Chloe povHumikab ako kasabay non ay nakaramdam na ako ng antok pero ayoko pa ring matulog
Napatingin ako sa orasan at doon ko lang din namalayan na malapit ng mag alas tres ng madaling araw
Nag scroll ulit ako sa Facebook para libangin ang sarili ko pero lutang pa rin ang isipan ko dahil mag pahanggang ngayon ay naaalala ko pa rin yung ginawa ni dylan
hindi ko magawang matulog kakaisip ng pangyayaring yon at kahit gusto kong kalimutan ay hindi ko magawa dahil paulit ulit lang itong nag fa-flashback sa utak ko
Napa face palm na lang ako kasabay non ang malalim kong buntong hininga
Ngayong mag isa ako ay unti unti kong naiisip ang dahilan kung bakit ginawa yon ni dylan pero paulit ulit ko ring tinatanggi na baka mali lang ako ng akala
*Sighed
*Ting
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko may nag chat saakin
Noong una ay hindi ko ito pinagtuunan ng pansin ng maisip ko na baka si dylan ito pero ng makita ko yung pangalan sa chat head ay halos mabitiwan ko yung cellphone ko dahil halos hindi ako makapaniwalang makita kung sino yung nag chat sakin
Omg!
napabalikwas ako at tiningnan ng mabuti ang cellphone ko para malaman kung totoo ba ang nakikita ko at totoo nga! hindi ako nag kakamali!
NAG CHAT SAKIN SI KYLE!
O.M.G!
"hi"
basa ko sa chat niya at halos mangisay tuloy ako sa kilig
ang tagal ko ng hindi nakkaausap si kyle simula nung nag school break kami at nami-miss ko na siya ng sobra!
inayos ko ang sarili ko at pinakalma bago mag reply sa kanya
"hello"
sambit ko sabay sent sa kanya ng reply ko na agad nitong na seen
napansin ko agad na typing ito kaya mas lalo tuloy akong kinilig
ano kayang nakain ni kyle at bigla siyang nag chat? alas dos na ahh?wait.... baka naman miss na niya ako? yieee
"how are you? bakit hindi ka pa natutulog?"
'syempre hinihintay ko chat mo yieee'
gusto ko sanang sabihin yan pero baka ma turn off sakin si kyle kaya wag na lang ako na lang kikiligin sa sarili kong banat
"hindi ako makatulog ehh"
"why? is there a problem?"
bigla ko nanaman tuloy naalala si dylan
'what if meron?ico-comfort mo ba ako?'
"hmm wala naman, hindi lang talaga makatulog. what about you? bakit di ka pa natutulog?"
balik na tanong ko sa kanya
wala lang akong maisip na topic kaya kung ano na lang maisip ko para lang makausap ko si kyle at para na rin makalimutan ko yung nangyari kanina
nakita kong na seen agad ni kyle yung chat ko pero ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ito nag re-reply
medyo nagtaka pa ako nung una at naisip ko rin na baka nakatulog na siya ng hindi niya namamlayan
matutulog na rin sana ako pero nagulat ako ng makita kong typing si kyle kaya naudlot tuloy yung antok ko
"i also can't sleep"
BINABASA MO ANG
Things Left Unsaid
RomanceChloe is a third year college student who falls in love to her classmate unexpectedly