#MPIMH 30

65 2 0
                                    

Mahaba pa ang byahe pero heto ako at inip na inip na. Nagiinit na ang puwet ko sa upuan. Panay rin ang tunog ng cellphone ko. Sigurado ako at sigurado talaga akong si Nicholas ang nagpapaingay roon.

Sarap ihagis...

Nilingon ako ni Liam na nakakunot ang noo.

Problema niya?’

“Samantha” tawag niya sa buong pangalan ko ng mahinahon at pinipigilang mainis.

“P-po?” napa 'po' pa ako sa pagtawag niya sa'kin.

“Please lang, paki-silent niyang cellphone mo” utos niya.

“Mag-v-vibrate pa rin kahit naka-silent na" dahilan ko.

Hinablot niya ang cellphone ko at tiningnan ang dahilan ng pag-iingay.

Ibinalik niya rin iyon kalaunan ng makita na niya ang gusto niyang makita, “Kanina pa nag-m-message si Sir Nicholas slash asawa mo, at wala ka pang balak i-chat siya” sabi niya at inirapan ako.

“Sermon lang naman ang makikita ko sa mga message niya” sabi ko at humalukipkip.

“Malay mo nagaalala or di kaya may emergency” sabi naman niya.

“Kahit na—”

“I-chat mo na o aagawin ko siya sa'yo?” pambabanta niya.

“Oo na, ichachat ko na po” pilit na sabi ko at inopen ang cellphone, “Kahit naman hindi ko ichat, hindi ka niya papatulan” bulong ko sakto na para marinig niya ang pang-aasar ko.

“Ibang usapan na 'yan, Sam” sabi niya na halatang napipikon.

“Loyal kasi sa'kin at mahal na mahal ako” pagmamayabang ko na mukhang ikinadisgusto ng mukha niya.

“Edi kayo na, kayo na ang best couple of the year, gusto mo bigyan kita ng candy? Pang award” sarkastikong sagot niya.

“Ayiee siya, bitter 'yan??? Ihulog kita diyan sa bintana eh” pang aasar ko pa na mas lalong ikinapikon niya.

“Hoy, magpatulog naman kayo!!” sigaw ng kung sinong lalake na nagpatahimik na amin ni Liam na kanina pa nagbabangayan.

Narinig ko pa ang malalim na paghinga ni Liam, “Idinamay pa ako sa kaingayan” bulong niya.

“Sino ba nag-umpisa?” tanong ko.

“Ako”

“Oh,ikaw pala, anong nirereklamo mo diyan?” tanong ko pero mahina lang at baka mamaya ay madagdagan ang pagbabawal sa amin at baka rin itapon kami sa bintana.

“Pina-silent ko lang naman yung cellphone mo, bakit ako pa ang mukhang may kasalanan sa kaingayan natin?” tanong niya pabalik.

“Tama na, tama na, tayo namang dalawa ang nag-umpisang mag-ingay” pagsuko ko. Aabutin kami ng siyam-siyam kung magbabangayan kaming dalawa.

Nagpakrus ito ng kamay sa bandang dibdib at ipinikit ang mata.

Napairap ako sa hangin at muling inopen ang cellphone ko na namatay pala nung nagbangayan kami ni Liam.

Tumambad ang 54 messages ni Nicholas sa Messenger Apps ko, 42 messages sa IG ko, at 26 missed calls galing sa kaniya. Halla!! Gano'n na ba siya magalala sa akin at sobrang dami kung mag message?

Una kong inopen ang IG ko.

afarro_nic
“Hey, Wife”
“I miss you”
“Do you miss me? I hoped you miss me too”

“Busy? Who are you with?”
“Never mind the second question, I just want to know if you're fine and missing me”

“Wife, I want to see you right now T_T” ang cute, may pa-emoticon hihihi.

My Professor, Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon