Chapter 8

713 12 0
                                    

Zane Alistair Pov

Naglalakad na ako papunta sa company matapos kong ipark ang sasakyan ko sa may parking lot nitong company. Nang nasa may entrance na ako ay binati ako ni manong guard. Isa rin siguro kaya maraming gusto magtrabaho dito ay dahil mababait and staffs at employee. Well, except nalang sa boss nilang pinaglihi ata sa sama ng loob.

“Good morning Ma’am.” Bati sa akin ni kuya bert. He suggested na kuya bert nalang daw tawag ko sa kanya dahil gusto niyang tinatawag siya na ganun. He’s always calling me Ma’am na minsan kinamumula ko. I told him na sir nalang kasi lalaki naman ako, but he insisted na ma’am nalang kasi mukha naman akong babae.

“Good morning kuya bert.” Bati ko rito bago ngumiti.

“Ang ganda niyo talaga ma’am, swerte ng lalaking mamahalin niyo. Bukod sa maganda kayo, ang bait bait niyo pa.” Pambobola nito sa akin. Natawa naman ako doon

“Aysus, ikaw talaga kuya bert palagi mo nalang akong binobola, baka mamaya niyan maniwala ako.” Biro ko dito.

“Totoo naman po ma’am.” Ngumiti nalang ako dito bago nagpaalam.

Nang makarating sa office ay pumasok na rin agad ako. Wala pa si blaze nang makarating ako. Baka hindi papasok, usually kasi maaga itong nakakarating sa company feeling ko nga hindi na umuuwi e. Nadadatnan ko minsan na yun parin ang suot niya kinabukasan pag papasok ako.

May chineck lang akong design pagkatapos ay lumabas na rin. Bigla namang tumunog ang phone ko nang papunta na ako sa may coffee machine. Sinagot ko rin ito nang hindi tinitignan kong sino ang caller.

“Hello?”

“Hi zane!” Nagulat naman ako ng makilala ko ang boses na yun. It’s been what? 2 years na kaming hindi nagkakausap. I miss him so much

“O my god, o my god! Calli, how are you?” Ang excited kong tanong dito. He’s my bestfriend back then when I was in state. Hindi na kami nakakapag-usap simula nong lumapit kami dito sa pilipinas.

“Ito maganda pa rin hahaha. I’m fully healed na zane. I’m so happy, I can’t wait to see you na. I miss you so much bakla.” Narinig ko naman itong sumisinghot. Naiiyak na rin tuloy ako. Kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa hallway ay wala akong paki namiss ko nang sobra ang bestfriend ko. Siya ang tumulong sa akin nong panahong lugmok na lugmok ako dahil sa gagong blaze na yun. He’s a cancer survivor, sa awa nang diyos gumaling siya.

“I’m happy for you cal. I miss you rin.”

“I’m going there bakla, namiss ko rin kasi lugar kung saan ako isinilang tsaka I miss my mga inaanak. Kumusta na pala sila?” Napangiti naman ako sa tanong niya. I’m sure miss na rin ng tatlo ang tito calli nila.

“They’re fine calli, miss ka na nila. Lalo na si renz, jusq ikaw parati bukambibig. Feeling ko nga mas mahal ka niya kaysa sa akin na nagluwal sa kanya, nakakatampo.” Kunwaring nagtatampo ko ritong sabi.

“Ikaw ang drama mo talaga, oh siya babush na muna bakla, mag iimpake pa ako. Can’t wait na makita kayo bye. Love you.” Paalam nito sa akin bago binaba ang tawag.

Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Mr. Conrad sa tabi ko. Gwapong gwapo ito sa suot na three-piece suit.

“Hi.” Bati nito sa akin sa malalim na boses

“H-Hello Mr. Conrad.” Medyo utal kong sagot dito. Nakaka intimadiate naman ang aura nito.

“Can I get your number? It’s only for work, nothing else.”

“O-Okay.” Kinuha ko naman ang phone ko sa loob ng bulsa ko at akmang ibibigay na nang bigla nalang may kumuha nito. Tiningnan ko naman kung sino ‘to at laking gulat ko nalang ng bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni blaze.

“And who give you permission to flirt with my wife inside my company?” Ang galit nitong sabi. Ano bang pinagsasabi nitong baliw na ‘to.

“Ano bang sinasabi mo Mr. Montelvan, who’s flirting with who? God, tumigil ka nga. He’s just asking for my number, nothing else.”

“Nothing? F*ck! Gusto niyang kunin number mo.” Ang galit nitong sigaw

“It’s part of work Montelvan.”

“Part of work my a*s.”

“It’s true. Kailangan din kasi namin pag usapan ang ideya namin para sa itatayong building.” Sabat ko rito, nakakainis na ang lalaking ‘to.

Hindi naman ito umimik at bigla nalang kaming tinalikuran.

His Possessive WayWhere stories live. Discover now