Chapter 2

3 0 0
                                    


Chloe pov

"Be okay ka lang?" Tanong sakin ni yara habang nag lalakad kami palabas ng school

"Oo okay lang" sambit ko kahit sa loob loob ko ay masama pa rin yung loob ko dahil naka two lang ako!

Naramdaman kong biglang may umakbay saakin

"Yaan mo na bawi ka na lang next life---- este sa exam ako bahala sayo" pagyayabang ni dylan

Uminit tuloy bigla yung ulo ko

Agad ko itong siniko at lumayo sa kanya

"Aray ko naman!" Angal nito

"Wag mo ako maakbay-akbyan na parang hindi mo ako dineadma kanina hah!" Inis na sambit ko

Narinig kong nagtwanan sila Adonis at christian

"Ba't mo kase dineadma pre? Yan tuloy galit!" Natatawang sambit ni christian

"To naman wag ka ng magalit buti nga hindi ka kumopya sakin ehh dahil kung hindi zero talaga makukuha mo"

"Zero daw pero nung nakita ko yung papel naka 10 siya" sabat naman ni janice kaya mas lalong tumalim yung tingin ko kay dylan

Narinig ko pa ang kantyawan nila pero hindi ko na yun pinansin dahil agad akong dumiretso dun sa stall ng nagtitinda ng fishball at kwek kwek

Ito na lang talaga yung pambalubag loob ko

Naramdaman kong nakasunod sila saakin lalo na si yara dahil mukhang bibili rin ng kwek kwek

Lumayo ako ng konti para kainin yung binili ko pero habang kumakain ako ay dumako yung tingin ko dun sa exit ng school at may nakita akong pamilyar na naglalakad palabas doon

Siya yung kyle diba?

Sambit ko sa isip ko

Pinagmasdan ko lang itong nag lalakad habang kausap yung mga kasama niya at sa tingin ko ay may circle of friends din ito

May mga babae rin itong kasama at hindi ko maiwasang isipin kung isa ba sakanila ay girlfriend niya

"Lalim ng iniisip mo ahh"

Tumalim yung tingin ko sa nag salita

"Don't talk to me! Hmpp!" Pag susungit ko

Bahala siya diyan!

Kinabukasan ay ganon ulit ang naging routine ko pagpasok sa school syempre magkasama ulit kami ni yara

Nag starbucks muna kami at nag usap ng kung ano ano specially dun sa jowa niya

Pagkatapos namin mag palipas ng oras ay nag punta na kami ng school pero bago yon ay nag restroom muna kami para mag ayos

"Be oh gusto mo?"

Napatingin ako kay yara at nakita kong nakalahad sa harap ko yung make up kit niya

Agad akong umiling

"Wag na makati lang yan sa mukha!" Angal ko

"Luhh hindi ka mag aayos?!"

"Hindi na okay na yan! Ganto pa rin naman itsura ko pag uwi ehh!"

"Luuh mag ayos ka kaya malay mo makita ka ng crush mo!"

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya

"Nananaginip ka? Wala akong crush nohh! Matagal ko ng isinarado yung puso ko and never siyang mabubuksan!" Prostesta ko

Akmang mag sasalita pa sana si yara pero inunahan ko na ito

"Tara na bilisan mo na diyan baka ma late pa tayo mawalan tayo ng upuan niyan" sambit ko

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon