Chapter 1

3 0 0
                                    


Chloe pov

Napasalampak ako sa lamesa dahil sa sobrang tamad kong sagutan yung mga natitirang quiz na naka post gclass bukas pa naman ang deadline nito pero gusto ko na siyang tapusin ngayon dahil tambak na ako pero tinatamad ako (。•́︿•̀。)

Ting

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang may nag chat sakin at ng buksan ko ito ay halos mabuhayan ako ng pag asa ng malaman ko kung sino ito

'Dylan send you a photo'

Yan agad ang bumungad sakin kaya agad ko itong binuksan at hindi nga ako nag kamali dahil ito yung mga sagot niya sa mga post test namin ngayon

'mag sagot ka na'

Yan ang sunod niyang chat sakin

Napangiti ako at agad nag type ng sasabihin

"Thank you (人 •͈ᴗ•͈)"

Matapos kong i type yan ay sinend ko na ito sa kanya nakita kong na seen agad niya ito at mukhang mag ta-type pa ng sasabihin pero bago yon ay tinabi ko na muna yung cellphone ko para makapag umpisang mag sagot

Hayy

Kung Hindi dahil kay dylan paniguradong wala akong pag asa ngayon mabuti na lang talaga nandiyan siya

Napatingin muli ako sa cellphone ko ng tumunog ulit ito

Hindi ko sana ito papansinin dahil naisip ko na baka si dylan ito pero si Yara pala yung nag chat sakin

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa yung chat niya

'Sis may sagot ka na sa mga post test natin? Pa kopya naman'

Natawa na lang ako at napailing bago isend sa kanya yung mga sinend sakin ni dylan kanina

Isa rin tong si yara

Kaya hindi nakapag sagot dahil busy nanaman sa jowa niya

Napatingin ulit ako ng mag chat ulit si yara

'nakapag review ka na ba?'

Basa ko sa chat

Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa sinabi nito

Next week pa naman yung exam namin saka kung may exam man hindi na ako mag re-review ipo-post lang naman yun sa gclass kaya madali na lang yon

Kahit nag tataka ay nag type ako ng reply ko sa kanya

"Review saan?"

Takang tanong ko na agad nitong sinagot

'doon sa foreign language! May hearing test tayo kay sir bukas! Spanish!'

Sambit nito at halos mawindang ang buong mundo ko

What the hell?!

Bakit ngayon ko lang nalaman to?!

"Kelan to ina-nounce? Hindi ko alam to!"

'talagang hindi mo alam dahil lagi kang tulala'

Reply nito sakin na ikinaismid ko

'panong hindi ako matutulala eh gutom na ako that time!'

Sambit ko sa isipan ko

'basta may review ka na ikaw lang pag asa ko!' sambit nito na ikinalaki ng mata ko

Luhh

Anong ako? Eh hindi pa nga ako nag re-review ehh at kung mag review man ako I'm sure walang papasok sa utak ko!

Hayy

Bahala na nga!





Pag baba ko ng bus ay dumiretso ako sa KFC para puntahan si yara, doon niya kase ako hinihintay para sabay kami pumasok sa school at para makapag review na rin dahil medyo maaga pa naman para don sa first subject namin

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon