Continuation....
“I’m sorry for his behavior Mr. Conrad.” Hinging paumanhin ko rito.
“It’s okay, and stop being too formal. You can call me vlad.”
“V-Vlad, sige na mauuna na ako. I have to check pa kasi sa design na pinasa sa akin e.” Paalam ko rito at tinalikuran na rin siya
Habang naglalakad ako papunta sa office ko ay hindi ako mapakali. Para bang may mangyayaring masama or napa-paranoid lang ako.
Bigla namang may humila sa akin papasok at hinalikan ako. Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakapag react, kitang kita ko ang mukha ni blaze habang nakapikit pa. Hindi parin ako tumutugon sa halik niya at nanatili lang na nakatikom ang bibig ko kaya bigla niyang kinagat ang pang ibabang labi ko at ipinasok ang kanyang dila.
“F*ck! You taste so sweet.” Sabi nito habang magkadikit parin ang mga labi namin. Dahil nadadala narin ako ay tumugon na ako sa halik niya.
Our kiss deepened, and I couldn’t help but grip his shirt tighter. I was enjoying it when he pulled away, making me look at him in daze.
“Great, just f*cking great. Now I am not just mad, I am also h*rny.”
Namula naman ako dahil sa sinabi niya.
“M-May gagawin pa ako. S-sige.” Nagmadali na akong pumunta sa upuan ko at baka kung ano pa ang mangyari.
“We will talk later.”
Umalis na rin siya kaya tinuon ko nalang ang pansin ko sa mga design na hinatid ni kath kanina. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag usapan pero kinakabahan ako.
Nang matapos kong i-check ang design ay lumabas na ako para kumain lunch time na rin kasi. Naabutan ko naman siyang naghihintay sa labas ng pinto nitong office ko. Nang makita niya ako ay agad na niya ako hinila, nagpatangay nalang ako alam ko naman hindi ‘to papayag na hindi ako sumama.
“Ano ba ang gusto mong pag usapan?” Tanong ko agad dito nang makarating kami sa pinagdalhan niyang mamahaling restaurant. Malapit lang din ito sa Montelvan Empire.
“Before that, kumain muna tayo. I know you’re hungry.”
Sakto namang dumating ang waiter at sinabi na namin ang gusto naming kainin. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago naserve ang inorder namin, natakam naman agad ako sa itsura pa lang ng mga pagkain.
“I want to talk about us.” He said na ikinalingon ko dito bigla. Nagulat ako sa tanong niya, I’m not expecting that question.
“Why?” Tanong niya.
“W-Wala, nabigla lang ako.” Halos pabulong na sagot ko. Hindi naman siya nagsalita at tumitig lang sa kawalan. Ilang minutong walang nagsalita sa pagitan naming dalawa hanggang sa hindi na siya nakatiis at binasag na ang katahimikan.
“I was miserable the moment you left.” He said in a low voice. Nakagat ko naman ang pang ibabang labi ko.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, how I will continue my life without you. Napabayaan ko ang sarili ko, hindi ako kumakain at tanging alak lang ang laman ng tiyan ko. I was even hospitalized, nang makalabas ako sa hospital ay alak pa rin ang kasama ko. Every night nagdadasal ako na sana bumalik ka na babalikan mo ako. Hinintay kitang bumalik sa akin at pakikinggan ako. Noong gabing nakita mo ako kasama si claire ay misunderstand lang. I asked her kung may nangyari ba sa amin dahil kung magsisinungaling siya ay baka ako pa ang pum*tay sa kanya. She told me na wala, na setup lang yun para iwan mo ako, she’s in love with me but I love you so much na hindi ko kayang magt*ksil sa’yo.” Hindi ko napigilan ang mapaiyak.
“Noong gabi ring ‘yon, iniwan mo ako. I woke up that I needed to live without you. I needed to continue my life without you. Kailangan ko maging malakas kahit ikaw naman talaga ang lakas ko. I focused myself in the company. Nagsumikap ako, gusto kong ipakita sa’yo na kaya kong mabuhay ng wala ka.” I saw tears fell down in his cheeks.
“But when I saw you, nawala lahat ng pinaghirapan ko. I failed, I didn’t make it. I still love you.” Seryoso niyang sabi sa akin, hindi ako nakasagot at nakagalaw sa sinabi niya, ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahil sa mga narinig.
Ganoon na ba ako kasama na hindi man lang inisip ang mararamdaman niya pag iniwan ko siya?
YOU ARE READING
His Possessive Way
Fanfiction"So, we meet again? How are you?" He said coldly to me while wearing a smirk. I try to hold my emotion. Ayokong maging mahina sa harap niya. "A-Anong sinasabi m-mo?" I asked nervously. I look at him, bagay na bagay sa kanya ang three-piece suit niya...