#MPIMH 04

238 10 0
                                    

“Sweet dreams, Wife. Ang tagal kong naghintay para makasama na kita ng tuluyan. Let me take care of you until our last breath... I love you.” napabalikwas ako ng bangon.

Umaga na din, tumingin ako sa wall clock.  Dali-dali akong bumangon dahil late na ako. Bakit hindi man lang ako ginising hayssttt. Ang gurang na 'yon, late tuloy ako. Manenermon na naman si Ma'am tsk. Agad akong nag tungo sa bathroom at saka naligo, pagkatapos  mag ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko roon si Nay Risa na nag hahanda ng umagahan.

"Nay Risa anong oras po umalis si Nicholas?" tanong ko rito.

"Mga 6:45 hija, hindi ka ba niya ginising?"

"Hindi po..." malungkot na saad ko rito.

"Bueno, sumubo ka ng kahit limang subo lang at pumasok kana mag 7:30 na" Aya niya sakin. Late na talaga ako niyan.

"Anong oras na po ba?" tanong ko sa kaniya. Kumuha na Lang ako ng tinapay saka nilagyan ng palaman at saka uminom ng Kape.

"7:15 hija, dahan dahan sa pag nguya baka mabulunan ka. Bueno tatawag ako ng tricycle para ipahatid ka sa Unibersidad" saad niya habang nag pupunas ng basang kamay sa bimpo na nakasabit sa gilid ng refrigerator.

"Opo, salamat po. Sensiya na po at naabala po kita."

"Okay lang hija, pagbutihin mo ang pag aaral mo. Tatawagan ko si Nicholas para sunduin ka mamayang hapon"

"Wag na po Nay, kaya ko naman pong umuwi mag isa"

"Wala kang magagawa. Asawa kaniya at prayoridad niyang ihatid sundo ang asawa niya, Mauna na ako sa labas" saka nag lakad papalabas ng pinto. Sa papel lang naman kami kasal, bakit kailangan pa akong ihatid sundo, I can take care of myself. I'm a grown woman.

Tinapos ko na ang kinakain ko at lumabas na ako saka sumakay ng tricycle na tinawagan ni Nay Risa. Nag paalam na rin ako sa kaniya bago tuluyang makaalis.

NAKARATING ako sa unibersidad at tumingin muna ako sa relo ko, mag 7:27 palang at mukhang mag sasarado na ang gate kaya Dali Dali na akong pumasok saka nag tungo sa classroom.

"Good morning ma'am" bati ko rito pag kapasok ko sa loob ng classroom.

"You're late Ms. Afarro" eto na nga bang sinasabi ko ehh.

"This is the first time you're late in my time" saad niya habang nakatingin sa relo niya. Anong late late saktong 7:30 kaya ako nakapasok late na ba yun.

"Ehh, ma'am sakto lang naman po dating ko" sagot ko rito habang nag kakamot ng batok.

"You're 47 seconds late" takte segundo na lang late pa, ang strikto naman nitong gurang na 'to.

"Sorry ma'am, hindi ko po kasi na set yung alarm clock ko kagabi kaya po ako nalate" dahilan ko rito, totoo naman di ko na set o baka pinatay ni ng gurang na 'yon ang alarm? Buset!

"Okay, you may seat" saad niya. Tumango naman ako at pumunta na Lang sa upuan ko, tiningnan ko si Liam at mukhang pinipigilan niya ang kaniyang tawa. What's funny? Nakakatawa bang masermunan? Di ba Hindi, aba Loko tong baklang toh ahh.

"Hoy gising" piningot ko yung tenga ng katabi ko. Tsk oras ng klase tulog, kainis.

"Ahhh, what's wrong with you?" tanong niya habang hinihimas himas ang tenga sa sakit ng pagkakapingot ko. Anong what's wrong with me, tanga ikaw yung mali rito.

"Anong wrong wrong ka diyan baka gusto mong madugulan diyan" bulyaw ko rito yung hindi maririnig ni ma'am.

"Bakit mo ko piningot? Di ka naman inaano ng tenga ko" giit niya. Nakanguso siya, hinihimas pa rin ang tenga niya na namumula.

My Professor, Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon