6

11.8K 159 8
                                    

GAIA'S POV


Kasama ko ngayon si Terenz. Nandito kami sa isa sa pinaka favorite place nya daw. Maganda naman kasi dito. Tahimik, masarap ang simoy ng hangin, at hindi pa matao.


Nanonood kami ng paglubog ng araw ni Terenz. Nabanggit ko kasi sa kanya na mahilig akong manood ng paglubog ng araw.


"Ang ganda noh?" Tanong ko para sirain ang katahimikan na bumabalot sa amin.


"Hmm, oo nga. Napaka ganda." Lumingon ako dito at nakita kong nakatingin sya sa akin. Ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko.


Nginitian ako nito na ginantihan ko rin naman. "Gusto mo gawin natin yung mag lalagay tayo sa isang box ng mga random things na meron tayo at letter para sa isa't isa tapos bubuksan natin after 5 years?"


"Mukhang maganda nga yan! Tara gawin natin next time. Mag hahanap muna ako ng mga ilalagay or let's make more memories together at yung mga gamit na nag papaalala satin ng memories na yun yung ilalagay natin sa box" He chuckled in my suggestion.


"Talino mo talaga, Gaia!" ani nito at ginulo ang buhok ko.


"Terenz!"


Tumakbo ito kaya nauwi kami sa habulan hanggang sa tubig. Nag basaan kami habang nag hahabulan. Tawa lang kami ng tawa tila walang problema. We're smiling. We're laughing. But i know deep inside we're broken.


Nandito kami sa cottage na tinutuluyan nya tuwing ayaw nyang umuwi. Nag palit kasi kami ng damit at ngayon pinagluluto nya ako. Napaka husband materials talaga nito ni Terenz!


"Ang bango! Di pa ba tapos yan!" Kunyareng reklamo. Tumawa lang ito at kumuha ng mangkok para isalin ang niluto nyang chicken curry.


"Heto na po mahal kong prinsesa." Diniinan nya pa talaga ang mahal kong. Ito talagang lalaking toh, napaka harot! I just chuckled.


Umupo kami at parehong pinagsaluhan ang niluto nya. "Grabeng sarap! Pwede kana mag asawa"


"Pwede na ba?"


"Oo! Sarap eh!"


"Edi, pakasalan mo na ako."


Nabulunan ako sa tinugon nito. Agad naman nya akong inabutan ng tubig at hinagod ang likod ko. Tawa ito ng tawa kaya hinampas ko sya.


"Tigilan mo ako, Terenz ah!"


"Pakiss muna!" Ngumuso pa ito tila nanghihingi ng kiss. Itinulak ko ang nguso nito gamit ang hintuturo ngunit hindi ko inaasahang mahuhulog sya at napasama ako ng hilahin nya ang kamay ko.


Pareho kaming bumaksak at ako ang nasa ibabaw. Tila nasa movie kami. Nagkatitigan ang mga mata namin at i saw how his eyes spark. Actually gwapo si Terenz. Matangos ang ilong, sharp jaw, magagandang mata na kumikinang tuwing titignan mo. Redish lips. At yung dimple nya.


"Mukhang nag eenjoy ata ang mahal na prinsesa" mapanuksong ani nito na ikinabalik ko sa ulirat.


"Gago! B-bat mo naman kasi ako hinila." Kunyareng tampo ko dito at tumayo.


"Ang bigat mo grabe! Ang sakit ng tiyan ko!" Napalingon ako dito at nakita kong iniinda nya ang tiyan nya. Agad akong lumapit dito at inalalayan.


"H-hoy! Ayos ka lang ba? S-sorry."


"Joke! Ikaw ha! Crush mo siguro ako noh! Grabe ka kung makapag alala eh" Kainis talaga toh! Kinuha ko ang mga unan sa sofa at pinag hahampas sya dahil sa inis. Hindi naman halatang nasasaktan sya dahil tawa ito ng tawa.


Dumating ang gabi at nasa bahay na ako. Wala ni isang nasa bahay. Naisipan kong ichat si Raden after kong maligo. Ngayon kasi ang unang araw namin pero hindi sya sumipot kanina dahil sinamahan nya daw si Ella kaya naging mag kasama kami ni Terenz.


:Raden. Where are you?


Agad naman itong nag reply.


: I'm with Ella. Why?


:It's our first day pero hindi ka sumipot. Makakasipot ka ba bukas?


: I'll try my best, Gaia. Sorry kung hindi ako nakapunta. Bukas promise susubukan ko.


: Okay. Can we call later?


:Sure, I'll call you later after ng dinner namin ni Ella


Inoff ko na ang phone ko at pumunta ng kusina. Nagugutom kasi ako. Nadatnan ko doon ang stepdad ko. I'm not close with him kaya hindi kami nag papansinan. Nag titimpla ako ng gatas ng maramdaman ko ang presensya sa likod ko. Hindi ako nakagalaw o nakalingon man lang ng naramdaman kong hinaplos nya ang hita ko.


"Ang laki mo na pala, Gaia"


Nanginginig ako sa takot. Ramdam ko ang hininga nito sa tenga ko. Ganoon sya kalapit!


"A-ano pong ginagawa nyo?" Tinatagan ko ang loob kahit nanginginig ako sa takot.


"Don't act like you're innocent, my dear. Ang bango bango mo." Lumingon ako sa kanya at malakas syang tinulak. Dahil malaki ang katawan nito hindi sya natinag.


Nagalit ito at hinawakan ang panga ko sabay halik sa akin. Pinipilit kong tulakin sya at iiwas ang mukha pero malakas sya. Unti unting tumutulo ang luha ko. Dahan dahang naglalakbay ang kamay nya sa iba't ibang parte ng katawan ko. Nakakadiri! Ang baboy mo!


Pilit nyang hinuhubad ang damit ko. Akala ko ay tuluyan na akong mahuhubadan nang marinig namin ang ugong ng kotse. Sila mommy! Agad nyang itinigil ang ginagawa sa akin.


"Subukan mong magsalita at papatayin ko kayong lahat!" Pagbabanta nito. Wala akong magawa kundi tumango dahil sa takot. Sinampal nya pa ako na naging dahilan para matumba ako dahil sa lakas.


"Anong nang yayari dito? Rafael?" Narinig ko ang boses ni mommy sa likod nya. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya at mag sumbong pero hindi ko kaya.


"Eto kasing anak mo eh sinagot sagot at sinigawan ako." Sinungaling! Sinungaling kang baboy ka! Gusto kong isigaw yan sa kanya ngunit tila wala akong lakas para gawin.


"Gaia! Ano bang ugali yan pati ba naman si Rafael hindi mo ginalang!


Hindi ako sumagot, hindi ako gumalaw. Umiyak lang ako ng umiyak.


"Ma, tama na yan." Inalalayan ako ni kuya tumayo. Balak sana akong hablutin ni mommy nang harangan ako ni kuya.


He protected me while we're going upstairs. We enter my room and he hugged me. I hugged him back tightly and cried.


"K-kuya.."


"Shh, anong nangyari? Bakit ka umiiyak" gusto kong sabihin ang nangyari pero hindi ko kaya. Natatakot ako. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon