#MPIMH 24

71 2 0
                                    

HAPON na ng matapos kaming mag gala. Hindi pa kami tapos mag libot, may isang araw pa bago kami umuwi kaya sinusulit na namin. Nakarating kami sa tent namin ay walang pasabi sabing isinalampak ko ang katawan ko sa kutson.

"Kapagod" ani ko at humikab.

"Okay lang, sulit naman" sabi naman ni Yna.

"Panigurado ako, pagod na pagod si Liam" si Maria.

"Talagang talaga, sino ba naman kasing hindi mapapagod eh maghapon tayong naglibot" sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag ko na nasa tabi ko lang.

Naisipan kong mag post ng 'story' sa Instagram ng picture namin apat na masayang kumakain ng icecream na corneto. Pagka-post non ay pinatay ko na ulit ang cellphone at saka hinayaan ang sariling makatulog sa pagod.

"SAM, bangon na diyan" pangangalabit ni Yna.

"Ang ingay mo" iritang sabi ko rito. Kasarap sarap ng tulog ko eh.

"Mag hahapunan na kaya kita ginising"

"Inaantok pa ako, mamaya na lang ako kakain" sabi ko sa kaniya pero inirapan lang ako ng gaga

"Yung mamaya mo, wala ka ng pagkain" sabi niya at pilit ako binabangon sa pagkakahiga ko.

"Ayoko pang bumangon" pilit ko namang inihihiga ang sarili.

"Babangon ka o babangon ka?" napa-buntong hininga ako at napilitang bumangon.

"Oo na babangon na, hindi naman ako mananalo sa'yo" nag unat ako ng kamay ko. Pero sa totoo lang ayoko pang bumangon.

Nauna akong lumabas sa tent namin at naunang pumunta sa pinagpupwestuhan namin tuwing kakain.

Sumigaw si Yna. "Sam!! Hintayin mo naman kami, ikaw na nga 'tong ginising" sermon niya. Hindi ko sila hinintay at kumaripas ng takbo, hindi naman madilim ang danaan kaya walang pasabi sabing tumakbo ako papunta sa puwesto namin.

Pagkarating roon ay nadatnan ko si Liam na nakikipag chikahan sa mga kauri niyang chismosa.

"Anong atin?" tanong ko pagkaupo sa tabi niya. Hindi naman siya nagulat kasi nakita niya ako kanina na tumatakbo papunta rito. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nito. Sana pala hindi na lang ako tumakbo, kapagod.

"You heard the chismis na ba?" conyo niyang tanong. Ano nanaman kayang nalaman neto? Lagi talagang present pag may chismis eh.

"Anong chismis ba 'yan?" tanong ko at inalis ang pagkakapatong ng ulo sa balikat niya. "Siguraduhin mong maganda iyang ichichismis mo" singit ko pa.

"Wag kang mag rereact ah" sabi niya.

'Eh, kung ba batukan ko na kaya 'to? Andami pa kasing etc. nalalaman"

"I-kwento mo na kaya, dami mo pang ineebas diyan"

"Eto na po, It's all about Sir Nicholas at Ma'am Jasmine..." huminto ito sa pagsasalita. Pabitin talaga 'to eh, may pa intro intro pang nalalaman. Baka mag pa advertisment pa 'to bago I-kwento.

Anong tungkol kila Nicholas tsaka kay Ma'am Jasmine?

"A-anong meron sa kanila?" nauutal kong tanong sa kaniya. Nakaramdam ako ng pagkakaba, I feel anxious again, like last time.

"Si Sir Nicholas raw tsaka si Ma'am Jasmine, na caught-on camera na naghahalikan. May picture pa nga raw pero hindi pa namin nakikita, siguro binayaran yung nakakuha ng litrato. Kanina lang namin nabalitaan, tapos sa tagong lugar pa raw sila gumagawa ng kababalaghan" chika ni Liam.

Biglang kumirot ang puso ko sa narinig. Sa narinig kong iyon ay tila ba nadudurog ang puso ko. Sapat na ang narinig ko mula sa sinabi ni Liam para saktan ang buong pagkatao ko. Pero bakit ko ba ito nararamdaman? Tama ba na maramdaman ko ang sakit na ito? Tama bang lamunin ako ng hinanakit ng puso ko? Pero bakit ngayon pa? Kung bakit ngayon na, na nagugustuhan ko na siya, ay saka naman ipinaranas ito? Maari bang umiyak? Magalit sa nalaman? Magalit sa poot at hinanakit na nararamdaman? O manahimik na lamang sa isang tabi?

My Professor, Is My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon