GAIA'S POV
Magkasama kami ngayon ni Raden. Kumain kami sa isang chinese resto dahil request ko. It's our day 4 already. Ang bilis ng araw. Pero sa mga araw na nag daan tuwing mag kasama kami ay lagi syang nakatutok sa cellphone. Madalas rin syang agad umaalis kapag hinanap sya ni Ella. Gusto kong magalit kaso wala nga pala akong karapatan.
"Raden, kumain ka muna. Mamaya na yan" mahinahong ani ko.
"Ah, oo. Teka lang kausap ko pa si Ella." Ani nito habang hindi man lang binabaling ang tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at ipinag patuloy ang pag kain.
Lagi kaming ganito. Hindi naman halatang napipilitan sya noh? He looks frustrated right now kaya hindi ko na sya pinilit.
And about Terenz last na punta ko sa kanya is nung nanood kami ng sunset. Ayoko munang puntahan sya habang may araw pa kami ni Raden. Para naman kasing pinagsasabay ko sila at pinapaasa ko si Terenz. I acknowledge his feelings towards me and i don't want to hurt him. Mas mabuti ng ganito. I'll explain nalang to him after this.
"I'm sorry, Gaia. Kailangan ko ng umalis ngayon din. Kailangan kong puntahan si Ella." Agad syang tumayo at kinuha ang wallet. Nag iwan sya ng pera at diretyo ng umalis.
Tangina. Ayokong umiyak sa public place kaya agad akong tumayo at iniwan doon yung pera. Agad akong umuwi kahit na lumuluha pa. Mukha akong tanga kanina habang nag lalakad pauwi. Wala akong dalang sasakyan dahil sinundo lang ako ni Raden. Aaminin ko, masama ang loob ko. He's always like this.
TERENZ'S POV
I'm here sa dalampasigan at nireready ang mga gamit. It's a special day for me. I invited Gaia to come here sa dalampasigan. Kaming dalawa lang ang tao dito sa dalampasigan. Ang romantic diba? Hehehe. Syempre ako na toh!
I texted her kaninang umaga na pumunta ngayon sa dagat. Ilang araw na rin kasi syang hindi pumupunta dito. I miss her!
I bought chocolate, flower, and a teddy bear na halos kasing laki nya for her. Excited na ako at hindi mapakali. This time i want to confess to her romantically.
Palubog na ang araw ngunit wala parin sya. "Darating yun, Renz. Intay lang." Ani ko sa sarili. Nakaupo ako ngayon sa table na hinanda ko at umiinom ng hinanda kong wine. Pait! I chuckled.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil sa bilis ng oras. Naubos ko na ang wine at nahihilo na ako. Ipinatong ko ang ulo sa mesa at unti unting nag situlo ang kanina ko pa pinipigilang luha.
Bakla mo naman, Renz. Pilit kong pinupunasan ang luha na tumutulo.
Iniligpit ko lahat ng hinanda ko at matamlay na umuwi. Itinapon ko rin yung mga binili ko para kay, Gaia.
Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay rinig ko na ang sigawan nila.
"Puro ka kasi pang bababae! Tangina mo Ramon!"
"Ayusin mo yang bunganga mo, Elizabeth! Baka hindi ako makapag pigil at patayin kita!"
"Sige! Gawin mo! Ipakita mo kung gaano ka kademonyo!"
Hindi natuloy ni papa ang pag sampal kay mama ng pumasok ako. I don't have enough strength para awatin sila.
"Ikaw bata ka! Saan ka na naman galing! Hindi ka talaga nadadala eh noh!" Sinuntok ako ni papa pero hindi ako lumaban. Sinuntok nya ako ng sinuntok at sa akin ibinaling ang galit nya kay mama. Ganito naman lagi eh.
"Tigilan mo ang anak ko, Ramon!"
Hindi nagpaawat si papa at itinulak si mama dahilan para tumalsik ito sa pader. Hindi na ako nakapag timpi at sinapak sya pabalik kahit hinang hina.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Lost Everything (Completed)
Short StoryGaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's always begging everyone around her to love her. That's her only wish. To be loved. She have a compl...