Chapter 14

2 0 0
                                    


Chloe pov

"Whaaa chloe,ang tagal nating hindi nagkita!" Sambit ni yara sabay yakap sakin

Natawa ako at niyakap rin siya

"Oo nga ehh pero grabe ka naman makayakap parang 2 years tayong hindi nag kita" pag bibiro ko

"Grabe ka naman! Syempre namiss kita ehh! Ako ba hindi mo namiss?!" Pagtatampo ni yara pero tinawanan ko lang ito at inakbayan

"Syempre babe namiss kita" sambit ko sabay kindat

"Yiee enebe" sambit ni yara sabay hawi sa buhok niya kaya natawa tuloy ako

"Itong dalawang to talaga feeling mag jowa" angal ni katie habang pinapanood kami

"Kaya nga parang tayo lang yata hindi namiss nitong si yara ehh"nagtatampong sambit ni janice

"Ayaw lang talaga satin ni yara kaya ganyan" hirit ni adonis

"Kaya pala hah! Kaya pala hindi kayo sumasama samin ehh" sambit ni christian

"Luhh? Ang oa!" Gulat na sambit ni yara dahil sa pag da-drama ng mga kasama namin kaya wala siyang nagawa kundi suyuin sila

Napailing na lang ako habang natatawa pero natigilan rin ako ng mapansin kong nandito na pala si kyle at ang mas nakakagulat pa don ay ng mahuli kong nakatingin ito sakin

parang bigla tuloy tumalon ang puso ko dahil sa mag kahalong gulat at kaba at hindi ko rin maiwasang isipin na baka nakatingin sakin si kyle ay dahil ito sa nangyari kahapon na baka nalaman niyang nakiki-chismiss ako sa usapan nila brianna

hayy anong gagawin ko?nakakahiya tuloy!

ano kayang iniisip ni kyle tungkol sakin?galit kaya siya?


"uyy anong problema mo?kanina ka buntong ng buntong hininga diyan ahh?"

mahinang sambit ni dylan ng sabayan ako nito sa paglalakad hindi ko tuloy maiwasang bumuntong hininga nanaman

hindi ko kase talaga maiwasang isipin si kyle ehh kanina pa nag sasalubong yung mga tingin namin kaya hindi ko tuloy maiwasang kabahan lalo na rin kapag nakikita kong nakatingin rin sakin si brianna yung tipong gusto niya akong ikutan ng mata pero hindi niya magawa dahill katabi niya si kyle at natatakot siguro siyang mahuli siya nito

"oh ayan nanaman bumuntong hininga nanaman!"reklamo ni dylan

sinamaan ko ito ng tingin

"bakit ba? masama bang huminga?!"reklamo ko ngunit tumawa lang ito

"meron ka pa rin siguro nohh? masungit ka pa rin ehh"pang aasar nito kaya hindi ko tuloy maiwasang suntukin ang braso nito

"aray!napaka amazona mo talagang babae ka!"reklamo ni dylan pero nag make face lang ako

"diyan rin nag umpisa lolo at lola ko ehh"sambit ni ryan sabay akbay sakin 

sinamaan ko siya ng tingin

"tatanggalin mo yang braso mo o babalian kita?"banta ko

napansin kong namutla si ryan kaya agad nitong tinanggal yung pagkakaakbay sakin samantalang narinig kong natawa si dylan pero ng tingnan ko it ng masama ay agad rin itong tumigil

"tama na nga yang asaran ninyo na yan. mabuti pa gumala na lang tayo since last day na natin ngayon!"sambit ni katie

"oo nga pala wala na palang pasok bukas hindi na tayo makakagala"malungkot na sambti ni janice

nag pout si yara saka pumulupot sa braso ni janice

"oo nga nohh ang bilis ng panahon mami-miss ko kayo ng sobra"

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon