16

15.6K 195 37
                                    

GAIA'S POV

Ilang linggo na akong nakakulong sa bahay. Pinapalabas lang ako pag kasama ko si Ezekiel ngunit marami parin ang bodyguards na nakapalibot sa amin.

I don't know what to do anymore. Ulti mo cellphone ko kinuha nila. Nalaman nilang kausap ko si Terenz. Nalaman nilang may boyfriend ako. Pero kahit alam nila hindi nila naisip na ihinto ang kasal dahil pinalayo nila ako kay Terenz.

God knows how much i miss him. How i want to hug him, kiss him. Sinubukan ko naman tumakas kaso laging bugbog ang naaabot ko.

Ilang araw na lang ay kasal na namin. Binilisan talaga nila dahil atat silang maikasal ako para sa pera. Walang gabing hindi ako umiiyak.

Paano nalang si Terenz? I miss him so damn much. I'm planning to ditch the upcoming marriage. I know i can do this. For Terenz. At pagnakawala ako dito lalayo ulit kami. Kung pwedeng sa ibang bansa kami tumira para lang hindi kami mahanap.

Sa ilang linggo akong nakatira dito para akong bilanggo. All i want is to be happy. To be with Terenz. Bakit hindi nila maibigay sa akin yun? Bakit pati iyon pinagdadamot nila?

Dumating ang araw ng kasal. Habang nag hahanda sila ay naghahanda narin ako. I don't want to marry that guy. I admit he's handsome and kind. But he's not my Terenz. Si Terenz lang ang gusto kong pakasalan. Kung hindi sya, i rather die then.

Palihim kong kinontak si Raden. I need his help. I want to run away. He agreed to my plan naman kaya naghanda ako. Pagkatapos ko ayusan ng mga makeup artist ay pinasuot na nila sa akin ang wedding dress. Ngunit kesa heels ang suotin ko. I wear a rubber shoes. Hindi naman nila makikita dahil mahaba ang wedding dress.

Sumapit ang tanghali at papunta na kami sa simbahan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa plano namin. Paano kung hindi kami magtagumpay? Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kanina pa ako hindi mapakali.

Huminto kami sa simbahan. Pwinesto nila ako sa harap ng nakasaradong pintuan ng simbahan. Pinagpapawisan na ako. Narinig ko ang tugtog at ang unti unting pagbukas ng pinto. Dahan-dahan ang paglakad ko sa loob ng simbahan. Mas binabagalan ko  dahil hinihintay ko ang signal na nandyaan na si Raden.

Halos nasa kalahati na ako ng biglang may narinig kaming malakas na putok. Agad kong hinawakan pataas ang wedding dress at tumakbo papalabas. That's the signal. Nasa tapat si Raden ng simbahan at nakasakay sa sasakyang walang bubong.

Mas binilisan ko pa ang takbo ng maramdamang may humahabol sa akin. Agad akong sumakay at kahit hindi pa nakakaayos ay pinaandar ko na kay Raden ang sasakyan papunta sa bahay ni Terenz. Finally, i did it. Please wait for me, Terenz.

Habang tinatahak ang kalsada papunta kanila Terenz ay pinagpapawisan ako sa kaba. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. Kinakabahan ako ng sobra-sobra tila lalabas ang puso ko.

Nang makarating kami sa bahay nila Terenz ay nagdadalawang isip pa ako bumaba. Pero lumabas rin naman ako ng pinagbuksan ako ni Raden ng pinto. Binabalot ang sistema ko ng kaba.

Tahimik at madilim ang bahay ni Terenz. Tinawag ko sya ng ilang beses ngunit walang sumasagot. Naisipan kong pasukin na ito.

Bumungad sa akin ang tahimik at madilim na sala nila. Binuksan ko ang ilaw bago tumungo sa taas. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Terenz ngunit walang nasagot.

"Wla atang tao..."

Ani ni Raden na nasa likod ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya. Nakita ko si Terenz na natutulog sa kama. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko sya.

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon