Chapter 19.2

509 10 0
                                    

Continuation...

Pagkatapos ng nangyari sa office ni blaze ay hindi na ako nito tinantanan. Jusko, ang clingy ng lalaking ‘to. Pinaalis na rin niya ang secretary niya. Lalaki ang bagong sekretarya nito,pero parang hindi. He’s like a boy. Just like me, balingkinitan din ang katawan nito, medyo may katangkaran. He is Aiden Cortez, naging kaibigan ko agad ‘to dahil napakagaan ng loob ko rito. Ang hinhin niya, I heard na siya nalang mag isa ang bumubuhay sa sarili nya. His parents died in a car accident. Lumaki ito sa bahay ampunan

Sa awa ng diyos na itaguyod niya ang sarili, 2nd year college lang ang natapos nito sa kursong bachelor of science in business administration.

“Let’s go.” Aya ni blaze sa akin.

“Okay, tara.” Inabot naman niya ang kamay na tinanggap ko rin.

Pag dating sa bahay ay naabutan namin ang tatlo sa sala na nanonood ng favorite nilang slum dunk. Ang galing daw kasi noong bida na pula ang buhok.

“Dada, daddy!” Agad na tumakbo si renz blair sa gawi namin. Kinarga naman ‘to ni blaze sa kabilang bisig niya. Ang kulit talaga ng isang ‘to

“Hi ma, hi dad.” Bati ni riley

“Hi da, Hi dad.” Ganun din si rex saka kami hinalikan sa pisngi at labi.

“Kumain na ba kayo?” Tanong ko sa mga ito. Sabay sabay naman silang umuling kaya inaya ko na sila sa may kusina. Pinaghanda ko sila ng makakain nila saka na rin ako umupo para kumain. Nagkukulitan ang triplets kaya ang ingay ng hapag.

“Tama na yan.” Saway ko sa kanila.

“May sasabihin si dada sa inyo.”

Agad naman silang tumigil at tumitig sa akin. Ngumiti naman ako at tumingin sa daddy nila. Hinawakan naman ni blaze ang kamay ko kaya napatingin sila doon.

“YIEEE! Si daddy at dada M.U na, da gusto ko po ng baby sister!” Ang magiliw na sabi ni renz blair. Jusko, ang batang ‘to talaga oo.

“Ikaw talaga ang kulit kulit mo.”

“Me and your dada. We’re getting married again.” Ang kuhang atensyon ni blaze sa mga ito

Bigla naman nagtatalon si renz at rex na ikinatawa ko. Si riley naman ay binati lang kami sabay ngiti, ang seryoso talaga ng batang ‘to akala mo matanda kung magsalita.

“YEHEY! IKAKASAL NA ANG DADDY AT DADA KO!” Ang sigaw ni renz

“Dada, daddy! Flower boy po ako ha.”

“Yes love, ikaw ang flower boy namin.” Ang sabi ni blaze saka ito binuhat at hinalikan sa buong mukha na ikinatawa ng huli.

“I love you daddy ko.” He said. Tumingin naman ito sa akin and gave me his toothy smile. “I love you rin sa pretty at cute kong dada.” Lumapit ako rito at hinalikan din ang buong mukha niya. Ganun din ang ginawa ko sa dalawa.

Ang saya ko na makita silang apat na magkakasama at nagkukulitan. Wala na akong mahiiling pa kundi ang kaligayahan nila.

His Possessive WayWhere stories live. Discover now