Chapter 9.1

1 0 0
                                    

Chloe pov

Nag kunwari akong nakatingin lang sa cellphone ko at kunwaring may binabasa pero ang totoo niyan ay papansin lang talaga ako kay kyle pasimple ko kase siyang tinitingnan umaasa na nakatingin pa rin siya sakin pero sad to say ay hindi dahil busy ito sa pakikipag chickahan sa mga girl friends niya •́  ‿ ,•̀

Nawala ang atensyon ko sa binabasa ko ng biglang sinandal ni dylan yung ulo niya sa balikat ko

Kunot noo ko itong tiningnan at siniko siya para lumayo siya sakin

"Aray ko naman dylan! Ang init init dun ka nga!" Reklamo ko

"Grabe naman makatulak to arte mo ahh parang di kaibigan!" Pag da-drama niya pero tinarayan ko lang ito

"Hoyy dylan wag mo ngang stressin yan si chloe sayang yung beauty niya sayo!" Saway ni katie

"Luhh paepal di ka naman kasali dito nakikisali ka!" sambit ni dylan dahilan para matawa sila christian at adonis ng marinig ang sinabi ni dylan

"Ohhh hindi ka pala belong ehh" panunukso ni ryan

"Hawakan mo nga sa panga" gatong ni adonis sabay tawanan

Napansin kong nainis si katie dahil sa pang aasar nila kaya ang ending ay binatukan nito si dylan

Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang atensyon ko sa binabasa ko pero bago yon ay hindi ko sinasadyang mapatingin kay kyle at halos higitin ko ang pag hinga ko ng maabutan kong nakatingin ito saakin

Feeling ko tuloy ay aatakihin ako nito sa puso dahil kinikilig nanaman ako lalo na ng makita kong bahagyang ngumiti si kyle ng mag salubong ang mga tingin namin

Syempre ngumiti rin ako hindi ko naman kayang deadmahin si crush ehh yieee

Iniwas ko ang tingin ko at binalik ang tingin sa cellphone ko kahit ang totoo ay gusto ko ng tumili sa sobrang kilig na nararamdaman ko

Pero bago yon ay hindi nakatakas sakin yung tingin nung girl na isa rin sa kaibigan ni kyle

Nakatingin ito saakin pero wala akong mabasang ano mang emosyon sa mukha nito pero alam kong may iniisip ito lalo na ng makita nitong mag palitan kami ni kyle ng ngiti at tingin

Dineadma ko na lang yon at kunwari ay hindi ko siya napansin pero deep inside ay hindi ko maiwasang ma bother kung anong ibig sabihin ng tingin na yon at kung nag seselos ba siya dahil sa nakita niya

"Uuwi ka na ba agad?" Rinig kong tanong ni dylan paglabas namin ng classroom

Tapos na ang klase namin it means uwian na

"Oo"

"Bakit? Gala muna tayo or kain tayo saglit, libre kita" tuloy tuloy na sambit nito

"Ayoko bukas na lang" sambit ko pero umismid si dylan

"Sus imposible! Hindi ka nanaman sasama bukas dahil nandito na si yara" sambit ni dylan na may katotohanan naman pero hindi talaga puwede ngayon ehh hahanapin ko pa si kyle nag ayos pa naman ako para sa kanya

"Ihh basta bukas na!" Sambit ko at nauna ng maglakad

Tinatawag pa ako ni dylan at ramdam ko pang sinundan ako nito pero mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko hanggang sa makalabas na ako ng school

Pasimple akong lumingon para tingnan kung nakasunod pa ba si dylan pero mabuti na lang ay hindi ko na siya nakita

*Sighed

"Nasan na rin kaya yun si kyle?"

Tanong ko sa sarili ko habang nililibot ng tingin ang paligid

'sana naman ay hindi pa siya umuuwi'

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon