Zane Alistair
One and a half month passed in a blink. Only two weeks and three days left for our marriage. Preparations took place in my house. Papa gab took me everyday to the mall and bought me and my kids so many clothes. Sila papa Gab at ang mommy ko ang nag set ng appointments with beautician for my facials, waxing, spa and etc.
But now, we're preparing for my brother's wedding today. Nabihisan na rin ang tatlo at nasa baba na sila nag aantay sa akin. I'm wearing a three-piece maroon suit, inayos ko na rin ang buhok ko bago bumaba, nasa baba na rin si Blaze dahil tapos na rin ito mag bihis.
"Are we going now?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang isang pamilyar na boses. I was shocked ng makita ang itsura ngayon ni Blaze, aminado naman akong gwapo na 'to dati pa but his current look now was breathtaking, he's like a greek god. Noong umulan siguro ng kagwapuhan at kakisigan nasa taas siya nagdodonate.
Ang gwapo gwapo nito sa suot na three-piece black suit na may accessories malapit sa may bulsa nito.
Napatingin naman ako sa mga anak ko na nagtatakbo papunta sa akin. Sobrang cute ng suot suot nila ngayon. Riley and Rex requested na ibrush-up ang buhok nila while Renz is nakapony tail dahil may kahabaan na rin ang buhok nito.
"Ang gwa-gwapo naman ng mga baby ko. Pakiss nga si dada." Natutuwa kong puri sa kanila.
"Ikaw din po dada, cute at pretty." Ang komento ni Renz na ikinangiti ko.
"Lets go." Aya ko sa mga ito bago lumabas na ng bahay. Sumakay na rin agad kami sa sasakyan ni Blaze dahil nagtext na rin si kuya sa akin na malapit ng magsimula. Jusko, kasal ng kuya ko tapos malalate pa kami.
____
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa venue, it's a garden wedding dahil yun ang gusto ni kuya kael.
Umupo na kaming lima malapit sa harapan. Magkakatabi ang tatlo at nasa gilid ko naman si Blaze, nagsimula na rin ang seremonya at nakakatuwa silang panoorin. Masayang masaya ako para sa kuya ko.
Pareho na silang naluluha habang nagbibigay ng mga pangako sa isa't isa.
"I present to you Mr. and Mr. Kael Garcia-Marquez. Congratulations, you may now kiss."
Agad kaming nagpalakpakan nang matapos ang anunsyon ng pari.
Lumapit ako sa kuya ko at agad itong niyakap, naluluha akong tumingin sa kanilang mag asawa.
"Congratulations kuya at sa bagong miyembro ng pamilya." Ang nakangiting bati ko sa kanilang dalawa. Yumakap naman sa akin si kuya kael na sinuklian ko naman.
"Thank you."
"Sige kuya, puntahan ko lang ang mag-aama ko, congrats ulit." Paalam ko sa kanila bago bumalik sa mag aama ko.
"Halina kayo, nagugutom na ba ang mga babies ko?" Tanong ko sa mga ito. Tumango naman sila ng sabay sabay na ikinatawa ko.
____
YOU ARE READING
His Possessive Way
Fanfiction"So, we meet again? How are you?" He said coldly to me while wearing a smirk. I try to hold my emotion. Ayokong maging mahina sa harap niya. "A-Anong sinasabi m-mo?" I asked nervously. I look at him, bagay na bagay sa kanya ang three-piece suit niya...