THIRTEEN

194 13 0
                                    

 
  

      "Siduel agreed?"

Iyon ang una kong naging tanong habang nakahawak ang dalawang kamay sa manibela ng kotsye. Sa kinaroroonan namin ngayon ay rinig na ang mga busina ng kotsye, pati na rin ang sigawan ng mga naiinip na tao.

Traffic. We're now in Manila, pagkatapos niyang pumayag kaninang umaga ay lumuwas na kami agad ng probinsya. Halos ayaw pa pumayag ni lola na aalis na ako at isasama ko pa ang apo niya pero kalaunay binigyan rin niya ng mga alahas si Hera na magagamit niya sa gabing iyon.

Bago kami umalis ay hinintay naming makabalik ang katulong at kasakasama ni lola sa bahay nila tuwing wala ang magkapatid. Kamag anak din daw ata nila iyon.

"Oo, malapit na rin daw kasi ang simula ng klase this school year, tska makakatipid pa ako ng pamasahe kung sasabay ako sayo." she said while looking straight to the road. We're talking about his brother, i thought that man won't agree that his little sister will go with me.

Naging tahimik kaming muli pagkatapos nun pero binasag iyon ng maingay kong ringtone. Nasa phone holder iyon ng kotsye kaya pinindot ko agad. The jerks were calling in our group chat in messenger. I joined the call but close my camera. Present kaming lahat.

[Yow! Sa wakas ay babalik kana boy!] bungad ni Josh na ngayon ay nasa harap ng laptop niya at nakasuot ng reading glasses niya. Malamang inaasikaso na niya ang kompanya nila..kasama ang girlfriend niya.

[Akala namin ay wala ka ng balak na bumalik. Checheck ko nga sana kung nagpapatayo kana ng bahay mo doon sa probinsya eh] pang-aasar naman ni Stell.

[Diretso ka sa bahay pagdating mo,] Pablo invited me.

[On cam ka naman Ken, grabe naman tong lalaking toh.] it's Justin who spoke.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapakinggan ang mga kakulitan nila. Ilang araw ko rin silang hindi natawagan at dinaig nila ang mga magulang ko kakakamusta sa akin. Baka daw hindi ako sanay sa tubig sa probinsya, oh baka daw wala aircon sa bahay sa tinutuluyan ko at mairita ako.

"Shh. I'm with someone right now, wag kayong maingay." i said and smirk. I glance at her, she's not looking at me pero halatang kinakabahan. Panay ang pikit at paglalaro niya sa daliri niya.

[Luh! Kakauwi lang may chix agad! Ibang klase!] usal ni Stell at napatayo pa sa kinahihigaan kani-kanina lang.

[Kinabog ka Josh oh, HAHA] Justin said that made Josh's eyebrow go up.

[Tigilan niyo ako, matagal na akong hindi nangchi-chix.] sabi naman niya at itinaas ang dalawang kamay bilang pagtutol.

"Tsk. She's not a chix, ok?" She's a goddamn goddess, a beautiful, high class, rare woman. She doesn't deserve to be called a chix. She's a woman who deserve respect.

[Wee? Kailan kapa tumipo ng hindi chix, Suson?] Stell asked that made me laugh. That was before, of course. My stupidity of settling on some random girls before. That would never happen again, i swear, now that I've met a girl, no, a woman, named Hera.

"I'll end the call, see you guys later." i said and about to end it when Justin spoke.

[Wala man lang pasalubong?]

"Hindi ako galing abroad, Jah."

Pagkababa ko ng tawag at tska ko napansin na nakangiti pala ang kasama ko. I look at her with a smirk and she shook her head.

"Ang cu-cute niyo magsama sama." komento niya na nagpatawa sa akin.

"That's not a cool side of Syclups, are you still a fan now?" i asked and laughed. I remember, she said she's a fan before.

"Nag upgrade na'ko bilang super fan." she said and we both laughed together.


~~~
HERA


Magkahalong tuwa, pagkalito, at lungkot ang naramdaman ko pagkauwi ko sa bahay na tinutuluyan namin ni kuya Hero. Hinatid ako ni Ken sa mismong tapat ng bahay at pumasok pa para tignan kong sapat paba ang mga gamit at supplies na kakailanganin ko sa araw araw.

Hindi ako manhid para isiping walang kahit na anong ibig sabihin ang kakaibang kinikilos at pagtrato niya sa akin. Masyadong espesyal ang pagtrato niya sa akin kumpara sa ibang babae, pero ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina?

Sabi niya ay hindi ako isang 'chix', at sabi naman ni Stell ay hindi siya nagkakagusto sa hindi 'chix'. Ibig sabihin ba nun ay hindi niya talaga ako gusto?

Pero bakit siya babyahe patungong probinsya para lang tanungin kung gusto ko bang maging kapareha niya sa magaganap na ball nila bukas?

"Aahh!" mahinang ungol ko upang ilabas ang siphayong nararamdaman. "Ano ba talaga ang paniniwalaan ko? Ang mga ginagawa niya o ang mga sinasabi niya?" tanong ko sa sarili.

"Bakit kasi hindi nalang siya uma—" natigil ako sa kakasermon sa sarili ko nang biglang tumunog ang aking telepono. Pagtingin ko ay si Ybarro. Muntik ko nang masampal ang sarili ko sa pag-aakalang si Ken iyon.


Stop assuming, Snow.


"Hello? Ybarro?" pagbati ko.


[Uy. Nakabalik kana daw sa maynila?] he asked immediately.

"Ah, oo. Paano mo nalaman?"

[Nabanggit ng kuya mo. Kamusta? Labas tayo bukas? Libre ko.] masiglang aya niya ngunit napalitan ng katahimikan matapos kong tanggihan.


"Sorry Ybarro, pero hindi kasi ako pwede bukas. Sa makalawa nalang, isama natin sila Miles at Romeo." wika ko at sinusubukang bumawi sa pangalawang pangungusap.


[Ah ganun ba.. Sige, ikaw bahala.]


Pagkababa ko ng tawag ay muli na namang tumunog iyon. Akala ko si Ybarro uli, pero iba. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kaba at kung anong lumilipad sa tyan ko bago ko iyon sinagot.

Ang mababang tono ng kanyang boses ang bumungad sa akin at wala akong ibang nagawa kundi mapapikit at isaulo ang bawat detalye nito.


[Nakauwi na ako, kumain kana?]

Sino ang hindi kikiligin at masisiyahan sa ganitong trato ni Ken? Hindi lang siya basta lalaki lang na may itsura, mayaman, at matalino. He's Ken Suson. A member of Syclups, the group of gentlemen and the perfect role model for every guys. Anak pa siya ng lalaking tumulong sa amin ni kuya, na halos ibigay na lahat ng pangangailangan naming magkapatid.

Minsan hindi ko na rin mapigilang tanungin, anong ginawa namin para mapunta silang dalawa sa buhay namin? They are too good to be true..

"Mabuti naman. Kakain na rin ako maya maya. Ikaw ba?"

Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5) Where stories live. Discover now