Graduation
Snow's POV
Sa buhay ng tao ang makapagtapos ang kanilang layunin
"Congratulations graduates! "
Ang saya ng araw na ito, nakapagtapos na ako ng Senior High.
"So anong plano mo Snow? Saan ka mag co college? " tanong ni Yna.
"Pag -iisipan ko pa, " sagot ko.
Pag uwi ko ng bahay ay tinanong ko si Chie tungkol sa scholarship .
"Chie, o ano sabihin na natin? " masiglang tanong ko.
"Ate, pwede bang makiusap? " sagot niyo
Nangunot naman ang noo ko.
"Bakit, may problema ba? " tanong ko .
"Ate wag na nating sabihin, " sagot niya.
"At bakit naman? " takang tanong ko.
"A-ate b-buntis ako, " sabi nito at yumuko.
Napatakip na lang ako ng bibig sa narinig.
“Chie bakit? C-Chie nag aaral pa tayo! “ Hindi makapaniwalang sabi ko rito.
"Ate tayong dalawa nalang muna please. Pangako ipapaliwanag ko lahat pagdating natin sa U. S.Saka na lang natin I explain sa kanila pagbalik natin,tutulungan kita pangako, " sabi nito. Napapikit naman ako dahil rito.
"Sige, pero sino ang ama ng dinadala mo? " tanong ko.
"Si Zach,ate." sagot niya.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Pero paano ang baby mo? At si Zach? " tanong ko ulit.
"Ako ang bahala sa baby ko at kay Zach. I'll explain everything pag doon na tayo ok? " sagot niya.
“Sige,ano ba namang magagawa ko, kapatid kita eh. Aalis tayo mamayang gabi. Pero bago yun mag iiwan narin ako ng sulat kay Paul. " sabi ko at umalis.
Paul..... I'm sorry.... I wish you would understand me
Nag iwan ako ng sulat sa lamesa at umalis na kami ni Chie ng tulog na ang lahat
"Goodbye my love...... Babalik ako kapag maayos na ang lahat....." bulong ko bago umalis ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
SNOW REL (Completed)
Teen Fiction"Doesn't mean fairytales are fictional, they have no rights to be true.'' Upon growing up she didn't believe in so called love story because of a traumatic past relationship, not until she met him and they really hate each other. But what would happ...