#MPIMH 27

58 6 6
                                    

I dedicate this story to, JeralyneMartinez, Frida_Laelynn, and unknownlymous. Lovelotss</3

“Umiyak ka ba, Ms. Afarro?” tanong ni Sir Jerico ng makalabas ako ng tent.

Umiling ako, “Hindi po, napulingan lang” dahilan ko. Pinampag ko ang suot kong jamper.

“Are you two...” inalis niya ang tingin sa akin at tumingin sa kawalan, “make it out?” tuloy niya sa naudlot na tanong.

Make it out?

Nagulat ako sa naisip. “A-ano bang pinagsasasabi mo, Sir Jerico? Wala naman kaming ginawa na... You know” napaiwas rin ako ng tingin sa kaniya.

“Hoy, Jeric. Wag na wag mong susubukang lumapit sa kaniya, ako ang mababangga mo, and also fuckers, don't teach her any stupid thing that you always do” sabat ni Nicholas, na ngayon ay masamang nakatingin sa kaibigan niya.

“Chill, brother. You're a crazy man when it comes to her and also a territorial but a possessive one” paalala ni Jerico. He let out a sigh before talking again, “Lalapain mo'ko sa mga titig mong nakakamatay, you're hurting your dearest bestfriend, brother” mangiyak ngiyak na sabi niya at hinawakan sa magkabilang balikat si Nicholas. May ibinulong siya roon na ipinagtataka ko talaga. Biglang sumeryoso ang mukha ni Jerico ng sabihin niya iyon. Tumingin siya sa akin at naiba nanaman ang ekspresyon niya. Anong problema niya?

“I think, we need to go there?” sabay turo sa lugar kung saan nagaganap na ngayon ang palaro.

Lumapit sa akin si Nicholas at kinuha ang kamay ko saka iyon pinagsiklop at inilagay sa bulsa ng leather jacket na suot niya. His warmth make me feel good and feels home.

“So... You're going home with me na? My house— I mean our house is feel empty because you're gone and Nanay Risa too” he said. I turned to him. He said, ‘Our home’? This is it again, the feeling of falling inlove with someone you treasure. My heart beat isn't in normal. I kinda like this feeling when it comes to him.

“Yes” sagot ko at ngumiti sa kaniya.

He suddenly hug me and kiss the top of my head, “Sa wakas, akin ka na, at wala ng makakaagaw pa. I promised to love only you, this heart is yours and no else can take it away from you, this man hugging you right now is only yours and no one else can share it with you, just you and me, I promise to love you and love you and love you, hinding hindi ako magsasawang mahalin ka” he said that make my heart flutter in happiness, he once again kiss the top of my head and a kiss in my lips.

“Ahermmm!!! Excuse me po!!! Nakakainis kayong dalawa, pinagmumukha niyo talaga akong walang forever” mangiyak ngiyak na sabat ni Sir Jerico. Namula ako sa ginawa namin ni Nicholas at sa harapan pa talaga ni Sir Jerico. Nakakahiya, Sam. Lord, please, ilibing niyo na ako ng buhay. Nakakahiya ang nangyayari ngayon.

Umiwas ako ng tingin ngunit hindi pa rin naaalis ang ngiti sa aking labi. ‘I love this man’

Tumingin si Sir Jerico sa amin na ang mga mata niya'y nagluluha, “Ang sasakit niyo sa mata, hinayaan ko na lang sana kayo rito pero,,,” bumuga siya ng hangin, “pero hindi pwede, nakakainis kayong dalawa, alam niyo ba 'yon?” dugtong niya sa sinabi. Natawa ako sa reaksyon niya.

“Hanap ka na rin ng sa'yo” sabi ni Nicholas.

“No!! Ayoko pang magpakasal at magkapamilya” umiling iling pa ito ng sabihin niya iyon. Ano namang problema niya? Bakit ayaw niya?

“Ang sabihin mo lang, hindi ka pa naka move on sa kaniya, tsk tsk tsk, i know you man” napa-iling iling pa itong katabi ko at marahas na huminga ng malalim.

My Professor, Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon