SEVENTEEN

212 14 0
                                    

One year later..

HERA

        "Jusko, third year college na'ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako nag nurse. Ayoko na, suko na'ko."

I smiled and shook my head slightly while listening to Miles' complains and rants about our course.

"Hindi naman tayo doctors pero bakit parang kasing hirap ng inaaral nila 'yung inaaral natin?" she even added.

"Ano kaba, babe. Syempre nasa kamay niyo din ang kaligtasan ng mga pasyente. Parang ako, nasa kamay mo ang puso ko. Ingatan mo ah," segunda naman ni Romeo na siyang nagpakilabot sa akin.

"Paki-tigil po ang pagiging cringe. Nakakakilabot eh." sabi ko nalang at tumawa.

One year have passed and we're one year closer to graduating. This two got together recently and since then, lagi nalang ako kinikilabotan sa mga usapan nila. Hindi ko alam na ganito pala sila mainlove. Nagiging corny bigla.

"Sus, ganyan din naman si Ken sa'yo minsan ah!" wika ni Miles.

Natawa naman ang nobyo niya at sumang-ayon. "Oo nga naman."

"Hindi kaya.. He's not that cringe at least.." i defended, clearing my boyfriend's name to my friends. Tumawa sila dahil sa reaksyon ko at nag apir pa ang mga loko.

"Binigkas lang namin pangalan niya, namumula na buong mukha mo." pang-aasar ni Miles. I immediately covered my cheeks using my palm and look away to hide my face.

Hindi na talaga sila nag sasawang asarin ako. Simula noong lumipat ng ibang university si Ybarro ay wala na akong kakampi at pinagtutulungan nalang ako palagi ng dalawang ito. Tsk.

"Hera, pinapatawag ka ni Prof Dal. Start na ng stimulation test."

Lumingon ako sa likod at nakita ang isa sa mga blockmates ko. She's the one who informed me just now.

Tumango ako kila Miles bilang pagpapaalam at sumabay na sa kanya paalis.

Isang taon na ang nakakalipas at isang taon na rin kaming madalang magkita. I mean, compared last year when he always visit me day after day, we only have two to three times within a week to meet. And i admit, I'm starting to miss him easily and frequently.

Ken is now working as COO on his father's construction company since he studied engineering. Pagkatapos ng ilang buwan ay sigurado din akong ipapasa na ni sir Kevin ang kompanya sa kanya ng buong buo. After all, he's the only heir.

One year have passed and our relationship was deepened and became more mature. We grow individually while being together and we help each other on sorting out problems. He treats and protects me like as if i am his Queen. I am so lucky to be loved by him.

"Baby!"

Napatigil ako sa paglalakad at namilog ang mga mata nang marinig bigla ang boses niya galing sa kung saan. Nagkakaroon na ako bigla ng hallucinations dahil sa iniisip ko siya?

"Sa likod mo," his voice said again. Wala na ang sinusundan ko dahil nauna na. I look behind and automatically smiled widely when i saw my boyfriend handsomely walking towards me with a bouquet of flowers in his right hand.

Mukhang galing ito sa trabaho dahil naka buttoned down long sleeve polo siya, and his sleeves were folded until his elbow. Medyo magulo rin ang buhok, pero lalo lang niya iyong ikinagwapo.

"Omg girls! Nakikita niyo ba ang nakikita ko? That's Ken! Isang Syclups!"

Girls around started panicking and whispering after they saw my man walking on our university's hall. Kahit naman siguro ako ay magiging ganun ang reaksyon kung biglang makakakita ng isang Syclups. And yup, until now, Syclups is still famous everywhere and their legacy is not yet ended. Madami pa rin ang tumitingala sa kanila at ginagawa silang inspirasyon sa pag aaral.

Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5) Where stories live. Discover now