Zane Alistair Pov
Naglalakad ako ngayon sa isang mall. May mga kailangan akong bilhin na mga gamit at kailangan ko na ring mag-grocery dahil paubos na ang stocks sa bahay. Matakaw pa naman ang mga bubwit na yun. I smiled when I suddenly remembered my kids. Bumili lang ako ng kailangan ko sa bahay at damit na rin ng mga anak ko.
Hindi na ako kumain sa mall para makatipid. Ayoko kasing gumastos nang gumastos, may pinag-iipunan akong napakaimportanteng bagay. Umuwi agad ako.
“Hello dada/mama.” Salubong sa akin ng tatlo.
“Bakit andito pa kayo sa labas?” I asked them. Naabutan ko kasi silang tatlo sa harap ng garden dito sa bahay.
“We’re waiting for you ma.” Sagot naman ni riley blaze.
“Oh, may binili ako dito. Hali na kayo.” Aya ko sa mga ito at pumasok na rin.
“Dada, may work po ba kayo tomorrow?” Biglang tanong ni renz blair sa akin. Napalingon naman ako dito at hinarap siya. Lumuhod pa ako para magpantay kami.
“Bakit nak? Any problem? Hindi ba maganda pakiramdam mo?” Ang nag-aalalang tanong ko rito. As much as possible ayaw kong nagkakasakit ito, just like his dad. Gusto niya parati akong nasa tabi niya.
“You promise da na may date tayo nila kuya tomorrow.” Ang nakasimangot na pahayag nito.
“Yun naman pala e, don’t worry baby maaga naman akong uuwi. May titingnan lang ako sa site and we’re ready to go na. Okay ba yun?” Ang kumbinsi ko sa mga ito. Konti nalang din naman ang trabaho ko bukas, so maaga akong makakauwi sa kanila.
“Can we go to your work da?” Bigla namang tanong ni rex blake.
Natigilan naman ako doon. Gustuhin ko mang sumama sila pero hindi pa ako ready na makita sila ng daddy nila. Alam ko rin kasing pupunta sa site bukas si blaze kaya natatakot ako na makita niya ang mga anak ko.
“Hindi pwede nak. Tsaka, nandito naman bukas si kuya para samahan muna kayo. Hindi niyo ba namiss kabonding si uncle vince niyo?” Papapuntahin ko muna si kuya para may kasama bukas ang mga anak ko, namiss din kasi ni kuya ang mga bata kaya dadalaw siya bukas. Sasamantalahin ko nalang ang pagkakataong ‘yon para iwan muna kay kuya ang mga anak ko.
“Okay dada, basta don’t forget our date tomorrow ha.” Ang nakangiti nitong sabi sa akin. Hinalikan ko naman ito sa pisngi at labi bago bumaling sa dalawa para halikan din.“Sige na. Go to your room, magpahinga na kayo.”
“Good night da, i love you.” Renz Blair said.
“Good night ma, we love you.” Ang sabi ni rex at riley. Sabay sabay na rin itong pumasok sa kwarto nila.
Maaga akong pumasok para matapos ko agad ang trabaho nang makauwi agad ako sa mga anak ko. Binati ako ng guard pagkarating ko palang sa company.
Natapos ko rin agad ang trabaho ko at agad na rin akong nagpunta sa main entrance ng Montelvan Empire para mag-log out na.
Bigla naman tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Agad ko rin ‘to sinagot
“Hi dada, we miss you po. Pauwi ka na ba? Nakaligo na po kami, we’re waiting for you po dada.” Kahit nasa telepono ay alam kong malaki ang ngiti nito habang nagsasalita.
“Hi baby. Yep, pauwi na ako, Are you excited for our date ha?” Tanong ko sa magiliw na boses.
“Let's go.” Biglang sulpot ni blaze sa likod ko. Malamig at nakakakilabot ang boses nito. Hinala naman nito ang kamay ko, pero agad ko ring binawi.
“May pag uusapan tayo.” Mariin nitong sabi.
“Let me go! Ano ba, tapos na ang trabaho ko kaya uuwi na ako. At kung may sasabihin ka pwede naman dito nalang natin pag usapan.”
“Hindi pwede.” At kasabay nito ang paghatak niyang muli sa kamay ko papasok sa Aston Martin vulcan niya.
“B-Blaze please,” I pleaded.
Hindi siya sumagot kaya tumahimik nalang ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ‘to. Alam ko na nagtatampo na ang tatlo dahil wala parin ako sa bahay, hindi ko naman pwedeng sabihin na hinatak ako ng daddy nila at pilit sinasama kung saan dahil magtatanong lang ang mga ito tungkol sa baliw nilang ama.
“Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin?” Ang naiinis kong tanong dito. Kanina pa ito walang imik at seryoso lang na nagmamaneho.
“Sa bahay natin.” Nagulat ako ng sabihin niya ‘yon.“H-Huh!” Napanganga ako sa gulat.
“Blaze ano pa ba ang kailangan mo! We’re over.” Hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Bigla siyang huminto at humarap sa akin.
“We’re not, Zane, we’re not yet over.”
“Blaze naman, don’t act like we are still kids! Matanda na tayong dalawa at pwede ba gawin mo namang seryoso ang bagay na ‘to.”
“I’m serious, and I need you zane. Ikaw ang kailangan ko. Are you happy?”
YOU ARE READING
His Possessive Way
Fiksi Penggemar"So, we meet again? How are you?" He said coldly to me while wearing a smirk. I try to hold my emotion. Ayokong maging mahina sa harap niya. "A-Anong sinasabi m-mo?" I asked nervously. I look at him, bagay na bagay sa kanya ang three-piece suit niya...