Chapter 5

1 0 0
                                    


Chloe pov

Natapos na yung play namin at syempre sobrang saya namin dahil nairaos narin namin yung ilang linggo naming pinag paguran

Nagkita kita kami sa court para icongratulate ang isa't isa dahil nagawa naming ipresent ng maayos yung play kahit hindi pa kami ganon ka sure kung mananalo ba kami o Hindi

"O picture picture muna!" Sambit ng mga kaklase ko kaya yon nakisali kaming lahat at hindi ko rin maiwasang hanapin yung crush ko at ayun hindi naman ako nabigo na hanapin siya dahil agad ko siyang nakita

Siguro ako na ang may pinakamagandang ngiti sa camera dahil sa natural kong ngiti dahil sa crush ko

Pano ba namang hindi ako mapapangiti at kikiligin? Sa tuwing naiisip ko yung nangyari kanina ay halos tumili na ako sa sobrang kilig pano pa kaya pag mag holding hands na kami? Edi nangisay na ako dahil sa sobrang kilig!

"Sis, tara kain muna tayo sa labas"
Aya ni yara saakin na siyang sinangayunan ko kaagad dahil nagugutom na ako pero bago yon ay sinulyapan ko muna ulit si crush dahil baka hindi ko na siya makita mamaya pero hindi ko na siya makita

Medyo na lungkot tuloy ako pero okay lang at least nag kausap kami kanina kahit na saglit lang

"Nasan si dylan?"

Takang tanong ko kay yara ng makalabas kami ng school kanina lamg kase ay kasunod namin ito pero nung nakalabas na kami ng school ay hindi na namin ito kasunod

"Kasama niya sila janice be ewan ko san sila pupunta" sambit ni yara

Tumango na lang ako bilang sagot

Nag umpisa na kaming mag lakad ni yara pero bago yon ay nagawi ang tingin ko sa isang direksyon at halos mag liwanag ang mundo ko ng makita ko si kyle!

Yieeee

Andiyan nanaman siya

Ba't ba ang guwapo niya? Nakakainis!

Nagpunta kami ni yara sa KFC para doon ay kumain syempre hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal sa sistema ko ang kilig na kanina ko pa nararamdaman lalo na sa tuwing naaalala ko si kyle

Yieee

My goodness

"Be oh"

Tinabi ko yung mga gamit namin ni yara at tinulungan siya sa pag ayos ng pagkain namin

"Kanina ko pa napapansin nag bu-blush ka be"

Natigilan ako at automatikong napahawak sa mag kabila kong pisngi

"H-hah? Wehh?" Hindi makapaniwalang sambit ko

Geezz masyado na ba akong halata?!

"Oo nga daig mo pa nag lagay ng blush on" sambit ni yara "sino bang iniisip mo at mukhang kinikilig ka? Akala ko ba wala kang crush? Yieee sino yan?" Pang aasar ni yara kaya hindi ko tuloy maiwasang mas lalong isipin si kyle

Kinikilig nanaman tuloy ako!

Agad akong umiling

"Mainit kaya! saka naka mask ako kanina pa kaya mamumula ako!" Pag dadahilan ko

Ayoko lang kaseng mag kuwento sa kahit na sino pati na kay yara na may crush ako kay kyle dahil baka kumalat pa yon at malaman ni kyle at ng mga kaibigan niya tapos aasarin ako edi napahiya ako lalo!

Kaya maganda na yung tahimik para walang gulo

Sasarilinin ko na lang tong nararamdaman ko,kaya ko naman ehh!



Matapos naming kumain ni yara ay bumalik din kami sa theater para manood ng iba pang stage play hindi nga lang namin napanood yung iba pero okay lang dahil may naabutan pa naman kami

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon