“Ethan!!” sabi ko sa sarili habang naawang nakatingin sa kaniya. Pinapanood ko kung paano siya sampalin ng amo niya at pinaluhod rin siya. Pero hindi siya lumalaban kahit na mali ang ginagawa ng amo niya sa kaniya.
“Wife!!” napabalikwas na lang ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Nicholas. Lumingon ako sa kaniya na nag tataka. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayang may tumatawag na sa akin.
Inilapag niya muna sa back seat ang mga binili niyang pag kain. “Tulala ka, may problema ba?” sunod sunod na tanong niya. Hindi ako ang nasaktan kundi si Ethan.
“W-wala... m-may iniisip lang ako” dahilan ko sa kaniya. Lumihis ako ng tingin para hindi niya makita yung kanina ko pa tinititignan.
“Okay, if you're not going to talked then I don't have the right to forced you to tell. Here, Eat this” inabot niya sa akin ang hawak niyang plastic. Kinuha ko sa kaniya iyon saka kumuha ng isang hamburger.
Hindi ko malunok ang nginunguya kong pagkain dahil sa nakita ko kanina.
Hindi ko namalayan na bumabyahe na kami papauwi sa bahay.
“Do you not like it?” basag niya sa katahimikan. Umiling ako.
“Hindi naman...” tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng hamburger.
“About that night... I'm really sorry” sabi niya. Naalala ko yung chikinini sa leeg niya. Tss. Di ko aakalaing babaero siya.
“Tss. And what happened to your neck?” Wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero naiinis ako sa tuwing nakikita ko yung chikinini sa leeg niya.
‘Curse that whore’ haysst, stop thinking about that.
“Do you want to cover it with your own lips?” inirapan ko siya. Kita ko kung paano siya ngumise. ‘Sana na lang di ko siya tinanong non’
“Yoko nga, kadiri” nandidiring sabi ko sa kaniya. Ayaw ko talaga! Sinipsip na ng ibang babae tapos ipapasipsip sakin.
He giggles. “Anong tinatawa tawa mo diyan” lumingon ako sa kaniya na siya ring ikinalingon niya.
“You're jealous, aren't you?” nakangising sabi niya.
“Face the road not me” inirapan ko siya. Ang ikli talaga ng pasensya ko sa kaniya.
“Isa pang irap mo diyan, patitirikin ko yan” banta niya sa akin. Dami mong sinasabi.
I mimicked him. “Don't try me Samantha” nagulat ako sa sinabi niya dahil ngayon ko pa lang ulit na sabihin niya ang pangalan ko. Nasanay kasi ako na ang tawag niya sa akin ay ‘Wife’ di ko ba alam pero kinilabutan ako sa inakto niya.
Dahil sa kabang naramdaman ko ay tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa labas ng bintana at nag muni muni.
Idinilat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko dahil nasa kwarto na ako. Tumingin ako sa gilid ko.
Nakita ko si Nicholas na mahimbing na natutulog. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na ba.
Napapikit na lang ako dahil nakasisinag ang brightness ng cellphone ko. Inilayo ko ito para hindi masyadong masinag.
‘2:54 am’ sabi ko sa aking isipan.
Tumayo ako sa pag kakahiga at lumabas dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw.
Bumalik na ako sa kwarto pag katapos kong uminom ng tubig.
Isinalampak ko ang sarili ko sa kama at saka tumitig sa kisame.
‘How could I ended up being married to a man that I once met?’ nag tatakang tanong ko sa aking isipan. Paano ba talaga? Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.
BINABASA MO ANG
My Professor, Is My Husband
RomanceSamantha Vergara, a first year college in UST (University of Santo Tomas) she took a course of Bachelor of Secondary Education Major in English. At the age of 18 she got married to a man named Nicholas Afarro. Nicholas Afarro, a teacher, cold hearte...