Epilogue

24.6K 301 119
                                    

GAIA'S POV



"Kainan na!"



Sigaw ko upang tawagin ang asawa at mga anak ko. Rinig ko naman ang kulitan nila habang pababa. Lumaki ang ngiti ko ng makita sila.



"Maghugas muna bago mag eat!"



Ani ng asawa ko sa 5 taong gulang na kambal na anak namin. Nang tumungo sa cr ang dalawa naming anak ay hinarap ako ng asawa ko. Pinaliguan nya ng halik ang mukha ko na ikinatawa ko. Napaka kulit talaga!



"Ang ganda ganda mo asawa ko"



Nginitian ko lang ito kinurot sa gilid dahil sa kaharutan nito. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain sa lamesa.



Nasa tapat kami ngayon ng school na pinapasukan ng kambal ko. Hinatid namin sya ng asawa ko. Ang cute cute talaga nila tignan.



"Asawa ko, wala yung mga bata. Baka pwedeng hehehe"



Kinurot ko ang pisngi nito at mabilis syang hinalikan sa labi bago tumakbo paitaas. Hinabol ako nito hanggang kwarto at tawa lang kami ng tawa.



It's my girls birthday today! Naghanda kami ng amin lang at nag celebrate lang rin sa bahay. I baked them a cake while my husband cooked some of the foods.



"Happy birthday to you!"



"Happy birthday to you!"



"Happy birthday, happy birthday!"



Kumakanta kami ng happy birthday. Habang kumakanta ay nakangiti sila. I'm smiling too at the same time crying. They're slowly disappearing. Unti unting naglaho ang imahe ng asawa kong si Terenz at ang kambal namin.



"H-happy birthday, b-baby ko..."



It's all an illusion. Tuluyan nang nawala ang ngiti ko at napahikbi. Ang imaheng bahay namin ay napalitan ng madalim na kwarto.



Sumiksik ako sa gilid at niyakap ang sarili. T-terenz. Ang asawa ko!



Sumigaw ako ng sumigaw habang umiiyak.



ELLA'S POV



Unti unting tumulo ang luha ko habang pinapanood si ate Gaia. She's currently in a room. Isa sa kwarto ng hospital. Mental hospital to be exact.



She can't take the pain anymore. She made her own world where she's living a happy life with her dead boyfriend. But she's always ended up crying in the corner of her room.



I hate seeing her like this. It's been 8 years ate. Please comeback na.



FIRST PERSON'S POV



Malamig na hangin ang yumakap sakin sa gabing madilim. Tumakas na naman ako. Tumakas sa itinuturing kong kulungan at tumakas sa reyalidad. Kelan ba ako hihinto kakatakbo? Nakakapagod.



Hindi na ako nag sayang ng oras na balutin pa ang nanlalamig na katawan at hinayaan nalang ito. Ang tunog nang paghampas ng tubig at ang simoy sa hangin ang nagpapagaan ng loob ko. Alas dose na nang umaga ngunit nandito parin ako sa dalampasigan.



Kinuha ko ang hinukay na box at binuksan ito. Ito yung ibinaon namin ng Terenz ko.



Tumakas lang ako sa hospital. I miss this. This is where i met him. This place is full of memories of him. I miss him so much.



Binuksan ko ang camera. Isa sa inilagay nya. Punong puno ito ng picture naming dalawa at ang iba ay stolen picture ko. Akala ko puro picture lang ngunit sa dulo ay may video.



Hi Gaia! It's been five years na noh? I made this video before ko ito ilagay sa box na ibabaon natin.



Inadjust nya ang camera kung saang kita ang pagluhod nya.



Hindi ko alam kung anong mangyayari in the future. Pero sisiguraduhin kong sakin ang bagsak mo. I want to be your future. Surebol ako na after five years marami na tayong nabuong memories.



Will you marry me, Gaia?



Watch the next video if your answer is yes! I love you!



Unti unting tumulo ang luha ko. Siguro kung buhay pa sya this is how he will propose to me. Bakit kasi iniwan mo akong nag iisa?



Bulaga! This flower is for you! If you're watching this it's mean it is a yes! Thankyou, Gaia ko.



I love you so much.



Alam mo ba na nung araw na nakilala kita hindi na agad kita matanggal sa isip ko. Aminin mo nga, Gaia ko. Kinulam mo ko noh? Joke! Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang Gaia Leyn Velasco! Matik nasayo na lahat!



Gusto ko ikakasal tayo sa simbahan. Tapos bubuo tayo ng pamilya, tapos titira tayo sa isang bahay at gagawa ng mas maraming masasayang memories!



Ikaw at ikaw lang ang gusto kong makasama pang habang buhay, Gaia. I lab lab lab you so much!



Muli ay umiyak na naman ako. It's been 8 years, Terenz. I still can't forget about you. I miss you so much. Kinuha ko ang box at binuksan ito. Bumungad aa akin ang singsing. Sinuot ko ito bago tumayo at binitbit ang box.



I already made my decision. Please wait for me, my Terenz. In our next life I'll make sure it will be you and me.



Lumabas ang imahe ni Terenz na nakangiti sa harapan ko ngunit malayo sya. Binuklat nya ang kamay nya tila iniintay akong yumakap.



Dahan-dahan akong lumakad patungo sa kanya. Unti-unting nilamon ako ng dagat. But I'm smiling. I'm smiling while I'm dying. I'm coming, my Terenz.



I hope this time hindi na tumutol ang tadhana sa pagmamahalan natin.



I will always love you, my Terenz.



My name is Gaia Leyn Velasco-Guzman. The girl who lost everything, including my own self.



A/N: THANKYOU SO MUCH FOR READING! LOVELOTS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon