Chapter 16

4 0 0
                                    

Chloe pov

*Yawn

Nag inat inat ako ng magising ako at pipikit pikit pa ang mata ko pero feeling ko ay ayoko pang bumangon at gusto ko pang matulog dahil medyo masakit pa ang ulo kahit konti lang yung nainom ko kagabi well dahil matagal na siguro akong hindi umiinom kaya ganito yung pakiramdam ko

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kuwarto ko at kitang kita ko ang maaliwalas na paligid sa labas at mukhang masarap maglakad lakad kapag ganito ang panahon pero tinatamad akong lumabas ehh

Humiga ulit ako at kinuha ang cellphone ko para mag online muna at sunod sunod na notifications ang nareceive ko na pinangungunahan ng gc namin

Syempre agad na bumungad saakin yung pag aasaran nila adonis na sumuka na daw si christian kagabi dala ng kalasingan tapos si ryan namab ay sumayaw na habang kumakanta si yara at katie samantalang tinukso rin nila si dylan dahil knock out na rin ito

Ikaw ba namang makalimang bote hindi ka ba non malalasing agad?!

At ang malala ay si janice dahil niyaya na daw nitong mag motel si dylan mabuti na lang at napipigilan pa siya nila yara

Wala na daw kaseng malay si dylan nung time na yun

Bumuntong hininga ako

Mabuti na lang talaga at konti lang yung nainom ko kagabi dahil hindi ko alam kung anong kabaliwan ang magagawa ko kapag nalasing ako

Tiningnan ko yung ibang mga message na nareceive ko at may natanggap din akong message mula kay yara at mukhang kanina pa tong umaga

'wow hah? Ang aga naman nagising ni yara kahit lasing din siya kahapon'

"Be, san ka galing kagabi? Saka ba't magkasama kayo nung kyle bumalik sa ktv room? Hmmm don't tell me.....'

Kahit hindi tinapos ni yara yung sasabihin niya sa chat ay alam ko ang gusto nitong sabihin

"Baliw talaga to si yara!"

Syempre agad akong nag type ng sasabihin ko sa kanya kahit wala naman akong dapat i-explain pero ayaw ko namang pag isipan niya ng kung ano si kyle at ayoko ring mahalata ni yara na may gusto ako kay kyle dahil baka sabihin pa niya to kila dylan

Halos kaka send ko lang din ng reply ko kay yara ng biglang bumukas yung pinto ng kuwarto ko ang buong akala ko pa naman ay si mama yon pero si sophie lang pala yung bunso kong kapatid

"Anong kailangan mo?!" Iritang sambit ko

Bigla bigla na lang kaseng nagbubukas ng pinto hindi man lang kumakatok

"May nag hahanap sayo sa labas"sambit nito sabay sarado ng pinto

Halos tumirik tuloy ang mata ko dahil sa inis

Bumangon na lang din ako pero bago lumabas ay nag hilamos muna ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko habang palabas ako ng kuwarto

Bumaba ako patungo sa sala at naabutan ko si sophie na nag lalaro ng video games kasama si kuya at mukhang walang pakealam sa mundo

Hindi ko na lang sila pinansin at nag tuloy tuloy sa paglabas

Nasa bungad pa lang ako ng pinto ng mapansin kong may tao nga sa labas pero dahil nakasarado yung gate ay hindi ko makita ng malinaw kung sino ang tao sa labas pero agad nag laho ang pagtataka sa isipan ko ng mabuksan ko ng tuluyan ang gate at malaman kung sino ang taong kaharap ko ngayon

"Chloe....."

"Carl?"

Agad na sambit ko ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon at ewan ko ba kung bakit hindi na ako nagulat ng makita ko siya

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon