Chapter 11

2 0 0
                                    

Chloe pov

uwian na rin namin at medyo maaga pa naman habang ako ay medyo matamlay dahil nahihiya pa rin ako kay kyle

huhuhuhu feeling ko tuloy nasira yung image ko dahil kila dylan 

kainis kase ehh inasar asar ba naman ako?! hindi ko tuloy napigilang mapikon baka isipin tuloy ni kyle na asar talo ako dahil sa ginawa ko kanina

hayyy

kasalanan to ni dylan ehh!

"oyy malayo pa ang mahal na araw bakit pang biyernes santo yang mukha mo?"

ayan nanaman siya! nag uumpisa nanaman! nanahimik na nga ako ehh!

"tigilan mo ako dylan ahh baka mas mauna ka pang tirikan ng kandila bago mag undas!"

inis na sambit ko

"burn"sabat ni adonis sabay tawa sinamaan ko rin ito ng tingin

"sungit talaga"bulong ni dylan pero hindi ko na siya pinansin dahil baka mas lalo pa akong mapikon pag pinatulan ko siya lalo mabuti na lang at may nag chat sakin dahilan para mawala ang atensyon ko kay dylan

kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa sa pag aakalang si yara yung nag chat sakin pero halos mabitiwan ko yung cellphone ko at halos ayaw ko ng buksan yung message ng malaman ko kung sino yung nag chat sakin

it was from carl!

'hi chloe kumusta? i'm here infront of your school, let's go home together'

oh.my.gosh!

halos ayaw kona yatang lumabas ng school matapos kong mabasa yung chat ni carl

"uyy chloe tara na?!"

sambit ni ate beatrice ng mapansing nakatayo lang ako

"Ate bea"

"bakit be?saka ba't ang putla mo?okay ka lang?"alalang sambit nito

napatingin sakin sila dylan at napansin kong medyo nag aalala sila sakin lalo na si dylan

"ehh kase....naalala niyo ba yung guy na lumapit sakin dun sa food court?"

"yung pogi be? oo be, bakit?"

sabat ni katie

medyo napangiwi pa ako dahil sa sinabi nitong word na 'pogi' pero hinayaan ko na lang

"well kase nandiyan daw siya sa labas ng school ehh pero ayokong sumabay sa kanya puwede bang pag nakita niyo sabihin niyo hindi ako pumasok? pleaseee!"

pakiusap ko sa kanila

"ba't mo iniiwasan eh mukha namang type ka non?"takang tanong ni janice

"oo nga saka okay na yun para mag ka jowa ka na matanda ka na ehh"sambit ni ryan

ito talangang lalaking to minsan walang kuwenta kausap. kainis!

"ehh kase nga may jowa na nga yun kaya iniiwasan ko na nga ehh!"

palusot ko at doon ko napansin ang pag babago ng emosyon nila

"yun naman pala ehh tama yung ginagawa mo chloe!"

sambti ni dylan sabay tapik sa balikat ko

"naku hindi puwede yung ganyan! don't worry chloe i got your back---- i mean we pala!"nagbibirong sambit ni adonis

hindi na lang ako sumagot at hinayaan sila

lumabas na sila ng school samantalang ako naman ay nakatanaw lang sa kanila at halos kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba ng agad kong matanaw si carl sa di kalayuan malapit sa may entrance ng school

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon