#MPIMH 06

217 8 2
                                    


"Patahimikin kita ng halik ko, gusto mo?” Namula ako sa sinabi nito, habang ang iba ay natahimik sa pagkasabi ni Ethan.

Umupo na siya at ako hanggang ngayon ay naka tayo pa rin at inaalala ang mga sinabi niya.

“Yun ohhh, halikan mo na Ethan. Wag puro salita” Sabat ng isa kong kaklase lumingon ako rito at tiningnan siya ng masama. Umatras ito na kala ba'y kakainin ko siya ng buhay.

“J-joke lang Sam hahaha....” nauutal na saad niya. Di ko na ito pinansin at naupo na lamang at nag talukbong ng bag sa ulo. Kakahiya puta. Mamaya ka saking bakla ka.

Nag si ayos na sila ng dumating na ang professor namin. Hinintay ko na lang matapos ang klase ng makauwi na ako.

***

LUMABAS na ako ng classroom nang matapos ang buong klase namin. Nag paalam na rin ang mga kaibigan ko ganon din ako sa kanila. Hinanap ko ang phone number ni Nay Risa saka tinawagan. Wala na kasing masyadong sasakyan na nakaparada rito sa paradahan, napahaba kasi ang last subject namin.

*Dialing....*
*In call*

“Hello?” bungad sa akin ni Nay Risa.

“Hello, Nay Risa, Si Samantha po ito”

“Oh, napatawag ka hija?”

“Nay Risa, nakauwi na po ba si Nicholas?”

“Hindi pa hija, nasa'n ka na ba? Mag-gagabi na” tanong niya.

“Wala na po kasing namamasada, tsaka nag overtime po kami kaya ako ginabi” paliwanag ko. Hindi naman talaga ako magoovertime pero inaya ako ni Ethan. May kasalanan pa sa'kin tapos nadagdagan na naman. Tatanggi sana ako kaso pinakiusapan na niya yung propesor.

“Sinabihan ko si Nicholas na sunduin ka niya, para sana kahit hatid sundo na lang ang gawin niya sa'yo ay nagagampanan naman niya ang tungkulin niya bilang asawa mo” paliwanag ni Nanay Risa sa akin. Hindi na ako kumontra at baka magtampo si Nay Risa sa akin, malalagot ako niyan.

“Nay Risa, pwedeng ako na lang po ang magluto ng ulam?” tanong ko.

“Sige hija, ibababa ko na ang tawag, sunog na ang sinaing ko, ingat ka diyan” sabi niya.

“Sige po Nay, paalam po” pinatay ko na ang tawag.

*Call ended*

Nag hintay na lang ako rito sa parking lot gaya ng sabi ni Nay Risa. Nag tingin tingin na lang ako sa paligid ko ng may namataan akong sunset banda sa likuran ng university, nag tungo ako roon para pag masdan ang pag lubog ng araw. Pinicturan ko na rin para may pang my day hehe.

Pipindot pa sana ako sa camera button ng nag pop up ang messenger ko.

*NICHOLAS AFARRO sent a message*

*Nicholas Afarro sent a message*

Nicholas Afarro
“Hey”

Samantha Vergara
“What?”

Nicholas Afarro
“Where are you?”

Samantha Vergara
“Nasa backyard ng parking lot”

Nicholas Afarro
“Iwan kita diyan kung babagal bagal ka”

Samantha Vergara
“Wait, papunta na po”

My Professor, Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon