Weeks have passed after that night happened. We became busy since it's finals but it's finally over today. Hindi na kami ulit nakapag usap o nakapag kita ni Hera simula noon, but i always make sure to ask Miles or Romeo about her kapag accidentally nagkikita kami sa daan.
Nakapag usap naman kami last week ng sobrang bilis at nakapagpaalam naman akong magiging busy ako these past weeks.
Oo na, nagpapaalam na kahit wala pang label.
And now that i'm finally free, i'm planning to go visit her. I've heard na bakasyon na nila since maagang natapos ang finals ng mga third year college student at advance ang kurso niya pagdating sa mga projects kaya maaga silang natapos.
"Tara bar," pag aaya bigla ni Josh. Kasalukuyan kaming nasa silid naming lima, nakatambay at naghihintay ng milagro.
"Bakit? Nag away kayo ni Annie?" Tanong naman ni Paulo.
"Hoy hindi nuh! Matagal tagal na rin kasi simula nung last na punta natin 'dun.." he defended.
"Ayoko, ako nag napeperwisyo kapag nalasing na kayong lahat." sabi ko din para mapigilan nila ang binabalak nila. Totoo naman, porke hindi ako mahilig uminom ay sinasamantala nila. Panay ang aya sa akin tuwing gusto nilang magpakalasing para may aawat at magdridrive pauwi.
"Sige na, napaka killjoy mo talaga Ken. Sarap mong sakalin." nanggigigil na usal ni Justin.
"Aba, so nagplaplano ka ring uminom? Ma-inform nga si Rain.." sabat din ni Stell sabay hablot ng phone niya. Agad iyong napigilan ni Justin at tumawa ng pilit.
"Joke lang naman, haha, itong mga ito hindi na mabiro.."
Napailing iling nalang ako at tumayo. Kinuha ko ang susi ko sa desk at naglakad.
"San lakad mo?" tanong ni Paulo.
"Hindi ako maglalakad, magkokotsye ako." i boredly answered and i immediately heard the laughter of Justin.
"Burn, HAHAHA. Hindi ko alam na philosopher kana ngayon Ken Suson." he laughed and even smacked the table. Sinabayan din siya ni Stell kaya nagmukha silang takas mental hospital.
"Seryoso kasi," ulit pa ni Paulo kaya tumigil din ang iba. Nasa probinsya kasi si Zailee ngayon kaya badtrip at badmood. Hindi siya mabiro.
"I'm going to—"
"Hera.. Pustahan tayo pupuntahan niya si Hera."
sabat ni Josh kaya muling umingay ang silid."Ayiee, porke wala ng gagawin, lalandi na ulit. Iba kana talaga Ken, idol."
"Hindi makatiis nang hindi nakikita idol niya eh, HAHAHA"
"Mukhang isang buwan din ata silang hindi nagkikita, hayaan niyo na."
Napangisi nalang ako at nilingon sila. Napailing iling si Paulo pero nakangisi rin siya.
"I'm sorry lover boy, but we have to cancel to date for awhile because we will have a quick meeting." Paulo said which made the three groan.
"Ano na naman iyan, sir? Tapos na finals, wag mo sabihing may panibagong project na naman? Magpapakamatay nalang ako—" hindi naituloy ni Justin ang sasabihin niya nang hampasin siya ni Stell sa bibig. Hindi naman malakas, sadyang ginawa lang niya iyon para matigil siya sa sasabihin niya.
"The older deans called me, i'm surprised that you're not informed Ken. I don't know what is it all about, but i think it's about our Graduation Ball."
mahabang paliwanag ni Paulo na nagpatigil sa akin. The last ball of our student life, of course. I almost forgot it.
YOU ARE READING
Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5)
Hayran KurguFANFICTION FOR SB19KEN "Can a genuine and pure love from someone actually fulfill a neglected responsibility of family?"