Chapter 5.1

1 0 0
                                    

Chloe pov

"Hey!"

Halos lumukso ang puso ko ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko at kahit hindi ko tingnan kung sino ito at alam kong siya ito

Sino pa nga ba ang mag papatibok ng mabilis sa puso ko kundi si crush? Yieeee

Agad ko siyang nilingon at nag kunwaring nagulat ng makita ko siya sa tabi ko

"Uyy" sambit ko

Ngumiti ito dahilan para mas lalo akong matunaw

Hayy ang guwapo guwapo mo talaga lalo na kapag nakangiti ka (๑♡⌓♡๑)

"Congrats champion tayo" sambit nito na nag pangiti saakin

"Oo nga ehh congratulations ang galing ninyo"

"Syempre thank you rin sa pag asikaso samin kanina, the best ka!"

Sambit nito sabay tapik sa ulo ko

Dugdug dugdug dugdug

Pakiramdam ko tuloy ay biglang tumigil ang paligid dahil sa ginawa niya

Halos mabaliw ako dahil sa sobrang kilig dahil sa ginawa ni kyle

Whaaaa omg totoo ba talagang nangyayari to?!

Halos mamula na ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko may kyle

Pinigilan kong ngumiti ng malawak dahil baka makahalata si kyle at ma turn off saakin

"Syempre role ko yon ehh kayo pa rin yung nag dala ng buong play natin kaya congrats!" Sambit ko na pilit pinanormal ang boses ko

Ngumiti ito at bahagyang natawa

"Dapat ikaw na lang yung gumanap na maria clara ehh mas bagay sayo yun"

Sambit nito na nag patulala sakin aaminin ko na kinilig ako sa sinabi niya dahil feeling ko na kimomplement niya ako syempre kikiligin ako, bakit hindi?

Crush ko na yung nag sabi non ehh!

"Sige mauna na ako, congrats ulit satin"

Satin? Yieeee kinilig ako dun ahh!

Tumango lang ako at tanging ngiti lang ang naisagot ko

Wala na akong pakealam kung may makakita saamin o tuksuhin kami mas okay nga yun ehh malay mo ma fall din siya sakin yieee enebe




Kasabay ko sila yara at dylan na lumabas ng school syempre nasa isipan ko pa rin ang mga pangyayari at halos hindi pa rin ako maka get over

kung puwede nga lang ireplay ang mga pangyayari ay gagawin ko

"Mauna na pala ako sainyo chloe"napatingin ako kay yara dahil sa sinabi niya

"Hah? Diba sabay tayo?" Takang sambit ko

Sabay kase kami ni yara palagi dahil parehas lang naman kami ng terminal na pinaghihintayan ng jeep pero mag kaiba kami ng way

"Susunduin ako ng jowa ko ehh" sambit nito

Napa ahh nalang tuloy ako at walang nagawa kundi ang pumayag na lang

"Okay sige ingat ka"

"Oo be next time na lang hah? Hoyy dylan ikaw na bahala kay chloe hah?"

Bilin ni yara pero hindi ko narinig ang tugon ni dylan kaya ako na lang ang sumagot

"Sige na yara baka nag hihintay na yung jowa mo ingat ka"

"Sige byeee" sambit nito saka nag wave habang paalis tumango na lang din ako at nag wave back

Nang mawala na sa paningin ko si yara ay napatingin ako kay dylan at nagtataka ako dahil pansin kong sobrang seryoso ng mukha nito

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon