Zane Alistair Pov
Dahil sunday ngayon ay ipapasyal ko ang mga anak ko sa mall. Nagtungo na agad ako sa kwarto nila dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin sila. Hindi na ako kumatok at pinasok na ang room nila.
“Rise and shine mga baby ko. Maligo na kayo dahil ipapasyal ko kayo.” Bungad ko sa mga ‘to, napabangon naman agad si renz kahit nakapikit pa rin ito. Ang batang ‘to talaga.
“Kuya, kuya! Gising, ipapasyal tayo ni dada.” Gising nito sa mga kuya niyang nakahiga parin. Agad din naman nagsibangon ang mga kuya niya. Pinaligo ko na ang mga ‘to
Pagkatapos nilang mag breakfast ay agad din kaming umalis. Agad nila akong hinila papunta sa may arcade. Nakangiting pinagmamasdan ko sila habang naglalaro. Maya maya pa ay nagutom narin ang tatlo kaya inaya ko na silang kumain sa fast food chain na gustong gusto nila. Nang makarating sa Jollibee ay humanap muna ako ng pwesto namin tsaka ako pumila.
Matapos makuha ang order namin ay masaya naman silang kumain. Pinunasan ko pa ang labi ni renz dahil sa marami ng sauce na nasa gilid ng labi nito. Ang kalat kumain.
“Dahan dahan lang nak, tingnan mo ang daming sauce sa gilid ng labi mo.” Suway ko rito, he gave me his toothy smile. Pag dating talaga sa bubwit na ‘to hindi ko matiis. Napakakulit
“Sorry da.”
“Oh, siya pagkatapos niyo diyan. Samahan niyo akong bumili ng grocery, naubusan na kasi tayo ng stock sa bahay.” I said. Kinailangan ko pang palitan ng damit si renz dahil nagkalat ang spaghetti sauce sa kanyang damit.
Bumalik kami sa may grocery station at namili nang kakailanganin sa bahay. Nasa may likod ko lang ang tatlo, pero nang lingonin ko sila ay bigla akong kinabahan. Wala si renz sa tabi ng mga kapatid niya.
“Nak? Asan ang kapatid niyo? Bakit hindi niyo kasama.” Tarantang tanong ko sa kanila.
“Da, nandito lang siya sa tabi—” Naputol ang sasabihin nito nang hindi niya makita sa tabi niya ang kapatid.
“Ma, nandito lang siya kanina.” Sabat naman ni riley.
Bumalik kami kanina kung saan kami nanggaling at hinanap si renz sa loob ng grocery station. Jusko, hindi na ako mapakali. Luminga linga pa ako nang may mahagilap ko na si renz na may kasamang lalaki. Wala na akong inaksayang oras at agad na siyang pinuntahan.
“Anak, Renz Blair. Jusko, pinag-alala mo si dada baby.” I said while hugging him tightly. Hinalikan ko pa ang tuktok ng ulo nito. Umiiyak naman itong yumakap sa akin.
“I’m sorry dada. May nakita po kasi akong pretty guy da. Just like you po he looks like a girl po dada.”“Huwag mo na ulitin yun ha, pinag-alala mo ako e.” Ang sabi ko dito.
“Okay po da, tsaka po ni-help naman po ako ni mamang pogi po da. He’s kind, pag nakilala ko po ang other daddy ko, gusto ko kagaya niya.”
“Wag kang mag tiwala basta-basta nak okay, kahit tinulungan ka pa niya. Malay mo bad guy pala yun.” Ang bilin ko rito.
“Hindi po siya bad guy da, he even gave me candy po kasi nag cry ako. Sabi niya ibibili niya ako ng candy pag hindi na ako nag cry.” Ang cute nitong paliwanag.
“Okay, saan na ba si Mr. Ibibili ka ng candy pag hindi ka na nag cry.” Tanong ko rito. Tumingin tingin muna ito sa paligid bago tumigil sa lalaking naka-cap, he’s wearing a white t-shirt and navy blue maong na pantalon. Bagay na bagay ang suot niya na pinarisan ng puting sapatos, kahit simple lang ang lakas pa rin ng dating.
Agad namang tumakbo si renz doon sa lalaki at kinalabit ito, nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero sana pala hindi nalang siya lumingon. Dahil pagharap nito ay agad nanlaki ang mata ko, nagulat din ito ng makita ako pero nakabawi rin agad.
“Hi Mr. Ibibili ako ng candy pag hindi na ako nag cry.” Lihim naman akong napatawa dahil sa tinawag ni renz sa kanya. Kahit kinakabahan ay tinatagan ko ang loob ko.
Natawa pa ito nang marinig ang itinawag sa kanya ni renz bago humarap ulit sa akin.
“Siya po si Mr. Ibibili ako ng candy pag hindi na ako nag cry, dada.”
Kahit kinakabahan ay ngumiti pa rin ako sa kanya. Jusko hindi ko alam ang sasabihin ko, I’m not prepared. Kahit kailan ay hindi ko naisip na sa ganitong paraan pa sila magkikita.
“Hi mga kuya ko.”
Tiningnan ko naman si Blaze at base sa itsura nito ngayon ay may ideya na siya sa mga nangyayari. Hindi rin kasi nagkakalayo ang mukha nila apat, lalong lalo na si Riley Blaze. Parang carbon copy niya lang ang itsura ng ama.
“Hi, thanks for bringing back our brother.” Hinging paumanhin ni riley sa ama. Kung makipag usap ‘to ay parang matanda.
“H-Hi, what’s your name kiddo?” Tanong nito. Napakagat naman ako sa labi ng makitang may nangingilid na luha sa mata nito. Pinipigilan niyang huwag maiyak sa harap ng mga anak ko.
“I’m Riley Blaze and this is my twin Rex Blake, and Renz Blair is our other twin.”
“I’m Blaze. Blaze Montelvan, nice to meet you.” Pakilala nito sa sarili.
“Wow! Kuya, blaze rin siya like you. And dada, he’s also a Montelvan. Diba po Montelvan din ang surname namin?” Ang manghang tanong ni renz sa akin. Pero wala akong maisagot hindi ako nakaimik, hindi ko kayang magsalita. Kinakabahan ako at ramdam ko na ang panghihina ng tuhod ko.
“M-Mauna na k-kami.” Paalam ko rito nang makabawi ako sa gulat. Pinauna ko na rin ang mga bata sa sasakyan. Akmang aalis na ako ng bigla akong higitin ni blaze sa braso. Nakatingin na ito ng masama sa akin, ang dilim ng mukha nito. Hinila ako nito palabas sa mall at dinala sa walang katao taong lugar.
“Why? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Damn it zane.” Sigaw nito sa akin. Nakayuko lang ako rito dahil hindi ko siya kayang harapin.
“Tell me, f*cking tell me zane. Ganun naba ako kasama sayo para ipagkait mo sa akin ang mga bata? Isang buwan kana sa kompanya and with that one f*cking month, hindi mo binalak sabihin sa akin? Bakit?!”
“K-Kasi.”
“Kasi ano?” Ang naiirita nitong tanong.
“Natakot ako. Natakot ako sa posibleng mangyari blaze, ang daming pumapasok sa utak ko. Paano kung hindi mo sila tanggap, paano kung kunin mo sila sa akin. Hindi ko kakayanin blaze, sila nalang ang meron ako. Balak ko namang sabihin sayo e, pero pinangungunahan ako ng takot ko. Kunin na ang lahat sa akin, kahit maubos ako. Wag lang ang mga anak ko.” Nag uunahan ang luha ko, hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Kahit natatakot ay sinubukan ko parin tignan siya sa mga mata. Bigla naman itong nataranta ng makita akong umiiyak.
Agad niya akong ikinulong sa mga bisig niya at niyakap ng mahigpit.
“F*ck. I’m sorry, please stop crying.” Pagpapatahan nito sa akin.
“I won’t do that promise. T*ngina, ngayon pa na alam kong may anak pala tayo. Shh, stop crying hon.”
“Stop crying hon, it’s making me h*rny.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Jusko, kahit kailan talaga puro kabastusan ang nasa bibig.
Napahampas pa ako sa dibdib nito dahil sa gulat, pero ako lang din ang nasaktan. Bakal ata katawan nito at hindi man lang nasaktan.
“I’m sorry.”
YOU ARE READING
His Possessive Way
Fanfictie"So, we meet again? How are you?" He said coldly to me while wearing a smirk. I try to hold my emotion. Ayokong maging mahina sa harap niya. "A-Anong sinasabi m-mo?" I asked nervously. I look at him, bagay na bagay sa kanya ang three-piece suit niya...