Chapter 7.1

1 0 0
                                    

Chloe pov

halos buong mag hapon siguro akong nakangiti matapos ng pangyayari kanina, pangyayaring halos hindi ko magawang makalimutan at gusto kong maulit na mangyari

nag hiwalay lang kami ni crush sa may tapat ng mcdo dahil nandun daw naghihintay yung mga kaibigan niya kaya sumabay na siya sa kanila 

pumayag na lang din ako kahit ang gusto ko pa sana ay sabay kaming pumasok nakalimutan ko na ngang hinihintay pala ako ni yara sa kfc

kung hindi pa siguro kami nag hiwalay ni crush paniguradong nakalimutan ko ng puntahan si yara well okay lang din naman sakin na isabay si crush syempre minsan lang kami mag sabay 

natapos yung first subject ng good vibes pa rin ako pero kanina ko pa napapansin na panay ang paimpleng tingin sakin ni dylan kunwari lang hindi ko napapansin

hindi ko pa kase siya kinikibo ngayon 

lumabas kami ng classrom matapos ng first subject namin at doon kami nag kasalubong ni yara 

hindi ko kase kaklase si yara pati na rin si crush sa first subject namin na p.e same subject kami pero mag kahiwalay kami ng classroom 

agad sumalubong saakin si yara

"Chloe,nakasagot ka na sa exam? pakopya naman"sambit nito na mukhang problemado

"hindi ka pa nakakasagot?"takang tanong ko habang binibigay sa kanya cellphone ko umiling ito

"dito muna tayo wala pa naman si ma'am ehh"sambit ni yara habang nag lalakad kami kaya pumayag din ako

"akin na nga ako na mag hahawak, bilisan mo mag sagot"sambit ko kay yara at kinuha agad cellphone ko at tinapat sa kanya para makapag sagot siya ng mabilis

nakatayo lang kami ni yara pero saka ko lang napansin na yung kaklase naming nakatayo sa harapan lang namin ay yung crush ko pala kung hindi lang ito humarap ay hindi ko pa malalaman!

shocks!

naramdaman ko nanaman ang biglang pag kabog ng dibdib ko

napansin kong napatingin sakin si kyle pero kunwari ay hindi ko siya napapansin

"dito nga tayo"sambit ni yara saka gumilid sumunod lang din ako sa kanya kahit ang totoo ay pinapakiramdaman ko si kyle

ayokong mag assume pero imagination ko lang ba yon? or talagang sumusulyap sakin ng tingin si crush?

yiee enebe crush! lumapit ka kaya hindi yung pasulyap sulyap ka lang diyan!

"hindi pa tapos si yara?"

nasira yung pag papantasya ko ng bigla akong akbayan ni dylan syempre nagulat ako dun dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya yon

agad kong tinabi gkamay ni dylan saka kinunutan ito ng noo

"ano ba dylan? papansin!"inis na sambit ko pero naalala ko nga palang malapit lang si kyle saamin kaya hindi ko tuloy maiwasang tingnan ito para malaman kung nakita ba niya yung ginawa ko but sad to say ay nag lakad na ito paalis

ewan ko ba kung nakita niya yung ginawa ko kase feeling ko ay disappointed ito bigla

huhuhuhu wag naman sanang ma turn off sakin si crush! si dylan kase ehh masyadong papansin! panira!

Uwian na at nag usap usap muna kaming tumambay sa may food court para kumain medyo maaga pa naman kaya tatambay muna kami

Hindi ko na nakita si kyle pag labas namin ng school kaya naisip ko tuloy na baka nasa loob pa siya or nauna na talaga siyang umuwi

Things Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon