Zane Alistair
“Hoy bakla ka, congrats, ikakasal ka na ulit. I’m so happy and proud of you. Despite the challenge in life you have been through akalain mo kayo pa rin pala sa huli.” Ang naiiyak na sabi ni calli habang nakayakap sa akin
Naluluhang niyakap ko ito pabalik, sobrang saya ko. Sinabi ko sa kanya na ikakasal kami ulit ni Blaze in two months, hindi na rin daw kasi siya makapaghintay na makasal kami ulit. Ang gusto pa nga nito ay sa isang linggo na. Jusko
“Happy din ako sayo no, okay na pala kayo ni vlad, hahahaha. Mahal na mahal ka non, jusko, kulang na lang lumuhod sa harap ko mahingi lang location and number.” Ang natatawa kong sabi dito, namula naman ang mukha nito.
Nalaman na rin ni kuya lahat, muntikan pa nga niyang masuntok si Blaze kung hindi ko lang naawat. Ipinaliwanag naming dalawa ni blaze kung ano ba talaga ang nangyari at buti na lang naniwala at pumayag din siya kalaunan.
“Mukhang masinsinan ang usapan niyo ah.” Tanong ni kuya vince na bigla bigla na lang sumusulpot kung saan saan
“Ginulat mo naman kami kuya.” Sabay na sabi namin ni calli
“Ow, I'm sorry. Hinahanap kayo ng mga partner niyo e.” Pagkasabi niya ay nakita na lang namin si blaze at vlad sa likod niya na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Agad na lumapit si blaze sa akin at walang pasabing hinagkan ako sa mga labi.
“Hi hon, how are you?” He said
“Hello, what are you doing here? Hinahanap mo raw ako? Bakit, hinahanap ba ako ng mga bata?” Ang tanong ko rito. Umiling naman ito at ngumiti
“Don’t worry, they’re all fine. Tsaka namiss lang kita kaya hinahanap kita.”
“Ikaw talaga.” Ang saway ko rito dahil namumula na ang mukha ko.
“Tama na yan, nilalanggam ako sa inyo. Tara sa loob naghihintay ang mga bata, malamang gutom na ang mga yun.” Aya ni kuya sa amin kaya pumasok na rin kami sa loob ng buhay. Naabutan namin ang tatlo na nagkukulitan sa sala. Jusko, ang dudungis ng mukha.
“Jusko, ang dudungis niyo na. Umakyat na kayo sa taas at mag bihis, kakain na rin tayo.” Agad naman silang sumunod at umakyat sa taas para mag bihis.
Naging maingay ang hapag habang kumakain kami, sa blaze, vlad at kuya ay nag uusap tungkol sa business nila, samantalang kami ni calli ay nakikinig lang. Habang ang mga bata ay umakyat na sa taas, tapos na rin kasi sila at pinatulog ko na. Wala rito ang kasintahan ni kuya dahil nasa probinsya ‘to, buti nga napapayag niya si kuya na huwag ng sumama sa kanya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga anak ko. Kasama nila si kuya na nakikipag tawanan. Narinig ko itong nag uusap kaya hindi muna ako bumaba at pinakinggan ang mga pinag uusapan nila.
“Saan nanggaling ang mga manggang ‘to?” Ang narinig kong tanong ni kuya sa mga bata, nakita kong may hawak na mangga si kuya ang lalaki nito.
“Binigay po sa amin ng kapitbahay kasi ang cu-cute at gwapo raw namin.” Ang bungisngis ni renz sa kuya ko.
“What else?”
“Ang totoo po niyan, umakyat po si kuya Riley sa puno at pinitas ito, kaya nong nakuha na namin ay hiningi na namin sa may ari, pumayag naman sila.” Ang paliwanag ni Rex dito. Jusko, saan nila natutunan iyan.
“Wag mo po kaming isumbong kay dada, paborito naming tito.” Now he’s sweet talking.
Lumabas na ako ng tuluyan at nakita ko naman ang kaba sa kanilang mga mukha. Namamawis pa ang noo ni rex na agad niyang pinunasan. Ngumiti naman si Renz pagkakita sa akin.
“Psst, hoy…Narinig ko yun. Bakit niyo yun ginawa ha?”
“Dada, nagpaalam naman kami, tsaka si renz po ang may gusto non.” Ang sumbong ni Rex sa akin, pinanlakihan naman siya ng mata ni renz na ikinayuko nito
“Wag niyo na uulitin yun, kayo talagang mga bata kayo.”
“Yes ma, we’re sorry po.” Ang sabi ni Riley
“Hindi na po mauulit da.” Si Rex naman ngayon
“Sorry po, dada ko na pretty at cute.” Natawa naman ako sa inasal ni Renz ang batang ‘to talaga, napakakulit, hindi naman ako ganito noong kabataan ko.
“Stop disturbing me Mr. Mercedes! Marami akong trabaho na kailangan tapusin.” Aiden’s voice is so loud.
“What are those two doing here?” Tanong ko kay kuya ng marinig ko ang sigaw ni aiden
“Ewan ko, pinapunta kasi ng fiance mo ang secretary niya dito, tas ayan silang dalawa ang dumating na kanina pa nagbabangay.” Ang sabi nito.
“Why are you so heartless?” Ang narinig ko pang tanong ni Natan dito.
Mukhang may something sa dalawang ‘to, napangiti naman ako dahil sa naiisip. They look good together.
“Someone is happy, ako ba ang dahilan niyan?” Si blaze habang nakayakap sa likod ko. Pinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
“Hmm, masaya lang ako. Masaya ako na magkakasama tayo, masaya ako sa kaibigan ko dahil nahanap na rin niya ang para sa kanya. I’m happy na nakilala kita, I love you mahal. I’m so happy, look at them.” Sabi ko sabay turo sa mga anak namin
“Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang mga anak ko simula ng ipakilala kita sa kanila. I’m sorry kasi tinago ko sila ng matagal na panahon sayo. Sana mapatawad mo ako mahal.” Ang naluluha kong sabi rito at hinarap siya.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at hinagkan ang mga labi ko. Napapikit naman ako sa ginawa niya.
“It’s not your fault hon, okay? Wala kang kasalanan. Masaya rin ako na buo na tayo na buo na ang pamilyang dati ko lang pinangarap. I love you so much, hon.” He said and kissed me again.
YOU ARE READING
His Possessive Way
Fanfiction"So, we meet again? How are you?" He said coldly to me while wearing a smirk. I try to hold my emotion. Ayokong maging mahina sa harap niya. "A-Anong sinasabi m-mo?" I asked nervously. I look at him, bagay na bagay sa kanya ang three-piece suit niya...