Chapter 13

2 0 0
                                    

Chloe pov

nagising ako ng masama ang pakiramdam 

ramdam ko rin na masakit yung balakang ko at kumikirot na yung puson ko

bumangon ako at tumingin sa oras at nakita kong 11:30 na ng umaga pero tinatamad pa akong bumangon at medyo inaantok pa rin ako gawa ng sobrang late na akong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga sinabi ni carl

hindi talaga ako nakatulog dahil sa mga bagay na yon ang dami kong inaalala at pinag sisisihang bagay gaya ng pagtatapat ko ng feelings ko sa kanya dahil paano kaya kung hindi ako ang tapat sa kanya that time? posible ba na nagtapat na siya sakin at niligawan ako? pag nangyari yun....edi sana ngayon ay couple na kami?

at kung nangyari yon.....

paano si kyle?

ginulo ko ang buhok ko at nagpagulong gulong sa kama

naguguluhan na ako ngayon!

yung dati kong crush ay nagtapat ng feelings niya sakin at gusto niya akong ligawan tapos yung crush ko naman ngayon ay hindi ko alam kung may pag asa rin ba ako sa kanya dahil sa mga pinapakita niya sakin at hindi ko alam kung may dapat ba akong asahan kay kyle o ako lang talaga tong umaaasa at nag bibigay ng meaning sa mga ginagawa niya?

whaaa paano na to? bakit namo-mroblema ako bigla dahil lang dito?!!

sino bang pipiliin ko kung sakali? si past or si present? char

as if naman may pag asa ako kay kyle pero.....si kyle na ang gusto ko ngayon ehh siya yung nag bukas sa puso ko na matagal ng nakasarado at hindi ko alam kung sa pagkakataong ito ay pipiliin niya ako o masasaktan nanaman ako?

at kung si carl naman ang pipiliin ko....may chance pa kaya na bumalik yung dati kong feelings para sa kanya?

whaaa ewan kooo ang gulo! huhuhhu




"huyy okay ka lang?"rinig kong tanong ni dylan habang nakatambay kami sa may milk teahan para hintayin sila janice

bahagya akong tumango pero ang totoo niyan ay gusto ko na lang humiga mag hapon habang nakabaluktot para hindi na lalong sumakit yung puson ko

"mag c-cr lang ako hah?"

paalam ko sa kanya

gusto pa sanang mag salita ni dylan pero tumango na lang ito kaya tumayo na ako at nag tungo sa c.r

nang makarating ako ay agad akong umupo sa bowl at nagulat ako ng pag tingin ko sa underwear ko ay napakarami ko ng dugo dun

napapikit ako ng mariin at halos iuntog ang ulo ko dahil sa inis

kanina naman wala pa to ehh kung kelan nasa school na ako saka pa ako dadatnan!

napangiwi ako ng maramdaman ko agn sobrang kirot ng puson ko at halos hindi ako makatayo pero paano yan? nakalimutan kong magdala ng napkin

bumuntong hininga ako at halos mawalan ng pag asa kung anong gagawin pero bigla kong naisip si dylan pero.... nakakahiya naman kung sa kanya ako mag papautos

ipinilig ko ang ulo ko

ano ba chloe! emergency nato wala ng hiya hiya!

sermon ko sa utak ko dahil kapag pinatagal ko pa ito ay baka dumating na sila janice at malate pa sila ng dahil sakin at kung hahayaan ko lang ito ay baka mag kalat pa ako sa school mas nakakahiya yon!

kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at lakas loob na chinat si dylan

"Dylan"

"oyy?"sagot nito

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon