanya kaya naisipan kong magbake nalang ng cake.



Hindi naman kadamihan yung dadalo mamaya puro kakilala lang rin nila Terenz at nanay. After ko mag bake ay nagpasalamat ako kay Anne at pinatabi muna yung cake. Kailangan ko kasi umuwi para tulungan si nanay magluto.



"Nay tulungan ko na po kayo dyan"



Napalingon naman sa akin si Nanay. "Gisingin mo muna si Terenz doon at may ipapabili ako" Agad akong sumunod at umakyat sa taas. Kumatok muna ako bago buksan.



Ngunit may biglang humila sa akin papasok at isinandal ako sa pinto. Yung puso ko nakikipagkarera na naman!



"T-terenz..."



Nakasandal lang sya sa balikat ko habang yakap yakap ako. Nakatapat ang mukha nya sa leeg ko kaya naman nararamdaman ko ang paghinga nya.



"Let me rest, first."



Ani nito. Nakakaramdam ako ng mali kaya hinayaan ko muna sya at hinagod ang likod nya. Naramdaman kong nabasa ang balikat ko kaya naman kinuha ko ang mukha nya at hinarap sa akin.



"Anong problema, hmm?"



Marahang ani ko. Hindi sya tumitingin sa akin at nakapikit lang habang nakatungo. Patuloy parin ang pag agos ng luha nya at pilit ko naman itong pinupunasan.



"G-gaia, si mama.."



"Wala na si mama"



Nagulat naman ako sa ibinalita nito. Ang alam ko ay sa papa lang ni Terenz sya hindi close pero ang mama nya ang best friend nya at kakampi nya. Hindi ako umimik at niyakap lang muli si Terenz.



"Shhh, tahan na.."



Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang dibdib nya. Pero handa akong makinig at damayan sya. Handa akong iparamdam sa kanya na hindi sya nag-iisa gaya ng ipinaramdam nya sa akin.



Sinabi ko kay nanay na hindi makakababa si Terenz at ibinalita ko rin ang tungkol sa mommy ni Terenz. Agad rin naman akong bumalik sa kwarto nya at buong araw ay hindi ko sya binitawan sa bisig ko. Natutulog sya habang pinagmamasdan ki sya at sinusuklay ang buhok nya gamit ang daliri.



Tinanong ko sya kanina kung balak nya parin ituloy ang handaan mamaya at itutuloy nya parin daw dahil ito daw ang first birthday nya na kasama ako.



Maya-maya pa ay pinagising na sa akin si Terenz upang makapag bihis na. Pumunta narin ako sa kwarto ko para makapag ayos.



Naligo muna ako at pinatuyo ang buhok gamit ang blower bago ito ikulot. Nagsuot lang ako ng simpleng puting sando dress na hanggang below the knee na pinatungan ng croptop cardigan na light brown. Naglagay rin ako ng unting kolorete sa mukha para maging presentable tignan.



Pinagmasdan ko pa ang itsura bago maisipang bumaba. Medyo madami ng tao ng bumaba ako. Nahiya pa ako dahil habang bumababa eh nakatingin sila sa akin. Tinulungan ko sila Nanay mag asikaso ng mga bisita. Kakaunti lang ang nasa loob at marami naman ang nasa labas. Sa labas kasi talaga namin pwinesto ang mga lamesa at upuan dahil hindi kakasya kung sa loob kami.



Malakas na tugtog, mga taong sumasayaw, nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Ngayon lang ako nakaranas na umattend ng isang birthday party. Ngayon ko lang naranasan lahat ng ito. Pinagmamasdan ko lang sila ng lahat ng atensyon namin ay napunta sa lalaking pababa.



Naka polo tshirts sya na itim na nakabukas pa ang tatlong butones. Ang pang ibaba ay slack na itim. Amoy ko hanggang dito ang pabangong suot nya. Tangina. Ang gwapo. Hindi ko namalayang nasa harap ko pala sya. Nginitian nya ako dahilan para maginit na naman ang pisngi ko.



"Gwapo ba?"



Tumango lang ako at itinuon ang atensyon sa iniinom. Nakita ko sa peripheral vision ko na ngumuso ito. Pinigilan kong mapangiti dahil sa kakyutan nito.



Nagtuloy ang handaan at puro kantahan. Pinapakanta rin nila ako pero tumanggi ako. Mamaya pa ako kakanta.



Habang kumakain ay napalingon ako ng maramdamang may papalapit. Si Terenz lang pala.



Yumuko ito para makapantay ako at inilapit ang bibig sa tenga ko. Malakas kasi ang tugtog kaya inilapit nya dahil may sasabihin sya.



"Niyayaya ako nila Prince uminom. Pwede ako inom? Unti lang promise hindi ako maglalasing"



Bulong nito na ikinangiti ko. Tinanungan ko naman ito at ginantihan nya ako ng ngiti. Hinalikan nya muna ang noo ko bago pumunta sa pwesto nila Prince na nag hahanda na ng mga iinumin.



Malapit na mag eleven kaya hinanda na namin ni nanay ang ginawa kong cake. Sinindihan muna namin ito bago mag go signal na patayin na ang ilaw.



Dahan-dahan akong lumabas bitbit ang cake. Nagsimula kaming kumanta at flashlight ang ginagawa naming pang ilaw.



"Happy birthday to you~~~"



"Happy birthday to you~~"



"Happy birthday, happy birthday day~~~"



"Happy birthday, Terenz~~~"



Nginitian nya naman ako at pumikit para mag wish bago hipan ang apoy. Pagkamulat na pagkamulat nya ay sinambit ko na ang regalo ko sa kanya.



"Sinasagot na kita, Terenz"



Kinabahan ako ng hindi umimik si Terenz at nakatingin lang sakin habang bahagyang nakaawang pa ang bibig. Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha nya at niyakap ako. Iyak lang sya ng iyak na parang bata.



"T-thankyou, Gaia. I love you so much. I really do."


A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon