TWENTY FOUR

277 12 0
                                    


  WARNING:
This Chapter may contain SPG scenarios that may not be suitable to minors.
Please continue with caution.

  "Shocks! You said 'yes'?!" nae-excite na tanong ni Rose habang hawak hawak ang kamay ko at titig na titig sa singsing na suot ko.

"Suot niya ba 'yan ngayon kung humindi siya." bara naman ni Rain na ngayon ay maliit na ngiti lang ang iginagawad sa akin.

The four girls; Rain, Rose, Annie, and Zailee are all here at our house to say congratulations and give their blessings to us as a newly engaged couple. Ang buong Syclups ay kasama rin ngayon ni Ken sa bakuran at mukhang nagkakayayaan na para mag inuman.

The feeling of smiling and welcoming our friends inside our house feels different now that I'm engaged. Even breathing and blinking feels so different. My hand and fingers feels so precious now that they're having a ring around one of them.

I thought, being engaged is just a term to couples who's just getting ready and preparing for marriage. I didn't know that being engaged itself gives you a new and unfamiliar feeling of assurance, love, and home.

"Sa wakas, ikakasal na din ang huling binata ng Syclups." ngingisi-ngising wika ni Zailee habang kumakain ng apple habang naka indian sit sa sofa namin. Paulo just announced her pregnancy days ago that's why i immediately reminded her.

"Umupo ka ng maayos, Zai. Proper shape and posture will be very beneficial to your pregnancy." sabi ko at tinulungan siyang ibaba ang mga paa niya.

"The soon-bride is right," mahinhing wika ni Annie at ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin.

Napangiti at napahagikhil nalang si Zailee dahil sa mga ipinakita naming pag aalala sa kanya at tumango tango.

"Masusunod po nurse Suson.." sabi niya habang tumatango. "Ay, Caliguo pa pala. Sorry, excited."

Kasal na silang apat sa mga lalaking pinakamamahal nila. Ito ngang si Paulo ay magkakaroon na ng panganay. Talagang si Ken nalang ang hinihintay.

I can say that they are having a very comfortable lives with their husbands. Balat palang nila na nag go-glow ay malalaman mo na agad na hindi sila nakakaramdam ng stress sa buhay nila bilang isang kasal na babae.

Seeing them all makes me feel excited to experience what they are experiencing. I wanna be his spouse too, and feel the home that we made on our own.

"Engaged na kayo, hindi naman na siguro bago para sa inyo iyon." wika bigla ni Zailee na ikinatingin ko sa kanya.

"Iyon?" nagtatakang tanong ko at kumunot ang noo. Napatingin silang apat sa akin, si Rose ay hindi makapaniwala sa inaakto ko habang naiiling naman si Rain.

"Anong iyon, Zai?" muli kong tanong bago siya bumungisngis ng pagkalakas lakas. Kulang nalang ay lilipad na ang mga nanguya niyang apple sa bibig.

"Omg, Hera. You're so innocent, gosh." namumulang hagikhik ni Annie.

Tska rin ako natigilan nang mapansing lahat na sila ay namumula at napapatingin na sa malayo si Rain, mukhang nahihiya. Wait, are they talking about...that?!

The..the thing that couples do to have their own kids? The thing that Paulo and Zailee did to have a bump on her tummy now?

Is that it?!

"Jusko, ilang years na bang nagtitiis si Ken." sabi ni Rose at pinalo palo pa si Rain habang humahalakhak.

Dahan dahan rin akong napatakip ng mukha ko gamit ang mga palad dahil nararamdaman ko na ang pamumula ng mukha.

Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5) Where stories live. Discover now