Chapter 30

81 8 0
                                    

War

Lyn's POV

Ayan dito kami ngayon sa office kasama yung malanding Eylah.

Tapos nagpacute pa ang gaga kasi dito na ulit mag aaral pero mabuti nalang Section Star ang gaga para di niya malandi si Paul. Team LevRel lang malakas!

"May gf na pala si Paul? " tanong ni Eylah. Bakas ang lungkot sa boses nito na kinainis ko. At may gana pa siyang maging malungkot ha?

"Natural kita mo naman eh.”  pabalang na sagot ko rito. Gulat siyang tumingin sa reaksiyon ko, nang magtama ang mga mata namin ay agad kong iniwas ang paningin ng makita ko ang pagdaan ng sakit roon.

Taste my wrath Eylah. I'm a friend not a tolerator.

"Bakit ba ganyan kana sakin Lyn, dahil ba sa impaktang Snow na yun!? " galit na sabi ni Eylah.

"Excuse me? Wag mong idamay ang bestfriend ko dito! " galit na sabi ni Yna.

"Oh, bestfriend mo pala and malandi na yon? " sabi niya at binigyan ng head to toe look si Yna.

"Parehas nga kayo, " dagdag nito at tumawa.

Sasampalin na sana ito ni Yna pero napigilan ito ni Luke at kinaladkad paalis.

"For your information , hindi malandi si Snow. Magkaiba kayo makasarili ka. Hindi ko nga alam kung ‘asan mo kinukuha yang kapal ng mukha mo eh. " Sabi ko at sinampal siya. Gulat naman siya sa ginawa ko.

"Yan para sa ego mo, " Dagdag ko at umalis.

"Hon, stress ka na naman, " malambing na sabi ni Clyde habang nakahawak sa kamay ko.

Inirapan ko siya sa inis. Pero agad ding napawi yun ng tumawa ito. Shocks ang gwapo niya kapag tumawa.

Natawa ako bigla ng maalala ko dati kung bakit ayaw ng parents ni Paul kay Eylah. Yes hindi gusto nina Tita Gina si Eylah para kay Paul .

Alam niyo kung bakit?

Kasi maarte, at nang iiwan.

Kaya tuwang-tuwa ako na tanggap ng pamilya ni Paul si Snow

"Lindey, wag kang tumunganga diyan. " sabi ni Gian.

Napahiya naman ako don kasi hindi na pala ako nakikinig sa usapan nila.

Snow's POV

Sinabi sakin ni Lyn kanina na kaklase ko si Eylah at wala parin ang teacher

Bigla naman pumasok si Eylah at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"So ikaw ang bago ni Paul? " tanong niya. Lah si anteh, nanahimik ako e.

"Bakit angal ka? " Mataray na sagot ni Yna.

Tahimik lang ang mga boys at nakikiramdam.

"Ikaw ang tinatanong? " pabalang na balik nito kay Yna.

"How could he love a trash? Ni hindi ka nga marunong gumamit ng makeup, " Asar na sabi nito sakin. Eh ano naman kapag di ako gumagamit ng make-up? OA.

Saka teh, ikaw ata yung basura hindi ako.

"It's simple, " sabi ko at tumayo.

"May makeup man o wala, mas maganda ako sayo, " sabi ko.

"At is apa hindi ako gaya mo na naghahabol sa ex kahit may girlfriend na ito. " dagdag ko at inirapan siya saka umupo.

"Yan oh!! " Sigaw ng mga boys.

“Oh anyway, hindi kina minemake-up shame ha? Baka kasi umiyak ka bigla eh. Maganda ka naman talaga pero naiwan mo ata utak mo.” Dagdag ko rito sabay ngisi.

Nakanganga pa eto sa umpisa pero padabog ding umupo ng dumating ang prof.

But I know this is not the ending. The real war just started and I will make sure I win.
Itatak ko talaga sa kokote ng babaeng yan, na akin si Paul at ipapakita ko sa kanya ang konsekuensinya ng pagsayang niya rito.




SNOW REL (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon