Chapter 8

1 0 0
                                    


Chloe pov pov

Tahimik lang kaming nag lalakad palabas ng food court katatapos lang namin kumain at nag decide na rin kaming umuwi

Pero pakiramdam ko ay halos hindi ko magawang lunukin yung pagkain ko kanina dahil sa presence ni carl

Ewan ko ba kung bakit ganito na yung nararamdaman ko sa kanya

Naiilang na ako sa kanya hindi gaya dati na gustong gusto kong nasa paligid lang siya

Nauna na sila janice samantalang kami na lang nila yara at dylan ang natirang mag kakasama pati na rin si carl

Well ang awkward lang para sakin lalo na sa iisipin nila janice

"Chloe, una na ako ah?"

Napatingin ako kay yara saka tumango na lang kahit ayoko pa siyang paalisin

"Sige ingat ka" sambit ko

Ngunit bago ito umalis ay lumapit muna ito saakin para mag beso or ... That's what i thought

"Kuwento mo sakin kung sino yung lalaking yan ahh" bulong nito habang naka ngiti

"Byee" sambit nito sabay wave habang nakatingin sakin ng makahulugan

"Friend mo?" Rinig kong tanong ni carl na ikinatango ko kaagad

"That's great my mga friends ka na unlike before na palagi lang mag isa" sambit nito sabay tumawa ng bahagya

Lihim akong napairap at ginaya sa isip ko yung sinabi niya

"Chloe" nilingon ko si dylan
"ano nga ulit yung jeep na sinasakyan mo? Sabay na ako sayo may pupuntahan din kase ako dun ehh" patuloy pa ni dylan

Kumunot yung noo ko dahil sa pagtataka pero pumayag na lang din ako

"Sige sabay sabay na tayo" sambit ko na ikinatango lang din nito

"Sino bang pupuntahan mo dun pre? Ganitong oras?" Tanong bigla ni carl

"Yung tita ko saka medyo maaga pa naman ehh puwede naman ako mag stay muna dun"sambit naman ni dylan

Napansin ko ang bahagyang pag angat ng sulok ng labi ni carl na parang hindi kumbinsido sa sinabi ni dylan pero hinayaan ko na lang ito lalo na ng may humintong jeep sa harapan namin

"san ba punta mo pre? kanina pa tayo nakababa ng jeep hanggang ngayon nakasunod ka pa rin samin, baka mamaya hanggang pag uwi namin nakasunod ka pa ehh"

sambit ni carl sabay tawa

parang gusto ko tuloy batukan tong si carl... like, nakakatawa yon?!

nilingon si dylan saka nag salita

"malapit na kaming makasakay dylan, san ba punta mo?"

tanong ko sa kanya

nag iwas ng tingin sakin si dylan at parang hindi alam ang sasabihin

"uhmm malapit na rin yun dito, isang sakay lang ng trycicle" sambit nito

"ahh ganon ba? so... alam mo na ba papunta don?"

tanong ko na ikinatango naman nito

mag sasalita na sana ako pero naramdaman ko ang pagtapik ni carl sa balikat ko

"tara na chloe, baka pagalitan ka pa ng parents mo"

sambit ni carl

tumango lang ako saka tiningnan ulit si dylan

"sige na dylan, mauna na kami, ingat ka hah? mag chat ka pag nandon ka na sa tita mo"bilin ko

hindi ito agad sumagot kaya tumalikod na ako para mag lakad patungo dun sa may terminal ng trycicle napansin ko rin ang pag sunod sakin ni carl pero natigilan rin ako sa pag lalakad ng may humawak sa wrist ko 

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon