Chapter 15

1 0 0
                                    

Chloe pov

"Chloe ohh shot mo na"napatingin ako kay yara ng ilahad nito saakin ang baso na may lamang beer pero umiling ako

"ayoko na yara, bawal ako malasing malayo pa uuwian ko"

sambit ko dahil hindi ko alam kung kaya ko bang umuwi ng lasing hindi ko pa kase nata-try saka baka pagalitan pa ako nila mama pag nalaman nilang nag inom ako

"last na lang sige na please"pakiusap ni yara pero tumanggi ako dahil nahihilo na rin ako at baka matuluyan akong malasing kapag pinilit ko pa punong puno pa naman yung baso

"akin na lang yung shot niya"napatingin ako kay dylan ng bigla nitong kunin yung dapat sanang shot ko kay yara

hindi na nakapagsalita si yara para tumutol dahil agad rin itong kinuha ni dylan at diretsong ininom

"yieee sana ganyan din jowa ko"kinikilig na sambit ni katie

"Chloe kapag niligawan ka nitong ni dylan sagutin mo agad hah!"sambti ni yara at ayan nanaman nag umpisa nanaman ang kantyawan ng mga kasama ko

"magpakipot ka muna chloe, hindi mo nalalaman matinik yang tropa ko pag dating sa mga chicks! syempre ayokong masaktan ka"sambit ni adonis na ikinangiwi ko

"kaya nga chloe, pahirapan mo muna"sambit naman ni christian

"kilabutan nga kayo sa mga pinagsasabi niyo!"sambit naman ni janice dahilan para dumako sa kanya ang atensyon naming lahat at syempre hindi nagdalawang isip sila christian na tuksuhin si janice na kesyo kj daw siya dahil hindi ganito kasweet yung jowa niya sa kanya 

"ligawan na ba kita?"rinig kong bulong ni dylan kaya kunot noo ko itong tiningnan

"ligawan mo mukha mo!"pang babara ko pero tumawa lang ito

kinuha ko ang juice saka ito ininom pero hindi ko sinasadyang magawi ang tingin ko kay kyle at hindi ko inaasahang nakatingin na rin pala ito saakin at ewan ko ba kung bakit para akong nanlamig sa paraan ng tingin niya sakin

ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon sa kanya na parang may gusto siyang gawin o sabihin pero hindi niya magawa

agad rin itong nag iwas ng tingin ng magsalubong ang mata namin at diretsong ininom ang alak na nasa baso nito

hindi na lang ako kumibo at kumain na lang kahit nagtataka parin ako sa naging reaksyon ni kyle


tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong 7:30 na gusto ko ng umuwi dahil wala ng rush hour pero mukhang wala pang balak umuwi tong mga kasama ko

tiningnan ko sila at mukhang nag e-enjoy pa sila kaya medyo nahiya tuloy akong mag paalam sakanila

"Yara, mag cr muna ako hah?"

paalam ko kay yara tumango ito pag tapos nitong i shot yung nasa baso niya

"sige lang be, balik ka hah"

sambit nito kaya mas lalo tuloy akong nag alangan mag paalam sa kanila na uuwi na ako

"oo naman"

sambit ko

maglalakad na sana ako  pero biglang may humawak sa wrist ko para pigilan ako kaya muli akong bumaling ng tingin kay yara dahil akala ko siya ang humawak sakin pero nag kakamali ako dahil si dylan pala yung humawak sakin

"samahan na kita"

sambit nito habang namumungay ang mata pero agad akong umiling at binawi ang kamay ko

"hindi na dylan kaya ko naman ehh saka lasing ka na kaya"

kunot noong sambit ko

"hindi pa ako lasing"

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon