Chapter 4

1 0 0
                                    


Chloe pov

Wala akong ginawa pag uwi ko kundi i-stalk si kyle sa IG.

ito na lang yung pag asa ko para magkaroon ng update sa kanya pero hindi pa rin ito sapat kumpara sa facebook dahil alam ko naman na mas active siya dun kesa sa IG, yun nga lang hindi ko siya ma stalk dun dahil naka lock yung profile niya
(╯︵╰,)

Habang ini-stalk ko siya ay hindi ko maiwasang mapangiti lalo na sa tuwing nakikita ko siya pati na rin yung place na pinag tatambayan niya

Palagi rin kaming pumupunta sa lugar na yon kasama ko si yara pero hindi naman kami nag kikita

May nadiskubre rin ako kay crush

Magaling pala siya kumanta at sa tuwing naririnig ko yung boses niya mas lalo tuloy akong nafa-fall(●♡∀♡)

Hindi ko tuloy maiwasang ma-imagine kung anong feeling kapag naging couple kami? Masaya siguro nohh? Dahil yung crush mo naging boyfriend mo na!

Sana maranasan ko rin yon

Bumalik ako sa Facebook para tingnan ulit yung profile ni kyle pero ano pa nga bang bago ron? Syempre naka lock parin yung profile niya

Hayy

"Kase naman kyle ehh daig mo pa ang artista sa pagiging private person mo! Ang sarap mag tampo! Pero wag na lang di mo naman ako susuyuin ehh"

Oo na!

Para na akong tanga dahil kung kausapin ko si kyle ay parang kaharap ko ito at para namang maririnig ako nito

Gustong gusto ko na siyang i-add kaya lang nahihiya ako dahil nag kikita kami sa school at baka mahalata niyang crush ko siya! Mas nakakahiya yun!

"Oyy chloe ibili mo nga muna ako ng toyo dun!"

"Ayy kalabaw!"

Halos muntik ko ng mabitiwan yung cellphone ko dahil sa sobrang gulat ng biglang sumulpot si mama sa kung saan

Bigla tuloy akong kinabahan at agad tinago ang cellphone ko dahil baka nakita nito yung picture na tinitingnan ko

"Ano ba yon?! Nanggugulat ehh!" Reklamo ko

"Ibili mo ako ng toyo dun bilisan mo!"

Matapos yun sabihin ni mama ay umalis na rin ito

Hindi ko tuloy maiwasang umikot ang mata ko dahil sa sobrang inis

Para namang ako lang yung puwedeng utusan dito ehh nandiyan naman sila kuya na wala namang ginagawa!

Padabog akong tumayo pero bago yon ay binalikan ko muna ng tingin yung cellphone ko pero halos mag panic ako ng makita kong aksidente kong napindot yung friend request kay kyle

"Ohh shit!"

Halos sabunutan ko ang sarili ko at halos makapag salita na ako ng bad words dahil sa kabang naramdaman ko lalo na ng makita kong mag respond agad si kyle sa Friend request ko

Halos maubusan ako ng hininga at hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ibabaon ang sarili ko sa lupa dahil sa nahihiya ako kay kyle ewan ko kung bakit

Kinonfirm nito yung friend request ko ng ganon kabilis na parang wala lang!

Halos kumabog ang dibdib ko ng makita kong online siya

"Online siya!" Bulong ko sa sarili ko at halos mangisay na ako dito dahil sa sobrang kilig

Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa tuwang nararamdaman ko pano pa kaya kapag naging kami na? Baka mag pa-party na ako niyan!







Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon