Chapter 7

1 0 0
                                    

Chloe pov

busy ako sa pang s-stalk kay kyle since friends na kami sa fb kaya malaya ko na siyang na s-stalk at ako naman ay si tuwang tuwa habang nakikita yung mga shared posts niya pati na rin yung mga dati niyang picture ay hindi ko pinalampas tingnan 

syempre curious lang kung pano siya naging ganon ka guwapo kulang na nga lang mapag kamalan siyang model or artista dahil sa sobrang tikas at guwapo niya

habang tinitingnan ko yung mga pictures niya ay para akong tanga na sinisave yung pictures niya sa gallery ko, feeling ko tuloy stalker na ako pero okay lang wala namang makakaalam kundi ako ehh

*ting

napatigil ako sa pag i-scroll ng biglang may nag chat sakin at agad bumungad sakin ang pangalan ni dylan

parang bigla tuloy akong nainis at nawalan ng gana ng makita ang pangalan niya

bumuntong hininga ako at hindi muna binasa yung chat niya pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako nag decide na i-open yung message niya

'Chloe, galit ka ba?'

"hindi. ba't ako magagalit?"

yan ang reply ko na agad niyang na seen agad rin itong nag type ng reply niya sakin

'alam ko galit ka ehh. hindi mo ako pinapansin kanina'

sambit nito

napairap ako lalo na ng maalala yung nangyari kahapon pati na rin yung sinabi ni yara kanina

pero kahit na! ayoko pa ring mag tanong at alamin yung totoong dahilan ba't naging ganon siya kahapon or baka nga talagang pagod lang siya

"hindi nga! i know naman na pagod ka kahapon kaya ka ganon so it's fine"sambit ko 

na seen niya agad ito pero hindi agad ito nag reply 

ewan ko kung pinag iisipan niya lang yung sasabihin niya sakin or wala siyang masabi dahil ramdam niya na naiinis pa rin ako

hindi ko na lang hinintay na mag reply siya at pinag patuloy na lang ang pang i-stalk ko kay kyle


kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nga sa malakas na ulan kaya agad akong nag online para makibalita at agad bumungad sakin yung mga chat ng mga kaklase ko sa gc para makibalita rin kung may pasok daw ba

some of them ay hinihiling na sana walang pasok samantalang ako ay hindi ko alam kung hihilingin ko bang mag cancel na lang ng pasok or wag dahil kung walang pasok ibig sabihin hindi ko masisilayan si kyle pero kung may pasok naman ay mababasa nanaman ako pati yung sapatos ko but in the end mas ginusto ko na lang na may pasok kahit nakakatamad at alam kong ako lang din ang mahihirapan

'hayy nako crush pasalamat ka talaga may taong pumapasok para lang sayo yieee pero sana pumasok ka rin para hindi masayang yung pag pasok ko sa school para masilayan ka lang'

habang nasa bus ako ay mas lalong lumakas ang ulan pero wala pang announcement sa gc na walang pasok 

hayy magiging water proof talaga ang mga estudyante sa ganitong panahon

nakatanggap ako ng chat mula kay yara na nasa kfc na daw siya at hinihintay ako nagulat pa nga ako dahil mag a-ala una pa lang ay nandun na siya pero hinayaan ko na lang dahil palagi naman siyang maaga

busy ako sa paanonood sa tiktok pang libangan lang dahil 30 minutes pa naman bago ako bumaba at habang nanonood ako ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin pero ewan ko ba kung pakiramdam ko lang ba yon or talagang may nakatingin saakin?

dala ng kuryusidad ay sinundan ko ng tingin yung direksyon na pakiramdam ko ay may nakatingin saakin at halos magulat ako ng makilala yung katabi kong upuan na siya rin palang nakatingin saakin

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon