Chapter 6

1 0 0
                                    

Chloe pov

Kinabukasan ay excited akong pumasok syempre para masilayan si crush

Yieee

Bigla ko tuloy naramdaman ang biglang pag lukso ng puso ko dahil sa kilig at excitement dahil kay crush

Kahit tapos na yung practice namin ay may chance pa akong masilayan si crush

yun nga lang ay isang linggo na lang at bakasyon na medyo nalulungkot ako dahil hindi ko na masisilayan si crush at hindi ko rin alam kung magiging magkaklase pa kami next sem (╯︵╰,)

Pero sana nga classmate pa kami ni crush

Bago ako umalis ng bahay ay nag online muna ako

Napansin ko agad yung chat ni yara at ni dylan pero inuna ko munang basahin yung chat ni yara naiinis pa rin ako kay dylan ehh

'Chloe, sabay ulit tayo hah? Dun kita hintayin sa may McDo'

Basa ako sa chat niya

"Sige aalis na rin ako" reply ko

Paniguradong kakain nanaman kami ni yara bago pumasok sa school pero okay na yon enjoy ko rin naman ehh

Habang nag lalakad ako ay doon ko na binasa yung chat ni dylan doon ko lang din napagtanto na nakaka anim na chat na ito sakin

Yung apat dito ay simula pa kagabi tapos yung dalawa naman ay kanina lang umaga

Dylan reply to your message

'wala naman akong sinabi. Ang sipag mo nga ehh'

'thank you'

'congrats pala satin'

'luhh hindi namamansin. Galit ka ba? Nag bibiro lang ehh'

Yan yung mga chat niya sakin kagabi pero hindi ko na siya nireplyan dahil maaga akong natulog naiinis rin kase ako sa kanya non

'ano oras ka papasok? Sabay na ulit tayo'

'tulog ka pa ba?'

Napairap na lang ako at tinago yung cellphone ko

Hindi ko na siya nireplyan sa mga chat niya dahil wala ako sa mood kahit alam kong online siya ay hinayaan ko na lang ito

Lihim akong napangiti ng mapansin kong online si kyle bumalik nanaman tuloy yung excitement ko at hindi na ako makapag hintay na makita siya

Sana dumating rin yung araw na sabay kami ni kyle pumasok while holding hands yieeee


Matapos naming kumain ni yara ay nag umpisa na kaming nag lakad papuntang school

Pagdating namin ay marami pang nasa labas ng classroom at mukhang wala pa naman si ma'am syempre hinanap ko agad si crush pero imbes na si kyle ang makita ko ay agad kong nakita si dylan at hindi ko inaasahan na nasa amin na pala ito nakatingin

Nag iwas ako agad ng tingin at umaktong hindi siya nakita

Nag lakad na rin kami nila yara patungo kila janice na nag ku-kuwentuhan nadaanan ko pa si dylan pero hindi ko siya pinansin

"Uyy aga niyo ahh?" Sambit ni adonis

"Maaga pa ba yan? 2:40 na kaya!" Sambit ni yara

"Relax masyado kang highblood" natatawang sambit ni ryan bahagya lang din akong natawa not until may naramdaman akong tumabi sakin at kahit hindi ko ito lingunin alam ko namang si dylan to

"Aga mo yata natulog kagabi ahh?" Sambit nito pero tumango lang ako

Nagu-guilty tuloy ako pero mas nangibabaw sakin yung inis

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon