THIRTY THREE

208 12 6
                                    

      "Good morning, sir Engineer!" masigla kong bati habang hinahalo ang itlog na nasa maliit na bowl. Pinapanood ko siyang naglalakad pababa ng hagdan habang hawak hawak ang mga gamit niya pang trabaho.

He just glanced at me down to my five months tummy. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at tahimik na naglakad palapit sa kusina upang mag almusal.

"You're early," he commented after a sip of coffee on his favorite black cup. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin at nakatutok lang sa   laptop niya.

"Maaga ka rin naman ah. At kailangan kitang gawan ng agahan." masigla kong sagot bago inilagay ang itlog at mainit na kawali. Gumawa pa iyon ng kaunting ingay kaya lumayo muna ako saglit.

Isang mainit na kamay ang bigla kong naramdaman sa likod matapos kong umatras kaya agad akong napalingon sa gulat.

Ken was holding my lower back so that i will not hit the sharp edge of the kitchen's table. He's staring back but i can't see any emotion in his eyes. He's just merely staring.

"Be careful, woman." he seriously said with his low voice before gently moving his hands away.

I immediately felt coldness after and forced myself to wake up from that mesmerizing moment.

Hindi ako nakakibo habang dinadamdam ang mga paru-parong nadidiwang kasama ng anak ko sa akin tyan. Mukhang lumipat rin ang init ng kamay niya sa mga pisngi ko.

At least he still care..

Agad siyang bumalik sa kinauupoan niya at nanatiling tahimik kaya't pinilit ko ang sarili kong ipagpatuloy ang ginagawa ko at hindi muling pumalpak. I continued frying some breakfast for us and it's really struggling for me. Kailangan at talagang malayo ako o di kaya ay nakatagilid para hindi maexpose sa init na dala ng kalan.

Ken is literally not uttering any words or sounds but i can feel his strong stare, watching my every moves like as if he's preventing something to happen.

"I already hired new maid and cook for the mansion." he suddenly said in the middle of the unyielding silence that made me stopped for awhile.

I slowly glance back at him and look at his eyes with so much confusion.

"Bakit? natatagalan kaba sa trabaho namin? Sa tingin ko ay sapat na ang bilang naming mga tagapaglinis mo dito—"

"Hera.." natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ko gamit ang seryoso niyang boses habang walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"You're fired." he announced with cold tone and cold gaze. I was left speechless and unable to react with his sudden change. He's concerned awhile ago, and now he's suddenly firing me?

"T-teka... ano? bakit?" i immediately turn off the fire and step forward when he suddenly planned to walk away, carrying his bag and other work equipments with him.

"May nagawa ba ako? W-wala naman akong nabasag na kung ano, hindi naman ako pumalpak sa trabaho ko.. I-is it all about yesterday? I'm sorry, it will never happen again. I will not demand anything from you." i already begged, trying to catch up with his big steps.

Halo halong kaba at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon habang patuloy na hinahabol ang bawat hakbang niya, para na rin mapigilan siya sa pag alis bago pa man siya magdesisyon na tanggalin ako sa trabaho.

"K-ken.." i called him once again, trying to stop him from leaving once he get into the doorway.

"You're already—how many months are you pregnant now, again?" he suddenly stopped and face me with a serious and uninterested  expression.

Iceberg Meets Sunshine (Syclups #5) Where stories live. Discover now