".. 7 8 4 3"
"0 9 0 5 4..."
Habang naglalakad papasok ng bahay ay paulit ulit kong nire-recite ang numerong binigkas ni Hera kanina. Nakalimutan ko kasing dalhin ang cellphone ko kaya hindi ko ito naitipa o naisulat sana. Kailangan ko tuloy itong kabisadohin, good thing it's my mastery.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko kasi makalimutan ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin kanina. Panay pa ang ngiti at tawa niya sa tuwing nirerecite ko ang kinabisado kong numero ng cellphone niya. Sobrang ganda niya, aaminin ko..
"Ehem!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may gumawa ng ingay sa bandang pinto ng bahay ko. I look up and saw Rose standing and leaning in my door while her arms are crossed.
"Why are you still here? I told you to call—"
"Aba, gusto na agad ako paalisin ng loko.. May tinatago ka 'no?" lumiit ang mata niya bahagya pang lumapit sa akin ng kaunti para suriin ako. Ang babaeng ito talaga, palaging tamang hinala. Ano bang nagustohan ni Stell dito?
"Magpaliwanag ka. Sino ang babaeng iyon? Ilang taon nang kayo? Bakit mo siya tinatago sa amin? Kailan kayo nagkakilala? Saan siya nag aaral? Anong course niya? Nameet mo na ba parents niya? Gago, mukha siyang inosente, baka kung ano gawin m—absmskdbnd" hindi niya na natuloy ang walang kataposang pag i-imbestiga niya sa akin dahil dali dali kong tinakpan ang bibig niya. I grab her phone using my available hand and immediately dialed Stell's number.
Aangal pa sana siya pero hindi niya maaga dahil hindi niya maalis ang kamay ko kahit na dalawang kamay na ang ginagamit niya.
"Hello, Stell? Please pick up your girlfriend here at my house to avoid unnecessary mess and trouble. Thank you." i immediately said after he pick up the call.
[Naknamputcha, anong ginagawa mo sa girl—] pinatay ko na ang tawag.
Ibinalik ko na sa kanya ang phone niya at binawi ang kamay. Ngumiti pa ako ng painosente bago itinuro ang bakuran ko palabas. She glared at me and even point me several times.
"Mag iimbestiga ako.." she said and made her eyes small again. She's such a creepy. Lumabas siya ng bahay at bakuran ng masama pa rin ang tingin sa akin.
"Mag ingat kayo," i just said. Siguradong sa labas na niyan hihintayin ang boyfriend niya. Sana lang ay hindi niya idaldal ang nangyari ngayon. Bakit kasi iyon agad ang una niyang inisip? Mukha ba kaming magkasintahan? Panay kaya ang iwas sa akin ni Hera..
Napailing iling nalang ako bago dumiretso sa banyo para maligo at humiga na sa kama pagkatapos. I grab my phone and save her number. I tried texting her too to check if the number was available.
To Hera Sthyst:
Good evening, si Ken ito.
After some minutes of waiting, my phone buzz and i immediately opened it to check. Hindi mapawi ang ngiti ko nang mabasa ang isang mensahe.
From Hera Sthyst:
Magandang gabi, ligtas kabang nakauwi?
***
"Justin, pahingi ako niyang iniihaw mong barbecue." sabi ko habang nakaharap sa screen at pinapanood ang ginagawa nila.
YOU ARE READING
Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5)
FanficFANFICTION FOR SB19KEN "Can a genuine and pure love from someone actually fulfill a neglected responsibility of family?"