Chapter 15

84 10 0
                                    

SnowRave

Luke's POV

At sa totoo lang si Lyn at Clyde ay napakasweet. Ang PDA ng dalawa kahit sa ligawan stage palang sila.

Nagtransfer din si Gian ditto at Section Moon siya. Nagulat nalang ako ng ihampas ni Snow ang kaniyang kamay sa lamesa at pabalik-balik ang tingin kay Zach at Ruchie at Dalandancy at Jack.

Siguro nagtaka rin siya sa biglaang pagiging sweet ng dalawa sa mga kapatid niya.

Alam nyo kung bakit? Nililigawan kasi ni Zach si Chie at ni Jack si C

“May hindi kayo sinasabi sakin ah!” sabi nito at tiningnan ng matalim ang dalawa.

“A-ano kasi ate nililigawan ako ni Zach at nililigawan ni Kuya Jack si Ate C,” sabi ni Chie at agad na umiwas ng tingin sa kapatid.

Natigilan naman si Snow at kumurap-kurap.

She's really cute.

“Ate? Wala kabang reaction?” tanong ni C at kabadong ngumiti.

“Sandali may iniisip pa ako,” sagot ni Snow at umaktong parang may iniisip.

“Ah alam ko na,” sabi niya niya at ngumiti sa dalawa kaya takot namang tumingin sa kaniya ang mga kapatid niya.

“Zach+Chie=ZachChie at Jack+Cy=Jackcy, yan ang love team nyo, ” sabi niya na ikinalaglag ng panga ng dalawa niyang kapatid at isinagawa namin.

“T*ngina Snow, muntik nang mahugutan ako ng hininga,” Sabi ni Jack at hinawakan ang dibdib na parang naiiyak.

Napatingin ako kay Yna pero tahimik lang ito na kumakain. Bakit kaya?

Sanay ako na maingay ang babaeng to pero ang tahimik nya ata ngayon.

Ngayon ko lang din napagtanto, ang ganda niya pala…

Bakit ngayon ko lang na notice na parang anghel siyang tingnan?

Snow's POV

Masaya na ako na bati na ang Section Star at Section Moon boys. Buo na daw ulit ang ‘The great 8’ na sinasabi ni Lyn.

Naiinis parin ako sa ginawa ni Paul. Natapos narin ang mga discussion at kanya-kanyang prisinta na maghatid ang mga manliligaw ko. Pero sinundo ako ni nanay at ayon yung dalawang baliw kwinento ang lahat syempre at syempre tawang-tawa si nanay dahil napakaganda ko daw talaga at ang dami ko pang prince charming.

Yuck! Fairytale again

Suportado narin ni nanay ang desisyon kung bigyan ng isa pang pagkakataon si Gian at dahil pagod na ako ay nagpahinga na ako.

Weekend ngayon at alam kung susunduin ako ni Gian sya kasi ang makakadate ko this week.

“Snow,dito na si Ian.” sabi ni nanay.

Ian kasi ang tawag nya kay Gian nung kami pa.

Nang makababa ako ay nakita ko ito na nakaupo sa sala at naghihintay sa akin.

Naka red na dress ako na may na may longsleeves at pink sling bag. Habang si Gian naman ay naka blue polo at army pants. Hindi rin maipagkakaila ang taglay nitong kagwapuhan .Oo, may lahing banyaga si Gian. Mula sa napakaitim nitong buhok at kayumangging mata at ang napakaputing balat. May lahing Amerikano si Gian kaya maputi talaga ito.

“Alis na po kami tita.” sabi ni Gian.

“Sige,ingat.” Malamig na sabi ni Nanay at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Alam kung nagbago bigla ang pakikitungo ni nanay kay Gian, siguro may sama ng loob parin siya rito. Dati kasi mama ang tawag ni Gian kay Nanay at kapag pumupunta dito si Gian at yayain ako na mag-date, halos ipagtulakan ako ni nanay palabas ng bahay.

Pinagbuksan ako ni Gian ng pintuan sa kotse nito.

“Saan tayo papunta Gian?” tanong ko.

“Sa spot dati. Sa ice-cream parlor.” sagot niya na tinanguan ko nalang.

Oo, yung sinasabi nyang ice cream parlor ay doon kami dati nag de-date.

Nostalgic isn't it? Pero bakit ganito? I'm not hurting at this point kapag maalala ko yung mga memories namin sa icecream parlor na yon?

Nang makarating kami ay umupo muna kami sa isang bench at hinintay ang order naming cookies and ice cream. Like what we used to eat before… .

“Snow.” panimula nito.

“Hmm?” tanong ko at sinalubong ang tingin niya.

“S-Snow, yung tungkol sa babaeng kahalikan ko nung magbreak tayo ay isang set-up,” sabi niya.

Confusion and shocked enveloped over me.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko.

“My family set me up.” malungkot na sabi nito.

“Alam mo naman na ayaw ka nang family ko diba?” tanong nito.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Oo, ayaw ng family ni Gian sakin dahil hindi talaga ako gaanong mayaman.

“Snow they planned that para masaktan ka at hiwalayan mo ako. You know, that time na gusto kong ipaliwanag sayo ang lahat. But sasaktan nila ang pamilya mo Snow kaya I can't do anything,” sabi nito.

“I just want to protect you.” dagdag nito.

Tumawa ako ng mapakla sa sagot nito.

“ I understand Gian, pero bakit hindi mo man lang sinubukang ipaliwanag sakin dati? If you really wanted to protect me why did you choose to hurt me when we can still possibly find another way to resolve that?” I asked and I saw him gulped many times before taking deep breaths.

“Snow, hindi mo naiinti-”

“Kaya gusto kong ipaintindi mo sakin Gian. “ May diing sagot ko dito.

“Nung malaman kung nagtransfer ka sa Osborn University ay nakilala ko ang isang babaeng nagngangalang Lindey, nilandi ko sya para malapitan ka,” sabi nito kaya halos magpahilot na lamang ako sa noo dahil rito.

“Pero hindi ko alam na masasaktan parin kita,” sabi nito at yumuko. Sa totoo lang gusto ko nalang umuwi.

“At ang panliligaw ko ulit na ito sayo pinapayagan na ng mga parents ko dahil ‘di na daw talaga nila mababago ang isip ko,” sabi nito.

“I hope Snow you can give me a chance in returning into your life again.” sabi nito.

“I heard enough. You're reasons doesn't even sound valid. Saka bakit mo pa kailangang lalandiin si Lyn kung pwede mo naman akong lapitan ng diretso. Gosh, Gian.” I said while shaking my head in disbelief.

He didn't answer yet he remained quiet.
Tumigil na ito sa pagsasalita ng dumating na ang order namin.

“Don't worry I will still give you a chance in courting me and I hope this time you won't dissapoint me.”  I firmly said and he just nodded.

“Gian.” pambasag ko sa katahimikan. Nilingon naman ako nito at mahihiyang ngumiti.

“Hmm?” he asked.

“Pwede na ba tayong umuwi?” tanong ko.

“Sure.” sagot nalang nito at inihatid ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay natulog nalang ako dahil narin siguro sa pagod at ang p*tangina na rason ni Gian.


SNOW REL (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon